CHAPTER 31

19.7K 1K 2.4K
                                    

-

"P-Please, itigil mo 'to, I'm begging you. Kaya ka namin tulungan, nagmamakaawa ako, alam ko hindi ka masamang tao at nabulag lang dahil sa sobrang pagkamuhi-"

"Shut up!" Napaigtad ako at napapikit ng mga mata dahil sa muli niyang pagkalabit nang gatilyo sa aking paanan.

"P-Pakawalan mo na si Jem, bakit pati si Jem nadamay sa gulong 'to?"

"Hindi mo alam? Dahil siya ang babaeng tinutukoy ko!" Nanlilisik sa sobrang galit ang kanyang mga mata, naguguluhan ako at hindi alam kung ano ang ibig niyang sabihin.

"M-May relasyon kayo?" Sobrang gulat ko matapos mapagtanto ang sinabi nito. Tumingin ako kay Jem at mabilis itong umiling nang ulo habang patuloy parin sa pag-iyak.

"Oo, masaya sana kami ngayon kung hindi ka lang umeksena sa buhay naming dalawa! Sya na lang ang meron ako, tapos inagaw mo pa!!!" Natatakot ako, hindi para sa sarili ko, kundi para kay Jem na may baril na nakatutok sa ulo nya!

"H-Hindi ko naman inagaw at magkaibigan lang naman kam-"

"Magkaibigan pero naghalikan kayo?!" Umalingawngaw ang kanyang malakas na boses sa buong palapag, kumunot ang aking noo at inaalala ang ibinibintang nito sa akin.

Hindi kami naghalikan! Don't tell me, 'yung hinalikan ako ni Jem sa bonfire?!

"Kung hindi sya mapupunta sa akin, mas lalong hindi mapapasaiyo. Mamamatay muna kaming dalawa bago mo kami mapaghiwalay!" Napalunok ako nang mas lalo niya idiniin ang baril sa ulo ni Jem.

"K-Kaya ba ayaw mo ako papuntahin noon sa party dahil may balak ka na masama sa kanya?!” Hindi ko na naitago ang galit sa tono ng aking pananalita. Hindi ako makapaniwala, kaya nya gawin ang lahat ng ito?

"Oo, tauhan ko ang mga bantay sa gate, kung hindi ka lang sumulpot! Sana makakasama ko na sya sa habang buhay!" Kinilabutan ako sa sinabi nito. Potangena, bakit nagkaganito siya?

Nababaliw na talaga, hindi ito ang Donita na kilala ko. Sobrang layo nya sa Nerdy na kilala ko! Mas masahol pa sya kumpara kay Loraine, walang awa at kayang pumatay ng inosente!

"S-So, hindi rin ako namalikmata? Ikaw ‘yung nakita ko sa may carousel nong nasa Disneyland tayo?" Oo, sya ang babaeng tinutukoy ko noon— na ang buong akala ko ay kasama nila Sj.

"Tama, plano ko sana unahin si Ziallyn pero umeksena ka na naman! Ikaw ang dahilan kung bakit naudlot ang mga plano ko! Punyeta, pwede ka narin mawala R." Kinilabutan ako sa kanyang pag ngisi at biglang tinutok ang baril sa direksyon ko, akala ko ay hindi niya ipuputok pero napangiwi ako nang dumaplis ang bala sa kaliwang binti ko.

"Malakas kapit mo kay Satanas?"

"Nerdy please, paano sila Nanay at Tatay? Ano na lang mararamdaman nila kapag nalaman ang ginawa mo?" I need to stay calm lalo na sa ganitong sitwasyon na hostage nya si Jem. Isang mali ko lang ay pwede nyang makalabit ang gatilyo!

"They're not even my real parents. Ginamit ko lang sila para sa plano ko. Haha, naniwala naman kayo? Oo nga naman dahil mga uto-uto kayo!" Nawasak ang puso ko dahil sa rebelasyon nito. Kinuha nya lang ang mga ito upang isakatuparan ang plano at linlangin kaming lahat.

Napapikit ako habang inaalala ang mga masasayang ala-ala naming lahat na magkasama. Hindi ko matanggap, ang hirap tanggapin. Binigay naman namin lahat sa kanya ang pangangailangan, inalagaan sya, minahal na parang isang tunay na kapatid at mas lalong hindi kami nagkulang sa kanya.

Ang sakit!

"Shoot her." Narinig kong utos ni Bern kay Ag, napalingon agad ako sa isang open window.

"N-Nooo!" Sigaw ko saka iniyuko ang ulo. Narinig ko ang pag buntong hininga ni Bern.

ᴘᴜ1 : ʟɪᴠᴇ, ʟᴏᴠᴇ, ʟᴀᴜɢʜ (ɢxɢ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon