"A-AH. T-TEKA lang. Papasok talaga tayo dyan." ramdam na ramdam ko ang panginginig ni Sabel dahil sa takot. Maski ako ay napa lunok ng malaki habang naka titig sa malaki pero nakakatakot na bahay—mansyon pala.
Pero seryoso na nga. Ang spanish style na mansyon sa harapan ko ay para bang noong nineteen forgotten pa dahil bakas na bakas ang katandaan nito. At para bang hunted house ang malaking bahay.
"T-teka. Sure ba talaga tayo na safe tayo pag pumasok tayo dyan? Baka 'di na tayo maka labas!" pag hi-histerikal ko. Ayokong mag over think pero pano kung hindi talaga totoo mabait si Demtri?
Pano kung pakitang tao nya lang yun. Tapos malalaman ko nalang na mag papalutang lutang na pala ang bangkay namin sa ilog pasig?
O baka naman nag hahanap sya ng mga birheng i-aalay dahil may bubuhayin silang dyablo?!
O baka naman lider sya ng mafia tapos nag i-rerecuit nya kami na mga prosti?!
O baka naman hindi talaga sya mag pa-pari dahil hindi naman sya mag si-silbi sa simbahan kundi dahil magiging lider pala sya ng kulto?!
"Ysabelle! Naira!"
"Ay demonyo ka!" bigla kong naibulalas dahil sa sobrang pagkagulat. Naramdaman ko naman ang mga mapanuring tingin na dumapo sa'kin.
Halos mahulog na ang mga mata ko sa pagkabigla nang makita ko ang mga muka ng mga kaharap ko. Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala si Demtri ngunit hindi yun ang masaklap! Nasa harapan ko lang naman ang isa sa mga respetadong pari sa bayan namin! Potek!
"A-ahehe. G-good evening p-po." nag kanda utal utal na ako sa pag sasalita dahil sa kaba lalo na dahil ramdam ko parin ang mapanuring tingin na binibigay sa'kin ni father.
"C-come in." binag buksan kami ni Demtri ng pintuan habang ako naman ay di parin na-kakamove on sa katangahan ko. Letche! Mukang na turn off yata sa'kin si crush!
"Beh. Tara na at baka mag summon ka pa ng kung sinong dyablo dyan at baka magulat nalang kami ini-exorcist kana pala ni father." bulong sakin ni Sabel habang humahagikhik. At talagang ipinamuka pa nya sa'kin ang kagagahan ko!
Nang maka pasok kami ay agad akong lumingkis sa braso ni Sabel nang sumalubong samin ang may kadilimang lugar dahil wala man lang ni ilaw na bukas at tanging mga naka sinding kandila lang ang nag sisilbing liwanag. Brown out ba?
"Sorry nasira kasi ang ilaw dito." Mukang naramdaman naman ni Demtri ang uneasiness na nararamdaman namin dahil sa pag papaliwanag nya.
"A-ayos lang." pag a-assure ni Sabel pero alam ko na hindi yun ang atensyon nya dahil kabisado ko na ang bituka ng bruhang ito!
"Hijo. Hindi mo ba muna yayayain ang mga bisita mo na sumalo sa hapag?" napa lingon kami kay father dahil sa sinabi nya. Oo nga pala dahil sa pagiging stalkerist ng kaibigan kong bano kaya pati pinag mulan ng mga ninuno ni Demtri ay nalaman ko. Si father lang naman kasi ang tumayong guardian ni Demtri dahil maaga syang naulila.
"I almost forgot. Girls gusto nyo ba munang kumain bago tayo mag simula?" tanong nya.
"'Wag na—"
"Sure!" kinurot ko sa tagiliran si Sabel dahil sa ka-kapalan ng muka nya.
"Di dapat tinatanggihan ang grasya beh."
"MGA KAIBIGAN mo ba ang mga ito hijo?" tanong ni father at hinagod kami ng tingin. Napa lunok naman ako nang dumapo ang kanyang paningin sa'kin. Huhu mukang mahirap yatang maka move on si father sa pag mu-mura ko kanina.
BINABASA MO ANG
REFLECTION |COMPLETED|✓
FantasyDEVIOUS DOULOGY I "My eyes glimmer as I look into that mysterious mirror. But as soon as I looked at my reflection my eyes widened in shock." Because of a mysterious antic mirror. Rynaira's world suddenly turned upside down when she was suddenly bro...