CHAPTER 29

329 15 0
                                    

"MOVE AND YOU'RE dead."

Mistulang nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang pamilyar na boses. Nararamdaman ko naman ang pag higpit ng pagkakahawak ni Delfin sa braso ko kaya bahagya akong napa ngiwi.

"Who the hell are you?" Ramdam na ramdam ko ang galit sa boses ni Delfin. "Don't you know who I am?" Dagdag pa nya.

"She won't come with you." Matigas na saad ng lalaki. At kahit na hindi ko sya lingunin ay alam ko na sya 'yon. Si Demtri.

"D-Delfin." Pag aawat ko sa kanya nang akma nyang susugurin si Demtri. Shit! Mukang nakakalimutan ata nya na may espada sa leeg nya! At isang maling galaw nya lang ay mapupugutan sya ng ulo!

Agad kong nilingon si Demtri at agad na sumalubong sa 'kin ang kanyang matalim na tingin. Pero nang tuluyan nyang mapansin na naka tingin ako sa kanya ay biglang kumalma ang kanyang ekspresyon.

"Little mouse." Mahinang saad nya.

"D-Demtri. Huwag, 'wag mo syang sasaktan." Pakiusap ko. Pero imbis na pakinggan nya 'ko ay biglang dumilim ang kanyang ekspresyon at napa sigaw nalang ako nang bigla nyang nahiwa ang leeg ni Delfin at sinipa nya ang tiyan nito.

"Delfin!" Agad akong bumaba sa carriage para tulungan sya. Naka salampak sya ngayon sa lupa at halos manglambot na nag mga tuhod ko nang makita ko ang dugong lumalabas mula sa leeg nya. Pero bago pa man ako tuluyang maka lapit sa kanya ay may biglang humawak at pumigil sa 'kin.

"Bitawan mo ko! Delfin! Delfin!" Nag pupumiglas ako habang naka tingin sa duguang katawan ni Delfin. At bahagyang napa hinga ako ng maluwag nang makita kong hindi pa sya nawawalan ng malay. Pero sapo-sapo nya ang sugatang leeg nya habang matalim na naka tingin sa likuran ko.

"B-Bastard! Let her go!" Galit na saad nya.

"D-Delfin-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang may biglang nag takip ng mga mata ko.

"Your eyes are too sacred to witness this scene." Rinig kong bulong nya da tenga ko. And it felt like a deja vu.

"Let my sister go! You scumbag!" At kahit hindi ko nakikita ay ramdam na ramdam ko ang galit ni Delfin. Sa ngayon ay gustong gusto ko syang pigilan. Dahil alam ko at kilalang kilala ko si Demtri. At alam ko na hindi nya sasantuhin si Delfin.

"Demtri. P-pakiusap, huwag mo syang sasaktan." I begged. Napa lunok naman ako nang maramdaman ko ang kanyang hininga sa batok ko.

"As you wish." Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang maka hinga ng maluwag.

"But you can't fool me. I'm not an idiot. I know that you're willing to come with him and you won't think twice of leaving me." Mariin na saad nya. Para bang galit na galit sya sa kaisipang iiwan ko sya na mas lalong nagpa ramdam ng kaba sa 'kin.

"Now, let's go home. I know you're tired." Para akong babasaging manika habang inaalalayan nya akong mag lakad. At dahil hindi pa rin nya tuluyang tinatanggal ang palad nya sa mga mata ko kaya wala akong magawa kundi ang mag patinod nalang sa kanya.

Naramdaman ko na pumasok kami sa isang carriage at nang maramdaman kong umandar ang carriage at doon nya lamang tinanggal ang pag kakapiring nya sa 'kin.

"You're not allowed to leave me. You will spend your lifetime and your next lives with me, little mouse."

"LADY RYNAIRA. Please, eat this. You haven't eaten since yesterday." Tamad kong binalingan ng tingin si Butler Furge. Kanina pa ko naririndi sa pangungulit nya.

"Leave me alone." Matigas kong saad at iniwas ang tingin sa dala nyang pagkain.

"But-"

"Leave!" Napa taas ang boses ko dahil sa pagkairita. Pero agad din akong napa hawak sa leeg ko nang kumirot ang lalamunan ko. Napa tikhim ako pero hindi parin bumalik sa normal ang boses ko. Magmula rin kahapon ay nanakit na ang lalamunan ko at mukang sisipunin pa ko.

REFLECTION |COMPLETED|✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon