CHAPTER 11

361 20 0
                                    

"WHAT THE FUCK are you doing?!"

Napa pitlag ako sa gulat nang marinig ko ang galit nyang boses. Nanginginig ko syang nilingon at halos mapa iyak na ako sa kaba nang makita ang kanyang nag aalab na asul na mata na mariin na naka tingin sa 'kin.

"D-Demtri.." kinakabahang saad ko. Napa lunok ako nang maramdaman ko ang kanyang galit at napa ngiwi pa 'ko sa sakit dahil sa mahigpit nyang pag hawak sa palapulsuhan ko. Hindi ko tuloy alam kung saan ba ako iiyak. Kung sa masakit nyang hawak o sa nakakatakot nyang nga mata.

"Don't you know that the last person who tried to open this fucking curtain was beheaded?" Malamig na anya. Mas lalong dumaundong ang kaba sa dibdib ko dahil sa sinabi nya.

"Do want that too? Little mouse?" Parang robot ang ulo ko na dahan dahang umiling. Hindi ako maka galaw ng maayos dahil sa sobrang panginginig dala ng takot at gulat.

"Answer me." Mariin na saad nya na para bang sa isang hila ay mapuputol nya ang kanyang natitirang pasensya.

"N-No." Mahinang bulong ko. Nag sitaasan naman ang mga balahibo ko nang bigla syang ngumisi.

"Then why did you open this damn curtain, little mouse?" Napa kagat labi ako nang mas higpitan pa nya ang pagkakahawak sa palapulsuhan ko na para bang anumang oras ay madudurog ang buto ko ro'n.

"I-I..." Dahil sa kaba ay hindi ko na magawang makapag salita. Napa pikit ako nang mariin upang maiwasan ang kanyang nag aalab na tingin.

"Why?" Mas diniinan ko pa ang pagkaka-kagat ng labi ko dahil sa tensyon.

"I-I—I just wanted to see the—i-it's been a while since I saw the—"

"Liar! I know how badly you wanted to escape!" Umalingawngaw ang galit nyang boses. Napa lunok uli ako bago dumilat at muli ko na namang nakasalubong ang kanyang bughaw na mgs mata.

"H-hindi—"

"Just admit it!" Pag pupumilit nya. Kahit na takot ako sa kanya ay hindi ko parin maiwasang hindi mapigilan ang kagustuhan kong barahin sya.

"Sinabi na ngang hindi! Bakit mo ba kasi pinag pupumilit! Hindi nga diba?! Disisyon ka!" Gigil na saad ko sa isipan—potek! Bakit di ko na-kontrol ang bunganga ko?!

"I knew it. You're probably tired of acting like an innocent one. Am right? Little spy." At diniinan nya ang pagmakasabi ng salitang spy. Nag salubong naman ang kilay ko sa sinabi nya. Spy?

"W-what—"

"Who's your boss?" Mariin na tanong nya. Mas lumakas tuloy ang kabog ng dibdib ko dahil sa bintang nya. Sya ang tipo ng tao na sarado ang isip.at tanging ang ideya nya lang ang kanyang pinaniniwalaan at pinapanigan kaya talagang mahirap syang makumbinsi na hindi ako isang spy!

"D-Demtri—"

"And you didn't answer me yet. How did you know my name?" Tanong nya sa nakakatakot na boses. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na nakapunta lang naman ako sa lugar ng repleksyon ko. Pero alam ko rin na hindi nya ako paniniwalaan.

"Nevermind. I know that you won't give me the truth. Are you ready for your punishment?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.

"P-punishment?" Nauutal na saad ko. He devilishly smirked at me. But before I could even protest he suddenly dragged me.

"G-Grand Duke. Where are you going? And why are you dragging the young lady?" Halos mag diwang na ang kaloob looban ko nang makita ako ni Butler Furge na kinakaladkad ng amo nya.

"Bulter Furge!" Pag hingi ko ng saklolo. Pero bago pa man maka lapit ang matanda ay nahatak na uli ako ni Demtri na ngayon ay may napaka dilim nang aura.

REFLECTION |COMPLETED|✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon