CHAPTER 4

472 20 0
                                    

"WHERE'S MY pasalubong dad?" At hinaluan ko ito ng pagkatamis tamis na ngiti.

"Papa! Welcome home! I miss you! How about you did you miss your lovely cutie daughter?" At kaninang matamis na ngiti ay dinagdagan ko pa ng puppy eyes.

"Ano ba 'yan! Para naman ako nitong may diperensya hindi lang sa mata kundi pati na rin sa utak!" Inis kong saad. Napa hawak ako sa magkabilang beywang ko. Nangasim ang muka ko nang makita ang repleksyon ko sa salamin. Para naman akong kikay nito dahil sa napaka raming ribbon na nilagay ko sa ulo ko.

"Hayst! Ano ba kasi ang tawag ni Rynaira—teka ako rin naman yun! What I mean as yung Rynaira na nandito." Kung sino man ang maka kita sa'kin ay paniguradong mapag kakamalan akong baliw.

"Ano ba 'yan! From the top nga!" Frustrated na saad ko at muling ngumiti na parang timang.

"Father. How's your trip?" Napa isip naman ako. Mukang ayos na'rin kapag ganito ang sabihin ko sa pag dating ng Duke. Malay ko ba kasi kung baka maski anak nya ay na-iintimidate sa kanya.

"Pero pano naman kapag spoiled pala sya sa duke?" Pag mo-monologue ko. At dahil nalunod na ako sa napakalalim kong pag o-over think kaya napa pitlag ako nang biglang may kumatok sa pintuan.

"Young lady. Naka ayos na po ang mga dekorasyon at mga pagkaing ipinahanda nyo. May gusto pa po ba ka'yong ipadagdag." Rinig kong sabi ni Merilla. Bigla ko tuloy naalala ang mga reaksyon nila nang ipag-utos ko kahapon na dekorasyonan ang buong bahay at lutuin ang mga paboritong pagkain ng Duke. Kung may cellphone lang sa lugar na 'to ay kinuhanan ko na sila ng litrato at ginawang memes ang mga muka nila. At paniguradong dadami ang mga reactors ko.

"'Young lady?" Naputol ang pag iimagine ko na may hawak hawak akong cellphone at nag ti-tiktok dahil sa pag tawag sa'kin ni Merilla. Ang pangit talaga palagi ng timing ni Merilla.

"Just inform me if the duke arrive." Sagot ko.

"As you wish young lady." At narinig ko ang kanyang mga yabag paalis. Napa buntong hininga naman ako habang inaalis ang mga makukulay na ribbon sa ulo ko. Mas mabuti sigurong hindi ako mag suot ng maraming mga anik anik sa katawang lalo na sa ulo ko dahil habang pinag mamasdan ko ang muka ko sa salamin ay hindi ko mapigilang hindi mapa ngiwi. Kulay green ang suot kong gown at  kulang nalang ay mag lagay ako ng makinang sa star sa tuktok ng ulo ko at voila! Naimbento na sa lugar na 'to ang Christmas tree!

Hindi ko naman kasi maintindihan kung bakit lahat ng babae dito ay hanggang talampakan ang suot. Nami-miss ko na tuloy mag short. Ano kaya ang magiging reaksyon nila kapag nakakita sila ng babaeng nag su-suot ng short-shorts at naka crop top? Ipauso ko kaya ang bikini?

Nag simula na akong mag suklay matapos kong tanggalin ang mga ribbon sa ulo ko. Napagpasyahan ko na i-pony tail nalang ang buhok ko. Nanibago tuloy ang ulo ko dahil ngayon nalang ata guminhawa ang buhay ko dahil wala akong suot suot na mga mabibigat at mamahaling bato sa ulo ko. Hindi ko rin akalain na kailangan ko lang supladahan si Merilla para mabigyan nya ko ng privacy—

Napa pitlag ako dahil sa gulat nang maka rinig ako ng sunod sunod na katok. At agad na nanlamig ang kamay ko sa kaba nang marinig ko ang sinabi ni Merilla.

"Young lady. Duke Dalore is already entering to the grand gate."


NANGINGINIG ANG katawan ko at maya't maya akong napapapiga sa suot ko upang mapunansan ang pawis sa palad ko.

Hindi pa man ako tuluyang nakakababa sa engrandeng hagdanan ay sumalubong na sa'kin ang mga naka hilerang mga katulong at nang makita nila ako ay sabay sabay silang yumuko. Kung hindi lang ako kinakabahan ay baka kanina ko pa sila pinalakpakan dahil kahit hindi ako gumamit ng protractor ay alam kong nakayuko sila ng 90°.

REFLECTION |COMPLETED|✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon