CHAPTER 14

26.5K 1K 1.4K
                                    


-

"Miss ko na si nerdy," kanina pa nakabusangot si Iris dahil miss na raw si nerdy,

"Kaya nga pupuntahan natin diba? Para ma check natin." Sagot ni keyboard.

Isa-isa kaming sumakay sa aming mga big bikes, dadalawin namin si nerdy sa coffee shop. Naghanap kasi s'ya ng part time job at sakto hiring 'yong sa coffee shop na tambayan namin. Maglalakad lang nga sana kami dahil malapit lang naman kaso sobrang init kaya mag momotor nalang, isang beses palang ata kaming nag joyride mag babarkada.

Hindi parin tinatantanan ni kokey si Ziallyn, dahil habol parin ito ng habol sa kanya. Natatawa ako dahil nalaman din namin na may gusto rin 'yong mga kasamahan n'ya sa demogons lalo na kay pie.

Sabi ko kay Sj na pumayag nalang s'ya sa gusto ni pie. Gusto kasi ni dragon na e-announce na 'yong engagement nila. Alam naman ng buong campus kung gaano ka special si Sj kay Pixie pero hindi nila alam na mag kasintahan ito. Pagdating sa tapat ng shop ay agad kaming nag park ng mga bikes at pumasok. But wrong timing ata pagpasok namin dahil may nagkakagulo?

"Oh my god! ilang beses na ba nangyari 'to! araw-araw nalang ba ha?!" Boses na nagmumula sa isang galit na babae.

Kumunot ang noo ko dahil bakit n'ya pinapagalitan ng ganyan ang isang worker?

"Asan si dora?" tanong ni S at sumilip upang hanapin si nerdy.

"S-sorry po" sabay kaming lima napatingin sa babaeng binubully no'ng babae.

Si nerdy pala pinapagalitan nito! hindi namin napansin dahil sa nakatalikod ito sa amin. Pero bakit n'ya inaapi nerdy namin? kami lang pwede mambully sa kanya.

"Hindi mo ba alam kung gaano ka-mahal ang suot ko?! Sinabihan kitang mag dahan-dahan!" Mas lalong sumama ang mga hitsura namin dahil sa pag singhal nito kay nerdy at sa sinabi nito.

"I'm sorry po."

"Gosh this is so frustrating! you're so useless! Why did they even hire you?!" at dahil sa pang iinsulto n'ya ay hahakbang na sana kaming magkakaibigan upang awatin ang babaeng umaapi sa nerdy namin, pero pinigilan kami ni keyboard at sinabihan na wag kaming makialam at manatili nalang dito sa kinatatayuan.

"If you keep doing this up, I'm going to tell your boss to fire you!" kung nakakamatay lang ang tingin ay sigurong kanina pa walang buhay ang babaeng 'to.

Lumapit si keyboard sa kanila at hinawakan sa balikat si nerdy. Sabi nga ni KB ay manatili lang kami at huwag makialam, kaya ginawa namin ang sinabi nito. Tahimik lang kami sa likod nila, nanonood at nakikinig.

"Don't yell at her" I was taken aback by the coldness of kb's voice. Only now have I seen her this serious.

The woman's eyes widened when she saw KB.

"M-Miss Miller?" tawag n'ya kay keyboard.

"What sin did she commit to make you insult her like that" damn, ang hot ni kb ha pag matino s'ya at cold. Hindi mo talaga masasabing isa s'yang sinto-sinto sa mga oras na 'to.

"K... Okay lang ako." pagpigil ni nerdy, pero si keyboard ayaw magpaawat at gusto parin ituloy ang binabalak dahil tinago nito sa likod n'ya si nerdy.

"Just because she spilled a drink on your clothes?" nothing changed in her cold voice.

Binalingan ko ang mga kaibigan ko at ang mga gaga nauna na mag order at iniwan akong mag-isa!

"Palagi nalang kasi nangyayari miss" sagot nito kay K.

"I don't care about your reason. My point is why you have to insult the person. Get out of here right now" what the fuck, hindi na talaga si keyboard 'tong kasama namin.

ᴘᴜ1 : ʟɪᴠᴇ, ʟᴏᴠᴇ, ʟᴀᴜɢʜ (ɢxɢ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon