CHAPTER 10

374 20 0
                                    

HALOS MAHULOG NA ANG panga ko sa sobrang gulat. Halos malula pa ako sa mga higanteng book shelf at sa napaka raming libro. Pero ang mas nakakalula pa ay ang mga alikabok na kinakailangan kong linisin.

"Clean this whole library." Maluha luha kong tinignan si Butler Furge.

"B-Butler F-Furge. L-lahat?" Pag titiyak ko. Tinaasan naman nya ako ng kilay.

"S-sabi ko nga po lahat. Pero pwede bang call a frien—"

"Stop spouting nonsense and clean this library. Don't you dare to broke something or worst steal something. Or else you're doomed." Babala nya bago ako tinalikuran.

"And don't you dare to escape. Or else, your head will automatically roll on this dusty floor." Napa lunok ako dahil mukang hindi sya nag bibiro at talagang mapuputulan ako ng ulo sa maling galaw lang.

Parang kailan lang noong laking pasasalamat ko nang mag agaw buhay ako pero bakit nag kakaroon parin ako ng takot sa kamatayan?

"Is that clear?"

"Y-yes, butler Furge." Sagot ko at nang maka labas sya ay muli kong nilibot ang paningin ko at halos magsipatakan na ang mga luha ko habang iniisip kung kailan kaya ako matatapos sa pag lilinis ng library at kung ilang carbs ko ba ang masusunog at kung ilang balde ng pawis ang aanihin ko. Bwisit ipapaligo ko talaga sa Letcheng Granduke na yun ang pawis ko.

Nanginginig ang mga tuhod ko nang tuluyan na akong maka akyat sa tuktok ng isang malaking book shelf. Dahil sa sobrang nakakalula ang taas ng hagdan ay hindi ko akalain na kinaya kong maka akyat dito. Hindi ko tuloy ma-imagine kung ilang buto ang mababali sa 'kin sa oras na mahulog ako rito.

"Boset! Ano ba yan!" Nag kanda ubo ubo na ako dahil sa makakapal na alikabok sa unang pagpag ko palang ng feather dust. Shuta! Eh no'ng nineteen forgotten pa ata 'to huling nilinisan eh!

"Grabe mata-touch na ba ko sa Grand Duke at talagang ni-reserve pa talaga nya sa 'kin ang library na 'to?" Sarcastic na saad ko habang naka simangot na nililinisan ang book shelf.

Dahil nga raw "utang na loob ko sa kanyang ang buhay ko" (letche sya kung maka pag salita ng ganon eh parang sya ang nag luwal sa 'kin) kaya bilang "kabayaran daw" ay mag ta-trabaho ako sa mansion nya ng libre hanggang sa hindi nya sinasabi sa 'kin kung sino ang boss ko at kung paano ko raw nalaman ang pangalan nya.

"Putragis! Anong akala nya sa pangalan nya Gold? Kulamin ko sya." Pag lalabas ko ng sama ng loob. Sana nga lang ag maimbento na ang internet at cellphone rito dahil bukod sa miss na miss ko na ang social media ay gusto ko ring maka video call nung Demtri the devil si Demtri the angel para kahit sana papano ay mahawa hawaan ng mga zero point zero zero zero zero one percent ng kabutihan itong bwisit na Grand Duke.

LUPAY LUPAY akong napa upo sa sahig habang hindi alam kung anong libro ang una kong pupulutin. Nasa sahig lang naman kasi ang napaka raming libro dahil inuna kong linisan ang LAHAT ng book shelf dito. May nararamdaman din akong kakaiba sa katawan ko at parang doble doble ang pang hihina ko dahil sa mga alikabok na nalanghap ko. Muntik ko nang makalimutan na nag kasakit pala ako dahil sa alikabok nong matapos akong mag attend ng tea party ni Kelly.

"Ano naman kaya ang uunahin kong ilagay? Lagot! Hindi ko nga pala natandaan kung saan naka lagay ang bawat libro!" Napa tampal ako sa noo nang marealize ko ang katangahan ko. Pero hindi naman siguro tanda ni Bulter Furge kung saan ang eksaktong lugar ng mga librong 'to tyaka mukang matanda na naman sya diba? Kaya baka ulyanin na sya—

"What in the world did you do?!"

"Ay matandang ulyanin!" Wala sa sariling naibulalas ko dahil sa gulat.

REFLECTION |COMPLETED|✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon