-
"Mi, Da!" Tawag ko at tumakbo palapit sa kanila, sa sobrang excitement dahil sa miss ko sila ay naiwan ko pa si Ziallyn.
"Roro!" Huminto ako kalagitnaan at bumalik kay kitten, hindi ko sila kilala at bakit kailangan ako tawagin sa ganyan? Hindi nga alam ni kitten tungkol sa nickname ko na yan!
"Narinig mo?" Tanong ko kay kitten kasi nakita ko itong ngumiti tapos biglang sumeryoso dahil sa tanong ko.
"Huh? No? What do you mean?" Naningkit ang mga mata ko sa kanyang sagot, so narinig niya.
"Roro," sambit niya at ngumisi. Inikutan ko ito ng mga mata at handa na sana magtampo kaso bigla akong nasakal dahil sa mga yakap ng parents ko.
"My daughter. Finally, you visited us." Maligayang bati sa akin ni dada, "You must be the fiancee of my daughter, Ziallyn, am I right? It's a pleasure to meet you. I've been like a father to Rochelle since she was a child." Pagpapakilala ni dada at niyakap si Kitten.
"Hello, nice to meet you too. Yes, I'm the one and only fiancee of your daughter." Mahina akong natawa dahil sa pag emphasize niya sa salitang one and only, syempre nag-iisa lang si kitten sa buhay ko.
Humiwalay si Mimi sa akin at lumipat kay Kitten, tingnan mo at nakahanap kaagad ng bagong paborito. "Baby, you look even more beautiful now. Hindi ka ba binibigyan ng sakit sa ulo ng anak ko?" Tanong ni Mimi, hindi naman matigas ulo ko at masunurin ako lagi kay kitten.
"Hindi kaya Mimi, masunurin ko nga masyado kay kitten, diba?" Sagot ko at sunod tumingin kay Kitten para sumang-ayon sa akin.
Hindi niya ako sinagot at tinaasan lang ng isang kilay...
"See? She didn't answer, meaning sakit ka talaga sa ulo." Sabi ni Mimi, pambihira.
Nandito nga pala kami ngayon sa Scarsdale, town in New York kung saan ako nag stay kasama sila Mimi at Dada. Bumisita lang kami ni Ziallyn, tatlong araw na nung dumating kami ng New York. May Inasikaso una si Kitten sa business nila bago kami nagpunta rito.
"By the way kumain na ba kayo? Pagluluto ko kayo. Jack, could you bring their luggage to their room? Zially, come with me to the kitchen, malaki na si Rochelle kaya pabayaan mo na." Ang cute ng tawag ni Mimi sa kitten ko, Zially. Whoa, wait a minute, did she just take my girlfriend away from me?
Dahil sa iniwan nila ako ay lumabas nalang muna ako ng bahay upang magdilig sa mga halaman ni Mimi, wala naman ako gagawin sa loob at isa pa baka paalisin din ako ni Mimi kung makikisali ako sa kanila ni Kitten sa kitchen, mahilig kasi sa mga tanong 'yun at baka nga panay na tanong kay pusa ko 'yun ngayon.
Habang nasa kalagitnaan ako ng pagdidilig ay nakita ko ang isa sa mga kapitbahay namin na kaibigan ko. Si Riena, she's also an Asian- a filipina girl at bago pa man ako umuwi ng pinas ay nag confessed siya sa akin- may something sa amin dati pero tinigil ko rin kasi ayaw ko naman paasahin siya.
"Ro!" Nagtatalon ito sa tuwa nang makita ako at tumakbo papasok ng bakuran saka ako tinalunan at niyakap. Dahil sa kanyang ginawa ay sabay kaming bumagsak at ngayon nasa ibabaw ko siya.
"R-Riena, stop. Get off of me, you're too heav-" she suddenly kisses me on the lips and my mind goes blank. Hindi ako nakapagreak until I snap back to reality and push her away.
"What the heck, Riena." Sabi ko at pinahid kaagad ang labi dahil baka may naiwan na lipstick niya.
Mahina siyang tumawa at inalalayan akong tumayo. "You didn't tell me you were coming back. When did you get back? I've missed you so much, Ro." Malambing niyang tanong at niyakap ako.
"Riena, wai-"
"Rochelle," para akong nanigas sa aking kinatatayuan at nahihirapan lumunok nang marinig ko ang banta sa boses ni kitten, mabilis ko itong binalingan at nakitang madilim ang kanyang ekspresyon lalo na sa babaeng nakayakap sa akin. Mabilis at pwersahan kong inilayo si Riena at lumapit sa kanya.
