"Aba! Napaka ganda talaga ng anak mo." Komento ng isang ginang. Hindi ko alam kung ano ang kanyang pangalan pero madalas ko syang makita na kasa-kasama si mama.
"Foreigner ba ang tatay nito? Ang ganda-ganda ng mga mata! Halatang may lahi." Dagdag pa ng isang babae.
Halos ganyan na ang mga kometong nakukuha ko sa t'wing pupuntahan ko si mama sa trabaho nya. Hindi ko alam kung ano ang trabaho nya pero palagi ko syang nakikita at nadadatnan sa kapitbahay namin na umiinom at palaging may hawak ni baraha. Sinasabi nila na sugal daw 'yon pero ayon sa mama ko ay iyon daw ang binubuhay nya sa 'kin sa t'wing sinasabi ko sa kanya na masama ang mag sugal kaya mula noon ay hindi ko na sya pinagsabihan pa lalo na dahil ayaw kong mapalo uli.
"Aanhin naman nyan ang ganda nya. Hindi naman sya bubuhayin nyan." Napa yuko ako dahil sa sinabi ni mama. Kahit na hindi na bago sa 'kin ang palagi nyang sinasabi.
"Ano ka ba naman Naida. Hindi mo ba alam na pwedeng pwede ko 'tong ireto sa mga mayayamang foreigners."
"Tapos anong kahihinatnan nito? Aanakan tapos biglang iiwan sa ere?"
"'Wag mo namang itulad sa 'yo ang bata."
Napa yuko ako dahil hindi ko rin naman maintindihan ang usapan nila. Pero bigla silang nagsitayuan nang may pumasok na isang matandang lalaki at may kasama syang babaeng matanda rin at napaka rami nya pang mga suot na alahas at napaka ganda rin ng damit nya.
Natuwa naman sina mama at may pinag usapan sila at sumali sa pag lalaro ang dalawa. Pero napa kapit ako sa laylayan ng damit ni mama dahil kanina pa ko tinitignan ng matandang lalaki.
"Mukang nauubusan ka na ata ng suwerte Naida." Mukang nag aasar ang isang ale habang binibilang ang kinuha nyang pera na kanina lang ay hawak ni mama. Hindi ko rin alam kung bakit hindi sya pinigilan ni mama. Bakit ganito ang trabaho nya?
"Uutang nalang muna ako. Papautangin nyo naman siguro ako 'no?"
"Aba? Utang na naman? Hindi ka pa bayad sa utang mo kahapon ah!"
"Kung wala ka naman ding pera. 'Wag ka nang sumali. Baka mag hatid ka pa ng malas."
Nagpalipat lipat ako ng tingin sa kanila. Hindi ko masyadong maintindihan ang pinag uusapan nila pero mukang inaaway na nila ang mama ko!
"Sus, parang konting halaga lang. Napaka kuripot talaga ng isang 'to." Rinig kong bulong ni mama.
"M-ma. Uwi nalang kaya tayo—"
"Tumigil ka nga! Ikaw—bakit ka ba kasi bumubuntot buntot sa 'kin? Kaya ko minamalas eh!" Napa pikit ako dahil sa pag bulyaw nya. B-bad girl na ba ko?
"Ano na Naida? Sasali ka pa ba? Mukang wala ka nang pang pusta." Sabi ng babaeng maraming suot na alahas na kumikinang. Bigla naman nya kong tinignan.
"Ke gandang bata naman nito. Anak mo?" Parang kumislap ang mga mata nya nang tignan nya ko.
"Na wala namang silbi." Napa yuko ako dahil sa sinabi nya.
"Gusto mo bang maka sali at maka pusta ng malaki?"
"T-Tama na po. Masakit na." Pag mamakaawa ko kay madam Adi. Kanina pa nya ko pinapalo at pinapatigil sa pag iyak pero hindi ko magawa dahil masakit ang pag palo nya.
"Sinabi ko nang tumahimik ka! Bakit mo ko pinahiya kanina? Alam mo ba na napaka laking kostumer ng matandang 'yon?" Napa iyak ako ng malakas nang lakasan nya ang pag palo sa 'kin.
"Tumigil ka sabi." Napa hiyaw ako nang itulak nya ko. Hindi ko na mapunasan ang luha ko dahil natatakot akong ilagay sa mukha ko ang kamay kong may galos at may dugo.
BINABASA MO ANG
REFLECTION |COMPLETED|✓
FantasyDEVIOUS DOULOGY I "My eyes glimmer as I look into that mysterious mirror. But as soon as I looked at my reflection my eyes widened in shock." Because of a mysterious antic mirror. Rynaira's world suddenly turned upside down when she was suddenly bro...