CHAPTER 7

21.9K 1K 1.7K
                                    


-

"Naknampucha, alam nyo ba may event sa Feb14?!" Nagulat ako sa sigaw ni Iris pagpasok ng kwarto, kung makasipa ng pinto akala mo talaga papalitan pag nasira. Ah right, Feb14 na sa susunod na araw. Qnong klasing event kaya tinutukoy ni Iris?

"Anong event?" Tanong ni Ag at itinigil muna ang pagbabasa.

"May auction na magaganap" agad na sagot nito at pasalampak na umupo sa tabi ko.

Anong klasing auction ang sinasabi nito?

"What?! Auction na tulad nong festival?!" Bulyaw ni keyboard pero nagtataka parin ako kung anong klasing auction.

Okay so sila lang ang magkakaintindihan dahil wala akong alam sa mga naganap nong first semester dito. Tahimik lang anong nakikinig sa kanila.

"Ano ba pinagsasabi n'yo?" kunot noo ko na tanong dahilan para pagtinginan nila ako.

"Ay ou wala ka palang alam, last semester kasi may auction. Literal na ikaw ibebenta, si Sj nga last year pinagkaguluhan" sagot ni I sa katanungan ko. Mas lalong gumulo utak ko dahil sa sinabi ni Iris,

"Care to elaborate?" tanong ko

"Basically kada course ay may isang dapat na isalang sa auction, then e d-date mo 'yong nanalo sa bidding" paliwanag ni I, okay medyo magulo pero na gets ko na ang point n'ya.

Pwede pala 'yon dito sa PU?

"Diba sabi n'yo kasali si S before, sino ba nanalo sa kanya?" tanong ko.

Si S naman ay abala sa kakangiti habang may ka chat, si pie siguro 'yan. Masaya ang mokong dahil uuwi na si pie sa 14.

"Sino pa, edi ang dragon" sagot naman ni A.

"Tapos kalaban n'ya si Ziallyn, umabot nga hanggang 30 million ang halaga ni Sj. Sabaok lahat all" napanganga ako dahil sa sinabi ni I.

Ang expensive naman nitong pinsan ko at umabot pa nga ng 30 million. Intense siguro masyado 'yong labanan nina Pie at Kuting that time.

"Saan ba gaganapin event?" Sunod kong tanong.

"Sa convention hall" Si Iris ulit sumagot, sabagay sya lang may alam.

"Baka masali ka ulit." Baling ko sa aking pinsan.

Tinapunan lang ako nito ng tingin sabay paikot ng mata, maldita naman nito.

"Hindi na makakasali yan, baka ma salvage ni dragon pag sumali yan." Sagot  ni A sa akin at tipid ngumiti. Sabagay tama nga rin naman ang sinabi nya, pero mas mabuti siguro kung e official na nila sa buong campus na mag fiancee sila. Ang dami parin kasing babaeng nahahatak si S kahit engaged na kay pie,

"Alis muna ako" kinuha ko na ang bag at tumayo.

"Saan ka pupunta babae?" tanong naman ni S kaya napalingon ako sa kanya, daming tanong paran nanay.

"Sa library, may kailangan akong e research" sagot ko sa kanya.

"Suotin mo specs ko para d'yan sa mata mo" sabi nito at kinuha ang specs n'ya saka inabot sa akin.

Tumango nalang ako at kinuha ito saka isinuot para sa aking mga mata. "Sige alis na ako, mamaya nalang ulit." paalam ko at nagmadaling umalis.

Thankfully wala gaanong tao sa library, pero ang paborito kong spot ay sa pinakadulo, malapit sa bintana. Uupo na sana ako nang may nakita akong isang rubiks cube na naiwan ata ng estudyante. Inilapag ko ang mga gamit sa lamesa at kinuha ito, paborito ko pa naman laruin 'to simula pa nong bata ako. Abala ako sa pag solve nitong rubiks nang may napansin akong nakatayo sa aking gilid.

ᴘᴜ1 : ʟɪᴠᴇ, ʟᴏᴠᴇ, ʟᴀᴜɢʜ (ɢxɢ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon