-
Kanina pa ako wala sa sarili, hindi pala at simula nong nagtapat si Zia sa akin. Ibang-iba yung dati sa ngayon kasi mas naging in-love ako lalo kay kitten ngayon na alam kong mahal niya rin ako. Sobrang sarap pakinggan at paulit-ulit bumabalik sa isipan ko ang kanyang mga salita lalo na ang pagsabi niyang mahal din ako.
Hays, miss ko na si kitten at gusto ko na siya agad makita, ang tagal naman kasi matapos ng araw na to.
"Mga tanga, nakalabas na sa mental ang mga kokey," Balita ni Sj sa amin.
Hindi kami natuloy kahapon sa wipeout dahil weekdays lang pala sila open. Next time nalang daw kung may tamang panahon. Hindi parin ako nakaka-recover sa pag amin ni Zia sa akin sa totoo n'yang nararamdaman. Ang buong akala ko talaga ay wala na talaga akong pag-asa sa kanya.
"Buo na ba ulit mga buto nila? Tara balian natin." pambihirang Ag 'to.
"Ano ba mga pinagsasabi n'yo?" tanong ni keybold. Ou nga pala at si bern ang mastermind sa lahat ng gulong nagawa namin no'n.
"Ay basta unggoy, don't ask nalang at wala ka rin naman mapapala." sagot ni Iris sa kanya.
"Finals na next week tapos graduation na ni nerdy next. May mga regalo na ba kayong nabili?" tanong ni A.
Ang dami na naming nakain today at hindi parin kami mga busog, nakailang set of orders na kami tapos mga gutom parin.
"Wala pa, kayo ba ano regalo n'yo?" tanong ko saka sumubo nang pagkain.
"Kotse." agad na sagot ni Ag.
"Villa." sunod si Iris.
"Hindi ko alam at wala akong maisip, si bern nalang ang kausapin n'yo sa parteng 'yan." sagot naman ni Kb.
"Pag pumasa si dora sa board exam, secured na future n'ya. Demogons na bahala mag back up sa kanya, 'yon nalang regalo ko total nakausap ko naman na si pie." lakas talaga nitong pinsan ko sana all may back up.
"Hmm hindi ko alam ano ibibigay kay nerdy. Sarili ko nalang kaya?" hala ang tanso may balak ata landiin ang nerdy namin!
"Hoy! Kung ikaw nalang din naman wag na! Dami mong babae baka masaktan pa dora namin sayong tansan ka!" gigil masyado ang Sj.
"Bakit tanso, crush mo ba si nerdy ha?" tanong ko.
"Ou, bakit bawal ba ha? crush lang naman ah!" kung makasagot naman 'to akala mo inaapi.
"Crush lang ha! kapag nalaman ko talaga na nilalandi at sinaktan mo si shorty ako babali ng mga buto mo." banta ni Iris sa kanya.
"Naku! Mukhang mahihirapan ka tansan, si bern makakalaban mo." singit ni Ag sa usapan. Hala sinasabi ko na nga ba't may gusto ang berngot na 'yon kay nerdy!
"Laki naman ng mga problema n'yo, parang walang exam next week ah." Sermon ni keybold sa kanila,
"May gusto ba si bern kay nerdy ha kb?" tanong ni tanso sa kanya.
"Aba bakit ako tinatanong mo, ako ba si bern? Krystal ako!" asar naman masyado ang monkey.
"Oh ba't ka galit, ito saging horsey at wag ka na sumimangot." inabutan naman s'ya ni S.
Miss ko na girlfriend ko, hindi ko pa nakikita ang kitten ko simula kaninang umaga.
"Hello,"
"Hi girls,"
Napalingon kami sa mga taong tumawag sa amin. Okay nandito na naman tayo, kanina pa talaga kami nilalapitan ng mga students at sinasabing napanood nila 'yong runway namin last week. Pambihira, weird man ngunit may fanclub na ang CCB. Actually, halos ng mga pagkain na kinakain namin ngayon ay galing sa kanila, Hindi lang babae at pati mga lalaki lumalapit narin sa amin.
