-
Hindi ako na informed sa grandparents n'ya pala destination namin. Sobrang lawak ng hacienda nila jusko at malulula ka nalang sa sobrang ganda at laki nitong mansion nila.
"Kitten, hindi mo naman sinabi na buong angkan n'yo pala ang kasama." Bulong ko sa kanya nang makababa na sa kotse.
Chill lang s'ya ha samantalang ako abot langit na ang kaba. Baka mamaya pag sinabi ni Zia na jowa ako nito ay may humabol sa akin ng machine gun.
"Wala pa ba ang mga kaibigan ko?" Tanong kong muli.
"Nasa main gate na." So 15 minutes pa hihintayin namin bago sila makarating.
"Honey," nakalimutan ko na naman tuloy na kasama pala namin ina ko.
"ZB," napalingon kami sa babaeng tumawag sa kanya, wala parin talagang kupas ang ganda ni tita Shirley.
"My," salubong niya sa ina saka humalik sa pisngi.
"Good evening po, Tita." Nakangiting bati ko sa kanya, hindi naman s'ya nagulat at mukhang inasahan na talaga ang pagdating namin.
"Tita girlfriend ko na po si Zia. Wala man lang ba akong congrats?" their eyes widened in shock dahil sa biglaan kong sinabi.
Bakit pa ako mahihiya diba? Total dinala ako ni Zia dito at ang mommy ko, meaning lang no'n ipapakilala n'ya ako. Hindi naman sa pagmamayabang pero maganda naman ang magiging future in-law nila.
"R-Really?!" Bulaslas nito sabay tutop ng kanyang bibig at tingin sa anak.
"Yes. This is mimi, her mother." Pakilala naman nito kay Mimi.
"Omg! I'm incredibly happy that you've finally found someone to love." Si tita mukhang teenager na kinikilig, pambihira at pati tuloy ako kinilig.
"Who is this unbelievably beautiful foreigner?" Nakangiting tanong ni tita kay Mimi.
"Good evening Mrs. Ponferrada. Nice to mee you, I'm Rochelle's mother, Michelle Vequezo." Pakilala ni Mimi sa kanya at inilahad ang kamay.
"M-michelle?! The Hollywood actress?!" gulat ako sa pagtili ni tita Shirley. Pero gage anong sabi n'ya?! Hollywood actress?!
"H.A ka mimi?" para akong tanga na tinanong ang sariling ina. Bakit hindi ko man lang alam na actress pala s'ya?!
"Hindi mo alam? s'ya ang gumanap bilang Alia sa series na love me." Pag papaliwanag ni tita ngunit wala akong alam sa sinasabi n'ya. Series? Love me? Jusko at hindi ko alam 'yan!
"Mimi?" Baling kong muli sa kanya.
"Hehe sorry honey, secret lang muna sana." hindi ko alam kung ina ko ba talaga s'ya o kapatid. Ang buong akala ko pa naman kaya s'ya palaging wala ay dahil sa business.
"Pambihira Mimi, anak mo ba talaga ako? Nakakatampo ka naman at kay tita Shirley ko pa talaga nalaman ang bagay na 'yan."
"Sorry honey don't be upset." Dinaig pa n'ya jowa ko kung makalambiting sa leeg ko jusko.
"Oo na, bitawan mo ako at baka magselos ulit si baby kitten ko sa'yo." Nakangising sabi ko at tiningnan si baby na ngayon tahimik lang sa gilid, ay bakit maypakagat labi ang kuting na 'yan?
"Oh my bad haha, sorry dear. She's all yours don't worry." she's teasing my kitten again. Maypa kindat pang nalalaman 'tong ina ko.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" Biglang hagalpak ni tita.
"Really ZB? pinagselosan mo mommy n'ya?" langya lakas mang asar ni tita Shirley.
"My stop, hindi naman kasi sila mukhang mag ina dahil sa bata nang hitsura ni mimi. Kaya akala ko isa sa mga babae ni Rochelle." straight to the point ang kuting n'yo.
