CHAPTER 3

602 28 0
                                    

YSABELLE HONDRADE?!

At nang sa mga sandaling iyon ay doon ko lang napag tagpi-tagpi ang lahat. Kaya pala pamilyar ang salitang Hondrade. Hindi naman kasi nila nababanggit ang pangalan ni Sabel kaya ni minsan ang di sumagi sa isipan ko si Sabel.

Pero kung nandito sya—

**"Baka over na talaga ang prank na 'to at makaka-uwi na'rin ako!" **at sinamahan ko pa ng pag pitik sa ere ang bulalas ko.

**"Tara puntahan na na'tin sya!"** Aligagang saad ko. Sheyt! Sorry nalang kung may totoong Lady Rynaira kung pansamantala ko munang masisira ang kanyang inii-ngatang image pero excited na talaga akong maka uwi!

**"Young lady—"** hindi ko pinansin ang pag sigaw nila sakin dahil si Sabel lang ang laman ng isipan ko ngayon.

Napa tigil ako sandali nang sumalubong sa'kin ang hagdan. Nakalimutan ko bang nasabihin na nag karoon ako ng phobia sa hagdan dahil sa naranasan ko nang makapag splanking dito.

"Shuta! Ba't di pa kasi na imbento ang elevator dito?!" Inis kong saad. Pero dahil wala na akong choice ay napilitan tuloy akong dumaan sa hagdan. Gusto ko pa sanang maupo nalang sa railings at doon nalang mag slide pababa kaso mahal ko pa ang buhay ko kaya saka nalang.

Napa hawak ako sa dibdib ko nang tuluyan na akong maka baba sa hagdan. "Kailangan ko na talagang mag excercise araw araw—" Biglang naputol ang pag lilitanya ko nang halos mahulog na ang eye balls ko dahil sa pagka bigla.

"Greetings to the young lady of Dalore's House." S-si Sabel ba talaga 'to?! 'bat parang ang laki naman ata ng pinag bago nya?! At nanlaki pa ang mga mata ko nang elegante syang yumuko. Hah?! Akala nya ata mauuto nya 'ko sa mga pranks nya! Well hindi na ngayon!

"Gaga ka talaga! Muntikan na 'kong maniwala sa'yo pero advice lang ah! Galingan mo sa susunod yang acting mo!" Hindi na ako nag aksaya pa ng panahon at dali-dali ko syang nilapitan at niyakap ng mahigpit. Yung tipong luluwa talaga ang eye balls at mga organs nya dahil sa higpit dahil sa sobrang pang gigigil ko sa kanya.

"L-lady—" dahil sa sobrang gigil ko ay tinapik ko pa ng malakas ang kanyang likuran. Narinig ko naman ang kanyang pag ubo at hindi rin naka lampas sa'kin ang singhapan ng mga audience sa paligid.

"Wag ako Sabel. Bisto ka na kaya tigilan mo na ang pag a-acting." Naiiling na saad ko nang tuluyan na akong kumalas ng pag kakayakap.

"What are you talking about?" Ang kaninang naka ngiting si Sabel ay bigla na lamang nag bago na para bang may pumihit ng mood nya. Aba! Masyado naman ata nyang kinakarer ang kagagahan nya at talagang hiindi pa sya umamin-amin sa mga kagagahan nya.

"Tsk, tsk, at ano 'tong naririnig ko sa mga hin-hire mong mga cost player? Lady Ysabelle? Aba! Akala ko ba mag ma-madre ka? Akala ko ba talagang patay na patay ka kay Demt—"

"Lady Rynaira. Forgive my rudeness but I don't know what's your spouting about. Don't let me believe that the rumours are really true about your unstable mental health." At sinamahan nya pa 'yun ng nang uuyam na tawa. Muntikan na akong mapa luha at palakpakan sya dahil sa sobrang galing nyang mag english kaso bigla akong napa napa tigil dahil sa sinabi nya.

"H-ha—?"

"Oh how unlady like. So the rumours are really true. Actually I'll be frank. I just came here to witness it with my own eyes. But guess what..." Napa taas ang kilay ko nang hagurin nya 'ko ng tingin mula sa tuktok ng ulo ko hanggang sa kaliit liitang daliri sa paa ko matapos ay mahina uli syang tumawa ng nakakainsulto. Confirm! Hindi sya ang kilala kong Sabel! Dahil ang best friend ko ay hindi magagawang maging ganito ka fluent sa english at mas lalong hindi ito ang sasabihin nya kapag maka-pagsalita ako ng salitang "ha" dahil paniguradong sasagutin nya yun ng "hakdog"

REFLECTION |COMPLETED|✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon