"I-IKAW."
HINDI maka paniwalang saad ko habang naka tingin sa babaeng naka ngisi. Mas lumawak naman ang kanyang ngisi na mas lalong nagpadagdag ng galit sa 'kin.
"What do betrayal taste like?" Napa yukom ang kamao ko dahil sa galit. P-pano. P-pano nya nagawa 'to?!
"An innocent lady like you doesn't fit in this dangerous world." Naka ngising saad nya habang pinag lalaruan ang punyal sa mga kamay nya.
"That's why, you need to DIE!" Mistulang napako ako sa kinatatayuan ko dahil sa gulat. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ako maka galaw at nanginginig lamang ang katawan ko. Gusto kong tumakbo upang makaiwas sa punyal na papalapit sa direksyon ko pero bakit hindi ako maka galaw sa takot?!
Napa pikit ako at hinintay na tuluyang tumama at bumaon sa katawan ko ang punyal. Pero ilang sandali pa ay wala parin akong naramdamang sakit. Bigla akong nakarinig ang tunog na parang may nabasag dahilan para mapa dilat ako. Nang mahanap ko ang pinang-galingan ng ingay ay sumalubong sa 'kin ang mga bubog ng basag na vase at kasama nito ang isang punyal sa lapag.
Napa hinga ako ng maluwag dahil akala ko talaga ay katapusan ko na.
"Get back to your senses!" Bulyaw sa 'kin ni Demtri. Napa kurap ako ng ilang sandali bago tuluyang nakapag salita.
"S-sorry—"
"It's very surprising for the infamous young Grand Duke who's been in titled as the most ruthless and dangerous man in the kingdom of Adamantine, to be protective and concern to this mere lady.''
Napa higpit ang pagkakakapit ko sa braso ni Demtri dahil sa takot nang muli syang mag labas ng punyal at itinutok sa direksyon namin.
"Close your eyes." Napa angat ako ng tingin sa kanya dahil sa narinig.
"H-ha—"
"Just do it!" Sigaw nya. Ramdam ko na unti-unti na syang nauubusan ng pasensya. Kaya kahit nag aalangan ay napa pikit nalang ako. Naramdaman ko naman ang kanyang kamay sa mga mata ko at siniguradong matatakpan nya ang paningin ko. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Para bang sinasabi ng instinct ko na may masamang mang yayari at may masasaksihan akong nakakatakot kapag nag pumilit akong dumilat.
Sinubukan kong pakiramdam ang palingid. Napa lunok ako ng maka rinig ako ng singhap. Mas lalo pang dumaongdong ang kaba sa dibdib ko nang maka rinig ako ng impit na daing.
"D-Demtri..." Kinakabahang usal ko. Hindi ko mapigilan hindi maka ramdam ng pag aalala. P-pano kung nasaktan sya?
Sinubukan kong hawakan ang kanyang kamay na naka takip sa mga mata ko. Pero hindi nagpatinag ang kamay nya.
"Don't you dare you open your eyes." Pag babanta nya. Nanginginig na napa bitaw ako sa kamay nya. Gustuhin ko mang mag protesta pero mukang hindi makakabuti sa sitwasyon 'yon.
Ilang sandali pa ang lumipas at biglang nanlamig ang mga palad ko nang bigla akong maka rinig ng pagbagsak ng isang bagay.
"D-Demtri?"
Unti unting kong naramdaman ang pag kalas ng kamay nyang naka takip sa mga mata ko. Napa kurap ako ng ilang beses upang sanayin ang pangingin ko sa liwanag. At nang tuluyan nang luminaw ang paningin ko ay agad na sumalubong sa paningin ko ang mukha ni Demtri.
"A-anong nangyari?" Kinakabahang tanong ko. Tinignan nya lang ako ng mariin. Napa iwas akong ng tingin sa kanya dahil hindi ko kayang tagalan ang tinging pinupungkol nya. Ngunit bigla akong napa singhap nang mapa tingin ako sa likuran nya. Napaka raming dugo na nag kalat sa sahig!
"Wh-what—"
"Just look at me." Bigla nyang hinawakan ang panga ko at pinilit na pinatingin sa kanya. Pero dahil sa kagustuhan kong mausisa ang nangyari sa likuran nya ay lumikot ang paningin ko.
BINABASA MO ANG
REFLECTION |COMPLETED|✓
FantasyDEVIOUS DOULOGY I "My eyes glimmer as I look into that mysterious mirror. But as soon as I looked at my reflection my eyes widened in shock." Because of a mysterious antic mirror. Rynaira's world suddenly turned upside down when she was suddenly bro...