CHAPTER 38

16.7K 523 157
                                        

-

Maaga pa lang, gising na ako. Excited at medyo kinakabahan. Ngayon ang graduation ni Ziallyn, fiancée ko at ang babaeng pinapangarap ko habangbuhay. Sa kusina, hawak ko ang tasa ng kape, iniisip kung may nakaligtaan ba akong ihanda. Suot ko na ang paborito kong polo at maayos na slacks, hindi masyadong bongga, pero sapat na para sa espesyal na araw na ito. Sa tabi ng mesa, naroon ang bouquet ng white roses na may halong baby's breath, alam kong paborito niya 'yun.

Sinilip ko ang gift box na may bracelet sa bulsa ko. Napakasimple nito, pero espesyal dahil may nakaukit na 'Forever Yours'

Bigla akong napatigil nang marinig ko siyang tawagin ako mula sa itaas. "Are you ready?" tanong niya. Napangiti ako, saglit na napaisip siya ang bida ngayon, pero pareho kaming kabado.

"Oo, kitten! Tara na't baka ma-late tayo!" Sinagot ko siya. Pagbaba niya, napahinto ako. Suot niya ang toga niya at ang simpleng puting dress sa loob. Hindi ko maiwasang humanga. Sobrang ganda niya, at parang tumigil ang mundo ko.

"Do I look okay?" Tanong niya dahil seryoso akong nakatingin.

Hinawakan ko ang kamay niya at tinitigan siya sa mata. Hindi ko napigilang sabihin, "More than okay. Ang ganda-ganda mo." Napatawa kami pareho, pero alam kong emosyonal na rin siya.

Habang nasa byahe kami papunta sa venue, hindi ko maiwasang magmuni-muni. Ang tagal naming pinangarap ito, at ngayon, andito na kami. Hindi lang siya nagtapos sa kolehiyo, nagtapos din kami sa isang mahirap pero masayang pinagdaanan ng buhay namin. Ngayon, simula na ng bagong kabanata, at mas lalo akong nasasabik sa mga darating na araw kasama siya.

Pagdating namin sa venue, agad akong bumaba para pagbuksan siya ng pintuan. Ngumiti siya, at kahit simpleng bagay lang iyon, ramdam kong mahalaga para sa kanya. Habang naglalakad kami papasok, mahigpit ang kapit niya sa braso ko, at ramdam kong may halong excitement at kaba sa bawat hakbang.

Puno na ang lugar ng mga tao-mga estudyante, magulang, at kaibigan na lahat ay sabik makita ang tagumpay ng kanilang mahal sa buhay. Nakahanap kami ng upuan malapit sa harap para mas makita ko siya sa stage.

"Thank you love, for everything." Bago siya tumayo para pumila, hinawakan niya ang kamay ko at bumulong.

Ngumiti ako at sinagot siya, "Ikaw ang naghirap para dito. Ako lang ang cheerleader mo." Tumawa siya nang mahina, pero kitang-kita ko ang saya sa mga mata niya.

Habang naghihintay ako sa upuan, nakuha kong pagmasdan siya mula sa malayo. Kita ko kung paano siya magiliw na bumabati sa mga kaklase niya. Parang ang liwa-liwanag niya, iba na talaga si Kitten ngayon, ang taong dati'y walang pakialam sa iba at focus lang sa sarili niya, ngayon ay nakangiti na sa ibang tao.

Mahabang oras akong naupo, hindi ko inalis ang paningin ko sa babaeng umaapaw ang kagandahan sa di-kalayuan. Pagkatapos tawagin ang pangalan ni Ziallyn bilang summa cum laude, halos sumabog ang puso ko sa saya at pagmamalaki. Lahat ng tao sa auditorium ay nagbigay ng masigabong palakpakan. Hindi ko maiwasang ngumiti nang malaki habang tinitingnan siya, na para bang siya lang ang tanging tao sa paligid. Hindi lang ako ang proud sa kanya, nandito rin ang mga kapatid ko, kapatid niya at parents.

Dahan-dahan siyang lumapit sa mikropono. Kita kong bahagya siyang kinakabahan, pero hindi ko rin maiwasang humanga sa kung paano niya ito tinakpan ng isang tiwala at eleganteng ngiti. Nang magsalita siya, ang boses niya ay malinaw, puno ng emosyon, at dama mo agad ang sinseridad.

"Good day to everyone," panimula niya at biglang tumahimik ang buong lugar.. "Today, we are not just celebrating the culmination of our academic journey. We are also honoring the hard work, sacrifices, and hopes that have brought us here." Napatingin siya saglit sa direksyon ko, at naramdaman kong parang espesyal na mensahe ang susunod niyang sasabihin.

ᴘᴜ1 : ʟɪᴠᴇ, ʟᴏᴠᴇ, ʟᴀᴜɢʜ (ɢxɢ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon