CHAPTER 3

21.7K 1K 2K
                                    


-

"Tangena hoy!" bulyaw ng magaling kong pinsan.

Maaga pa pero nagkakagulo na silang lahat, ewan ko sa kanila at ginagawang big deal lahat. Masakit pa ulo ko dahil hindi masyado nakatulog kagabi.

"Gago, legit yan?! talaga as in? Aweee di ngaaaaa?" ayaw pa maniwala ni Sj,

May nakalap kasing balita si Iris, sabi starting next week lahat ng mga graduating srudents mananatili na sa dormitory. Wala naman problema at sa tingin ko maganda rin yun, hindi ko lang alam sa mga to at bakit ayaw nila pumayag.

"Hindi pwede!" bumuntong hininga nalang ako dahil against din si keyboard sa plano.

Isa lang naman dahilan kung bakit ayaw nila pumayag. May curfew kasi at ibig sabihin lang ay hindi na kami makakagala ng gabi. Pwede naman kausapin ni Sj si pie kung ayaw nila manatili sa dorm, papayag naman yun kaagad sa lahat ng gusto nitong pinsan ko.

"Hindi pwede mag dorm tayo! Ayokong may ibang makasama no." may point naman si Iris, kahit ako ayaw kong may kasamang iba liban nalang sa kanila. Mahihirapan yata sila lalo na at mandatory.

"Paano yan? bakit ngayon pa nila gusto e implement ang bagay na yan?" tanong ko sa kanila, as if masasagot nila.

Nakapangalumbaba nalang kaming lima, dinaig pa yata namin ang pinaka problemadong tao sa buong mundo dahil lang sa ayaw namin mag dorm. Nasa ganitong sitwasyon kami nang bigla nalang sumulpot sila kitten. Gumagaan talaga pakiramdam ko sa tuwing nakikita sya kahit na tinatarayan ako palagi.

"What happened?" Tanong ni pie.

Walang sumagot at sabay pa kaming lima napabuntong hininga.

"What?" tanong ni Kitten pero wala parin sumagot.

"Hays" sabay ulit kaming lima.

"Wala na kayong maisip na mga kalokohan?" sabat naman ni Everleigh, sinulyapan lang namin sila saglit saka nagmukmuk ulit sa lamesa.

"Hungry?" sunod na tanong ni Lorelei,

Gutom kami ou, pero wala kaming mga gana.

"Krystal Bern?" tawag ni Kathlyn kay keyboard,

Masunurin si keyboard kaya sasagot yan syempre. "Totoo po ba ang balita na next week dapat sa dorm na kami?" nakangusong tanong nito sa mga guro.

"Yes, and why?" sagot agad ni Kath,

Dahil sa narinig naming sagot n'ya ay nagpakalawa na naman kami ng isang malalim na buntong hininga.

"Mandatory po ba sa 3rd-4th years?"

"Yes"

"Haaaaays" we sighed in unison.

"Pwede ba wag nalang kami isali mga miss?" tanong ko.

"Ou nga." segunda nila A at I.

"And why?" taas kilay na tanong ni Lorelei kay A,

"Ayaw namin mahiwalay sa isa't-isa, tapos ibang planeta pa course ni R," sabi ng pinsan ko.

"Sino naman nagsabi sa dorm kayo?" nabuhayan kami sa sinabi ni ma'am Everleigh, hindi kami mag dodorm?!

"Ay hindi ba?" tanong ni Iris,

"We've prepared something for you." Nanlaki ang mga mata namin dahil sa sinabi ni pie, anong ibig nya sabihin? Kung ganun hindi kami sa mismong dorm tutuloy?

"Ano, pie?"

"Remember the bet?" Sagot ni pie sa pinsan ko. Anong bet tinutukoy nila at bakit hindi ko alam? naloko na talaga, pati sila pie nahawa na sa amin dahil marunong na silang mag pustahan.

ᴘᴜ1 : ʟɪᴠᴇ, ʟᴏᴠᴇ, ʟᴀᴜɢʜ (ɢxɢ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon