CHAPTER 18

369 24 0
                                    

    "WOAH!" MANGHANG saad ko habang naka dungaw sa bintana ng carriage.

"Ang ganda!" Napa palakpak ako habang naka tingin sa mga malalaking puno na parang cherry bloosoms.

Hindi ko akalain na legit ang sinabi ni kuyang brown-eyes—Tyndareus. Kaya abot langit ang tuwa ko nang pasamahin nya ko.

Muli kong tinignan ang mga punong mala cherry blossoms. Ngayon ko lang napagtanto na nasa gubat ang lokasyon ng mansyon ng Grand Duke. Kaya mas pinag iigihan ko pa ang pag sasaulo sa direksyon na tinatahak namin dahil baka dumating ang araw na magkaroon ako ng pagkakataon na maka takas.

"Huh?" Agad akong naka ramdam ng pagka dismaya nang biglang mawala ang mga magagandang punong dinadaanan ng carriage at napalitan ng mga punong walang buhay at wala ni-dahon. Napa lunok ako nang maka ramdam ako ng kakaibang kaba at biglang lumamig ang hangin.

"K-kuyang brown—este Tyndareus, wala naman sigurong mumu rito no?" Kinakabahang tanong ko. Nilingon ko naman sya at agad akong nagulat dahil agad kong nakasalubong ang kanyang mga mata na mariin na naka titig sa 'kin.

Napa tikhim ako dahil naka ramdam ako ng pagkailang dahil hindi nya pa rin tinatanggal ang kanyang pag titig sa 'kin na para bang hinahalukay ang kaluluwa ko.

"A-ah. K-kuya—"

"Close the curtains. It's getting cold." Agad akong tumalima sa utos nya at sinara ang kurtina ng carriage. Nagsitaasan pa ang mga balahibo ko dahil sa kilabot dahil sa nakakatakot na na itsura ng mga puno sa labas.

"K-kuya—"

"Tyndareus." Pag tatama nya. Choosy nito, pasalamat nga sya ginagalang ko pa sya!

"Tyndareus, hindi ba magagalit ang amo mo—natin kapag nalaman nya 'to?" Paninigurado ko. Baka naman kasi kapag bumalik kami mamaya sa mansyon ay tuluyan na 'kong ibalibag ng amo nya palabas ng mansyon.

"I don't know." Halos mahulog na ang panga ko sa sinabi nya.

"A-ano?! Boset! Kuyang driver! Stop the car—este carriage!" Natatarantang sigaw ko. Bigla namang huminto ang carriage kaya halos masubsob na ko. Sino bang tangang nag imbento ng carriage at hindi man lang sinamahan ng seat belt itong sasakyan?!

Nang mahimasmasan na ko ay agad kong binuksan ang pinto, pero halos mapa talon na ko pabalik dahil sa sumalubong sa 'kin.

"You want to go outside?" Mabilis akong umiling at agad na sinarahan ang pinto. Ramdam na ramdam ko pa rin ang panlalamig ng mga kamay ko dahil sa takot.

"H-hehe. N-no. Of course not. K-kuyang driver andar na po." Hinampas ko pa ang carriage na para bang jeep lang.

"Good. I thought you want to be with those skeletons." Napa lunok ako at biglang naalala ang nakita ko kanina. Napaka raming buto—hindi ko alam pero batay sa laki ng mga 'yon ay may posibilidad na buto 'yon ng tao. Iyon ba ang dahilan kung bakit walang nagagawing mga tao sa mansyon ng Grand Duke, at halos wala ni isang kasambahay sa Devious Duchy?

    HALOS MAG NINGNING na ang mga mata ko dahil sa tuwa habang naka tingin sa napakaraming tao.

"Woah! Eto na ba ang bato?!" Napa bungisngis ako sa sinabi ko. Ganito ba talaga ako katagal hindi naka labas at maging ang bato ay sobrang na-appriciate ko?

"Stop embarrassing your self." Napa nguso ako dahil sa sinabi ni Tyndareus. Hindi ko nalang pinatulan ang lalaking 'to dahil baka kapag maging mabait ako sa kanya ay mag face reveal na 'to.

"Wear this." Utos nya at inabot sa 'kin ang isang cloak. May plano ata 'tong isali ako sa kulto nya. Gusto ko sanang mag protesta pero agad na nyang isinuot sa 'kin ang cloak na kulay itim.

REFLECTION |COMPLETED|✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon