-
Ang gaan ng pakiramdam ko, kahit na sobrang hirap ng exam kanina ay hindi nito nasira ang mood ko at mas lalong ginanahan pa nga ata ako sa pagsagot.
Hindi ko alam kung ano ba talaga ang rason ni Ziallyn sa lahat ng mga kalituhang 'to, pero alam kong magiging malinaw din ang lahat sa takdang panahon. Pinanghawakan ko talaga 'yong sinabi ni Sj before na lahat ng gagawin nito ay may dahilan. I trust my woman, I trust Ziallyn so much.
Hindi parin ako makapaniwala sa nangyari sa amin no'ng nakaraan. Hindi naman siguro nito ipagkakaloob ang sarili sa akin kung hindi s'ya seryoso diba? Pwede na pala ako kunin ni Lord ngayon. Hindi nga nakapasok kahapon ang kuting, hindi naman siguro gano'n ka-wild ang ginawa ko sa kanya no'ng isang gabi?
Pagpasok ko sa cafeteria ay ang mga seryosong mukha nilang apat ang nadatnan ko.
"Ba't seryoso kayo? Daig n'yo pa mga broken ha." Sabi ko at tumabi kay Sj. Binalingan naman ako nito ng ulo at para bang sinusuri ang mukha ko.
"Bakit?" Tanong ko.
"May natatanggap ka pa bang mensahe mula sa unknown number?" Bakit gusto nila pag usapan ang bagay na 'yan?
"May natanggap ako no'ng isang araw, anong meron?" Tahimik lang ang tatlo sa tapat namin, nakikinig at seryosong nakatitig.
"Narinig ko si tansan kanina sa cubicle, may kausap pero hindi ko alam kung sino." Parang masama kutob ko.
"Tapos?"
"Sabi nito sa kausap na maghanda mamaya dahil dadalo tayo sa party ni Jem." Nagulat ako sa ibinalita nito. Si tanso? Traitor ng grupo?! Hindi maaari.
"Ang ibig sabihin...?"
"Wag muna tayo magpadalos-dalos, basta maging normal lang tayo kung kasama parin s'ya. Hindi natin alam kung si tansan ba talaga ang magpapahamak sa'yo." Tumango naman ako agad sa naging sagot nito.
"Pero hindi ko alam ano nagawa ko sa kanya kung mapatunayan na s'ya nga ang traydor? Ni hindi ko nga kilala si tanso bago natin s'ya maging kaibigan." Napaisip narin tuloy ako ng mga pwedeng maging dahilan pero wala talaga akong maisip kung ano.
"Baka talaga kasabwat s'ya nila kokey? Remember no'ng tinulungan natin s'ya, ang binigay lang nitong rason ay bigla nalang daw s'yang pinagtulungan." Opinion naman ni Iris. Oo natatandaan ko rin ang bagay na 'yon.
"Then isa pa 'yong na hospital s'ya. Sa dami naman natin at bakit si tansan pa ang binugbog nila? Kung ako si kokey ang una kong target ay 'yong pinakamahina sa grupo which is nerdy. Hindi ba tama ako?" Nanlaki ang mata ko ng marinig ang opinion ni Ag. Ngayon ko lang din naisip ang bagay na 'yan!
"Tangena keybold gisingin mo nga muna si Bern!" Napasabunot nalang si Iris sa kanyang ulo. Pati tuloy sila problemado na sa magulong sitwasyon ko ngayon.
"Tulog. Dinaig n'yo pa ang pagiging detective ha." Sagot naman ni K. Kung kailan naman namin kailangan ang Berna na 'yon saka pa tulog.
"May point ang sinabi ni detective doraemon natin. What if, it was all an act? para mapalapit si tanso sa atin?" Nagsisimula na naman ang mga what ifs ni Sj, pero nag ooverthink ako sa mga sinabi nila.
"Tangena sumasakit ulo ko, hindi pa nga ako nakaka-recover sa revelations ni Zia tapos ito naman." Napasapo nalang ako ng noo at marahan na hinilot ang bandang templo.
"Hoy speaking of... tanga...! saan kayo nagpunta ni Ziallyn no'ng nawala kayo ha?!" Bulaslas ni keybold.
"Oo nga, akala nga namin nauna na kayo umalis dahil hindi kayo mahagilap sa mansion ni lolo." Sunod na salita naman ni A. Napangisi naman ako sa mga sinabi nila. Oo, nagtanan kami sa bahay kubo n'ya at do'n nag laplapan na dalawa.
