-"Yaaaaaaay banana booaaaaaaaat!" Nagtatatalon kami habang sumisigaw sa tuwa.
Marami kami kaya dalawang banana boats gagamitin. Kasama ko sa boat sila Ziallyn, Pixie, Sj, Iris at Everleigh sa kabila naman sila Kb, Kathlyn, Lorelei, Heaven at Ag.
"Sino gusto sa unahan?" tanong ko sa kanila.
"Ako ako ako!" parang bata talaga 'tong pinsan ko.
"Sige ikaw una tapos sunod ka pie, then next naman ikaw ma'am Eve at ikaw naman sa likod n'ya Iris. Kami na huli ni Zia" sabi ko sa kanila.
Hindi sila umangal at agad sumampa sa banana boat namin. Hindi halatang excited ang dalawa kong kaibigan dahil hindi matigil sa kakasigaw.
"Zia ikaw sa likod ko, dapat sa akin ka lang yayakap" bulong ko sa kanya tapos kinindatan s'ya. Tinaasan lang ako ni kuting ng kilay.
Nagsimula na kaming umandar at hinatak kami papunta sa malalim na parte ng dagat, hanggang sa unti-unti na bumibilis ang boat namin.
"Zia, higpitan mo yakap sa akin" baling ko ng ulo sa kanya. Baka kasi mahulog 'tong pusa at nasa dulo pa naman s'ya. Pabilis nang pabilis ang banana hanggang sa oras na para umikot kami.
"Iris, stop tickling me!" sigaw ni Everleigh sa kanya.
"Halaaa halaaaa paliko na tayo ayan naaaaa!" sigaw naman ni Sj sa unahan.
"HAHAHAHAHAAHAHAHA wag ka mahulog hindi kita kaya saluhin mabigat ka!" Sigaw ni Iris, langya 'tong babae na 'to.
"Shut up!"
Pumihit na pa kaliwa ang banana at dahil sa malakas na alon ng dagat ay si Iris biglang nahulog sa dagat kasama si Everleigh.
"BAHAHAHAHAHAHAAHAHAH"
"J, stop moving!" saway ni pie sa kanya.
"Bakit ba kasi yayakap kahit may mahahawakan naman sa saging AHAHAHAHAAH" sigaw ni Sj.
Napayuko ako upang tignan ang sinabi n'ya, ay gage meron nga talaga. Hindi ko naman kasi napansin 'to kanina!
"Aaaaaaaaahhhhhkdnkdnhd!" sigaw ni keybold sa kabilang side.
Laughtrip masyado sitwasyon nilang dalawa ni Heaven. Ang mga katawan nila nahulog sa dagat pero ang mga kamay nakahawak sa saging. Para silang mga patay na kinakaladkad ng sasakyan jusko.
"HAHAHAHAAHHAHAAHAHAHAHAH" tawanan namin ni Sj gage.
"Kitten, hawak ka lang mabuti. May malakas na alon tayong makakasalubong" may kalakasan na sabi ko sa kanya.
Napangiti ako nang naramdaman humigpit ang yakap sa akin. Sasabihin ko sana sa banana holder na kumapit pero wag nalang, sulitin ang moment. Dahil nga sa malaki ang alon na kasalubong at nawala ako sa focus, ay medyo napasama ang impact at tumilapon kaming dalawa ni kitten sa dagat gage.
"Sorry pusa HAHAHAAHHAAH" sabi ko sa kanya at lumangoy palapit sa kanya.
"Love"
Lumangoy ako paharap sa kanya. Wow ang hot masyado ni pusa ko tignan!
"Hala pusa ang ganda at sexy mo pag wet ka" diretso kong sabi sa kanya.
"Rochelle!" singhal ni pusa at hinampas ulo ko gage.
"Aray, I mean ano kasi. Ang ibig kong sabihin pag nabasa nang tubig!" pagtatama ko sa sinabi ko.
Napaka dirty minded masyado at ano bang mali sa sinabi ko! Wet naman talaga ang english ng basa ah!
"Hehe" hagikhik ko at niyakap s'ya.
"Omg, you're heavy donkey!" saway ni pusa at pinukpok ulo ko.
"Aww" daing ko, masakit kaya s'ya humampas.