"S-SEÑOR. THE GRAND DUKE is here." Pag iimporma sa kanya ng isa sa kanyang mga tauhan. Napa angat naman ang labi nya dahil sa narinig.
"Ang aking hermano? At ano naman ang kanyang sady—?"
"Devoir! Where the fuck is she?!" Umalingawngaw sa dinning hall ang malakas na sigaw ni Demtri. Napa tayo naman si Devoir nang makita ang kanyang hermano. Ngumisi sya at dumipa na para bang nag hahanap sya ng yakap mula rito.
"Hermano. Sa wakas ay binisita mo rin ako. Ilang taon na rin magmula no'ng huli kitang masilayan—"
"Stop messing around! Where's my wife?" Galit na tanong ni Demtri. Kanina pa sya nag pipigil sa sarili nyang sugurin ang magaling nyang kapatid na walang ibang ginawa kundi ang guluhin ang buhay nya. At hindi nya pa rin makalimutan ang ginawa nito kay Rynaira.
Pasalamat pa nga ito at hindi sya naka tawid papunta sa teritoryo nito nang malaman nyang ito ang nagpadala ng assasin para saktan ang kanyang asawa. Hindi talaga nya alam kung ano nga ba ang tumatakbo sa isipan nito.
Bigla namang nawala ang ngisi ni Devoir at sumeryoso ang mukha nito.
"Hermano. Hindi ko alam kung ano ang iyong ibini-bintang." Pag mamaang-maangan nito.
"Ngunit nahihinuha kong mukang hapo ka sa 'yong pag lalakbay kung kaya't bilang isang butihing kapatid ay inaanyayahan kita upang maupo't saluhan ako." Muling bumalik ang ngisi nya at iminuestra ang kanyang kamay sa isang upuan na nasa kabilang kabisera bago sya naupo sa kanyang upuan at muling kinuha ang kopita.
Mas lalo namang nag salubong ang kilay ni Demtri. At nang maputol ang natitirang pasensya nya ay dahil sa inis ay mabilis nyang dinampot ang isang knife bread na nasa mesa at agad na binato sa direksyon ng naka-babatang kapatid.
Agad namang nabigla si Devoir pero dahil sa bilis ng reflex nito ay nagawa nitong ilagan ang kutsilyong dapat sana ay tatama sa kanyang mukha sa pamamagitan ng pag lihis ng kanyang ulo.
Mas lalong lumawak ang kanyang ngisi na para bang inaaasar ang kanyang kapatid. Mas lalo namang nadagdagan ang inis ni Demtri nang makita ang naka baon na kutsilyo sa sandalan ng upuan ng kapatid nya. Pero ang kanyang pang hihinayang ay napalitan ng pag ngisi nang makita nyang natamaan ang tali ng eye patch ni Devoir. At nang mapansin ng kanyang kapatid ang pag ngisi nito ay agad nyang pinakiramdaman ang kanyang sarili. At napa mura sya sa kaloob-looban nang maramdaman ang pagkaputol ng tali ng kanyang eye patch.
"Now. Where is she?" Mariin na tanong ni Demtri. Hindi naman nagawang masagot ni Devoir ang tanong ng kanyang naka tatandang kapatid dahil abala sya sa pag hawak sa kanyang eye patch na ngayon ay malapit nang mahulog.
Inip naman syang tinignan ni Demtri. At nang maramdaman nyang wala itong balak sabihin kung saan ang kinaroroonan ng hinahanap ay muli nyang dinampot ang isang maliit na kutsilyo. At akmang ibabato ito sa kapatid nang bigla syang matigilan nang maka rinig sila nang malakas na tunog na para bang may nabasag.
HER POV
"THEN YOU MUST DESTROY THAT mirror. You must destroy your reflection." Matapos kong marinig ang mga katagang iyon ay biglang nanlabo ang paningin ko at ang lahat ng nasa paligid ay hindi ko maaninag.
Napa kurap ako nang unti unting naging malinaw ang paningin ko. Ngunit wala na ako sa lugar kung nasa'n ako kanina.
Nilibot ko ang paningin ko at nakuha ng atensyon ko ang isang pamilyar na bagay. Ang salamin—ang salamin na nag balik sa 'kin sa tunay kong tahanan.
Muling napako ang atensyon ko sa repleksyon ko. Napa lunok ako bago unti unting napa hakbang papalapit sa malaking salamin. At habang papalapit ako ay napa hawak ako sa mukha ko.
BINABASA MO ANG
REFLECTION |COMPLETED|✓
FantasyDEVIOUS DOULOGY I "My eyes glimmer as I look into that mysterious mirror. But as soon as I looked at my reflection my eyes widened in shock." Because of a mysterious antic mirror. Rynaira's world suddenly turned upside down when she was suddenly bro...