"M-ma—mama."
Nanlaki ang mga mata ko nang sumalubong sa 'kin ang kulay berdeng mga mata.
"Y-you're awake—"
"M-mama."
Hindi ko alam kung ano ang una kong gagawin, kung ano ang hahawakan ko at kung ano ang sasabihin ko—Naira! Focus!
"T-Teka lang, B-Butler Furge! Butler Furge!" Natataranta kong sigaw. Lintik! Bakut ba kasi ngayon talaga ko na-mental block!
"Letch—este butler Furge!" Letche! Muntikan na tuloy akong mapa mura rito eh may bata!
"Butler Furg—" Agad na naputol ang pag sigaw ko nang biglang bumukas ang pintuan at sumalubong sa 'kin ang hinihingal na si Butler Furge na mukhang tinakbo pa ata ang sampung palapag maka rating lang dito dahil sa pag hingal nya at sa kanyang pawis.
"L-Lady Rynaira. W-what happened?" Hinihingal na tanong nya habang sapo sapo ang kanyang dibdib. Agad nan akong kinakin ng konsensya dahil mukang ako ata ang may kasalanan—pero hindi 'yon ang concern ko ngayon!
"B-Bulter Furge, he's already awake." Agad namang nanlaki ang mga mata nya at binalingan ang batang nasa kama.
"I'll call the doctor—"
"N-No! Don't come near me!" Napa singhap ako dahil sa naging reaksyon ng batang lalaki nang akma syang lalapitan ni Butler Furge.
"Relax baby, he won't hurt you." Pag papakalma ko at hinimas ang kanyang likuran. Bigla naman syang kumapit sa 'kin na para koala at takot na binalingan ang matanda.
"N-No. M-mama. He's gonna hit me again." Agad akong nataranta nang bigla syang umiyak. Shuta! Anong gagawin ko?!
"B-baby, shh." Pinag patuloy ko nalang ang pag himas sa kanyang likuran pero hindi parin sya tumigil sa kakaiyak habang naka tingin kay butler Furge.
Binalingan ko naman si Butler Furge at sinenyasan sya na umalis muna. Wala naman nagawa ang matanda kundi ang sundin ang sinabi ko. Napa buntong hininga nalang ako habang naka tingin sa bata. Bakit kaya gano'n nalang ang reaksyon nya? Gano'n ba talaga ka-lupit ang naranasan nya? Pero bakit tinawag nya kong mama?
"H-HI. M-MAY NAAALALA KA BA?" Tanong ko at hinimas ang kanyang buhok. Bigla naman syang nag angat ng tingin at tinuro ako.
"Mama." Usal nya. Napa buntong hininga naman ako dahil palagi nya kong tinatawag na mama.
"I mean—"
"Clydel." Usal nya uli at tinuro naman ang kanyang sarili. Clydel?
"Iyon ba ang pangalan mo?" Masuyo kong tanong at inayos ang kanyang pag kakakandong sa hita ko.
"Clydel. Mama." Ulit nya at tinuro naman ako.
"P-pero hindi ako—"
"Mama." Pag tawag nya uli ay para namang natunaw ang puso ko nang yakapin nya ko gamit ang kanyang maliit na mga braso.
Napa tingin ako uli sa kanya. Ang bata pa nya at kung sino man ang maka kita sa kanya ay talagang mag tataka kung paano sya naka ligtas sa kamay ni Demtri. Pero sino kaya ang mga magulang nya? At kaano ano kaya nya ang babaeng nag dala sa kanya rito? Hula ko nga ay five years old palang sya. Pero mukang mahihirapan akong mag hanap sa tunay nyang pamilya. Lalo na kung ganito kahigpit ang yakap nya sa 'kin.
"MAMA. WHY DO I need to bear with this things? It's really irritating." Napa kamot ako sa ulo dahil hindi ko rin alam kung ano ang isasagot ko sa bulilit na nasa harapan ko.
"Baby you need that so your wounds will heal quickly." Paliwanag ko. Taena! Napapa-spokening dollars na tuloy ako dahil ang hilig mag english ng isang 'to.
BINABASA MO ANG
REFLECTION |COMPLETED|✓
FantasyDEVIOUS DOULOGY I "My eyes glimmer as I look into that mysterious mirror. But as soon as I looked at my reflection my eyes widened in shock." Because of a mysterious antic mirror. Rynaira's world suddenly turned upside down when she was suddenly bro...