EPILOGUE

14.3K 419 134
                                        


-

Late evening na, pero abala pa rin ako sa pag-sketch ng design para sa bahay ng client. Tahimik lang akong nagtatrabaho nang biglang bumukas ang pinto ng opisina. Si Ziallyn, halatang may inis sa mukha, lumapit sa akin.

"There are so many professionals with more experience, but why did that client choose you? And she's a woman, too? What's going on?" Taong niya, halatang hindi niya mapigilan ang inis.

Napabuntong-hininga ako at tumigil sa pagguhit. "Kitten, hindi ko naman kontrolado 'yun. Tinawagan lang ako, sinabing gusto nila 'yung approach ko sa design. Tsaka hindi naman porket hindi pa ako graduate, hindi na ako capable."

Lumapit siya, naka-cross arms, at mas lalo pang bumigat ang tingin niya. "I know you're good at what you do, but why couldn't she wait until you finished school? And the fact that she's a woman-don't you see why that bothers me?"

Tumayo ako at hinarap siya. "Kitten, trabaho lang 'to. Wala akong ibang iniisip kundi matapos 'yung project nang maayos. Ano bang ikinaseselos mo? Wala naman 'yun."

Napansin kong humina ang boses niya at umiwas siya ng tingin. "It's not jealousy... I just don't want people to take advantage of you or pressure you. It feels like they're dismissing all the effort you've put into your studies."

"Alam kong iniisip mo lang ang kapakanan ko, at na appreciate ko 'yun. Pero kaya ko 'to, promise. Wala kang dapat ipag-alala sa client ko. Sa'yo lang ako." Hinawakan ko ang kamay niya, tinitigan ko siya nang seryoso bago ito dinampian ng halik.

"I hope so. But you did say it yourself... you're mine. That's why I can't help but worry sometimes." Napabuntong-hininga siya pero tumingin din sa akin, mas kalmado na.
Ngumiti ako at hinila siya sa isang yakap.

"Ikaw lang naman ang mahalaga sa'kin, Kitten. Trabaho lang 'to, pero ikaw ang pahinga ko. Okay na ba 'yun?"

Narinig ko ang mahinang tawa niya bago siya umiling. "You're something else. Fine, I'll let it go. But if another woman calls, you better tell me right away, okay?"

"Yes, General Ziallyn. You're the boss." Natawa ako sa ginawa ko at hinila siya upang yakapin.

"Just so we're clear, I'm not saying I don't trust you. It's them I don't trust." Nanatili siyang nakayakap sa akin nang saglit bago siya umatras, pero nagbalik ang seryosong tingin niya.

Tinaasan ko siya ng kilay, natatawa. "Sila? Parang lahat ng babae, gusto mo nang kalabanin."

"Well, you're talented, you're hardworking, and you're... let's just say you're easy on the eyes. People might get ideas." Sabi niya habang naka krus ulit ang mga braso.

Hindi ko napigilan ang tumawa. "Kitten, sobra kang mag-isip. Hinahire nila ako dahil sa mga design ko, hindi dahil sa mga ini-imagine mo."

"Oh, really? And what about that time your classmate... what's her name-kept asking for your HELP with her assignments just so she could sit next to you for hours?" Tumingin siya sa akin, nagtaas ng isang kilay.

"Iba naman 'yun. Hindi siya kliyente, at saka, ikaw nga ang tumapos sa isyu na 'yun, di ba?" Napakamot ako sa ulo, pilit na pinipigilan ang ngiti. Paano niya alam 'yun? Si Kitten, palihim akong binabantayan.

"Exactly, and I'll do it again if I have to."Ayaw niya talaga magpatalo.

"Hindi ka talaga magpapatalo, ano? Sige na nga, para lang hindi ka mag-alala, update kita sa bawat hakbang ng project na 'to. Masaya ka na?" Umiling ako, natatawa.

Kunwari pa siyang nag-isip bago tumango. "Fine. But don't forget, you owe me dinner for making me worry like this."

Nagtaas ako ng dalawang kamay, hudyat na sumusuko sa kanya. "Deal. I'll even cook. Just promise me you'll stop worrying about this client, okay?" Sagot ko.

ᴘᴜ1 : ʟɪᴠᴇ, ʟᴏᴠᴇ, ʟᴀᴜɢʜ (ɢxɢ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon