-"Nakakailang ulit na tayo, puro sunog nagawa nating cookies." Sermon ko sa kanila, mauubusan na ako ng pasensya dahil kanina pa kami ulit nang ulit sa pag bake ng cookies hays.
"Mga bobo naman kayo! inaaksaya n'yo ingredients!" isa rin 'tong S, kung makareklamo akala mo talaga may nagawa, puro lang kain ang ginawa langya.
"Nakailang sunod kayo?" tanong ni A.
Isa pa 'tong Ag, ang yabang pa kanina dahil alam n'ya raw paano mag bake ng cookie tapos ang resulta sunog.
"Pang apat na 'to bobo" mas lalo naman 'tong unggoy namin na walang alam, jusko.
"Mga gago, 'yan ba ibibigay n'yo sa mga demogons bukas? Isang kagat langit agad hahaha" mas pinakawalang kwenta naman si I, kanina pa 'to puro bunganga.
"Alam mo, potangena mo! at ang sarap mong pakainin ng sampung granada" sabi ko at sumandal sa refrigerator.
Paubos na mga ingredients namin at wala pa kaming nagagawa. Wala narin kami balak umulit dahil same lang din ang resulta, sunog!
Tulala lang kaming lima hanggang sa may naisip ako bigla.
"Mga tanga puntahan nalang natin si nerdy! 8:30 out n'ya diba?" sabi ko sa kanila at tinignan ang orasan, quarter to 8 palang.
"Bakit natin pupuntahan?" Minsan nakakabobo rin si Iris,
"Susunduin natin! s'ya nalang pag-asa natin para sa cookie" sagot ko. Malay natin na may alam pala si nerdy sa ganitong bagay.
"Oh good idea tara, para rin matanong natin kung ilan nanligaw sa kanya. Hindi pa nakapasok yun kahapon dahil sumakit puson." Paliwanag ni Sj at tinabi ang mga kagamitan.
"Sunduin na natin. Dalhan mo narin nong heating pad para sa cramps n'ya" sabat naman ni A.
Nagbihis muna kami bago sinugod si nerdy sa classroom nila. Mabuti nalang talaga wala kaming night schedule ngayon.
"Hoy R silipin mo nga sino nagtuturo" utos agad ni S sa akin. Nandito na kasi kami sa labas ng classroom nila. Nasa backdoor kami banda dahil sa kabilang side kami dumaan upang umakyat dito sa classroom ni nerdy. Dahan-dahan akong sumilip at muntik pa akong makita ni dragon, pasalamat mabilis akong nakatago.
"Oh anong ginagawa mo, sino Professor nila?" tanong ni S.
"Si miss Everleigh" sagot ko at sumilip ulit nong tumalikod ito upang magsulat sa whiteboard.
Una kong nakita si nerdy na nasa upuan n'ya at seryoso sa discussion pero mas nagulat ako nang makita si Ziallyn na nasa likod!
"Tangena!" napamura ako at lumayo bahagya sa pintuan.
"Nakakita ka ng mula?" Tanong ni Iris,
"Si miss Everleigh prof nila at nasa loob si Ziallyn, hindi ko alam anong ginagawa nya jan." paliwanag ko sa kanila.
Sabay nga nilang sinilip na apat at hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ko, bigla ko nalang kasi tinulak si S ng malakas. Kaso nga lang silang apat ang sumubsub paharap dahil dinamay ni S ang tatlo. Napapikit nalang ako dahil sa lagabog na narinig at sa kadahilanang na expose kami ng tuluyan dahil biglang bumukas ang pintuan.
"You!" sigaw ni Everleigh nang makita silang apat. Hindi ako nagpakita at nasa labas lang ako samantalang ang apat ay nakadapa sa may pintuan, wala ata silang balak tumayo.
"What are you doing here again!?" Bulyaw ni maam sa mga kaibigan ko. Napakagat labi ako para maiwasan ang humagalpak ng tawa. Feel na feel kasi nilang apat ang pag langoy sa sahig.