CHAPTER 30

18.7K 976 1.6K
                                    


-

"Congratulations!" Sabay na sigawan namin at pinutok ang mga confetti poppers.

Gabi na kami nag celebrate ng party for Nerdy, dito lang din sa villa na regalo ni Iris para sa kanya. Actually, hindi pa nya alam sa kanya naka pangalan 'to at wala pa kaming sinasabi sa kanya. Kumpleto kaming CCB at sinama narin namin ang Demogons tapos si Jemima.

"Dora congrats! Ipasa mo lang ang board exam at sure na ang trabaho mo." Malawak na ngiting saad ni S, akala mo talaga siya ‘yung gagawa ng paraan pero ipapasa naman kay Pie.

"Nerdy, gift ko." Sunod naman si A at inabot nito ang isang susi ng sasakyan. Itsura ni Nerdy tulala, speechless at hindi magawang mag react.

"Marunong ka ba magmaneho ha Dora?" Tanong ni Sj.

"Hindi," sagot nito sabay iling.

"Okay lang yan, tuturuan ka namin, summer narin naman. Madali lang yan." Sabi naman nitong pinsan ko.

Ako sunod lumapit at inabot sa kanya na brown envelope.

"Ayan nalang akin nerdy, a trip to Switzerland. Sabi mo gusto mo makapunta do'n diba? Ayan na, hehe congrats. Kasama sila Nanay at Tatay d'yan, wala ka ng gagastusin kahit centavo." Nahihiyang sabi ko, ewan ko at nahihiya sa ginawa ko.

"Hala, wala akong regalo kasi hindi ko alam. Hintayin mo nalang magising ang isa nerdy." singit naman ni Keybold sa usapan. Himala at hindi si Bern ang kasama namin tonight.

"Okay lang, masaya na akong kasama ko kayo." Napaka inosente talaga nitong Nerdy namin.

"Hoy tabi." tabig ni I sa mukha ni K, bastos na bata, langya.

"Ano ba?!"

"Nakaharang ka tanga. Shorty, gusto ko lang sabihin na sa'yo nakapangalan ang villa na'to. Oo, at wag ka umiyak, regalo ko 'to for you." Mahangin masyado si Iris at kailangan na tokhangin ‘to.

Nag-excuse muna ako at hinanap si Zia, bigla kasi nawala kaya hinanap ko, asan nagpunta 'yon? Pero nakahinga ako ng maluwag nang makita itong nasa poolside lang pala, nakaupo.

"Baby," tawag ko at tumabi sa kanya.

"Love, I have a question." jusko nandito na naman tayo sa mga tanong nya na dapat sya ang tama.

"Ano 'yon Kitten?" Pero kahit kabado ay ngumiti parin ako at malambing siyang tinanong.

She asked me seriously, "What would you do if one of your friends betrayed you?" I was surprised by her question. Out of everything she could ask, why does it have to be about friendship and betrayal?

"What do you mean?" Tanong ko at hindi sumagot si Zia, nilalaro lang ang tubig sa pamamagitan ng kanyang mga paa.

"I-I don't know Baby, hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa tanong na 'yan." Sinabayan ko narin siya sa paglalaro ng tubig.

"Hmm, I see." Sagot niya at biglang nanahimik.

"May problema ba Kitten?" Para kasi siyang may malalim na iniisip sa sitwasyon ngayon.

"Just thought of something." Hindi ako naniniwala sa dahilan na yan. Alam kong may problema sya at kaya ko hintayin si Zia hanggang sa handa na syang sabihin sa akin ang lahat.

"Baby, how can someone as pretty as you live on this planet? Your beauty is like something straight out of a fantasy book. You have such a villainous vibe, but not in a bad way, more like a villainous protagonist. Not all villains are truly evil, right?” Ang ganda kasi masyado ni Baby at yung dating niya sa akin simula umpisa pang villainess masyado.

ᴘᴜ1 : ʟɪᴠᴇ, ʟᴏᴠᴇ, ʟᴀᴜɢʜ (ɢxɢ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon