CHAPTER 14

386 19 0
                                    

    "SHE'S STILL NOT AWAKE?" Tanong ng Grand Duke na seryosong naka tingin sa mga papeles at hindi man lang binalingan ng tingin ang ang kadarating lang na si Butler Furge.

Inilapag ng matanda ang tea sa mesa ng Grand Duke bago napa buntong hininga. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nag gigising ang young lady. Mag i-ika apat na araw na mag mula madatnan nila itong namumutla at nanginginig kasama ang personal knight in Duke.

"She's still unconscious, your grace." Magalang na saad ng Butler kahit na sya ay nag tataka kung bakit maraming beses na syang tinanong ng kanyang master tungkol sa sitwasyon ng young lady ng Dalore.

Hindi naman kasi lingid sa kanyang kaalaman ang pasikretong pag bisita nito sa kwarto ng dalaga. Sa totoo lang, noon pa man ay mahirap nang basahin ang isip ng kanyang master pero mukang mas nagiging kumplikado pa ang kanyang mga kilos at pananalita ngayon na kahit na sino ay talagang hindi mahuhulaan kung ano ba ang binabalak ng kanyang master sa nag iisang miss ng Dalore. Imposible naman kasing magkaroon ng interes ang kanyang master sa babaeng iyon.

"Shop more dresses for her. Make sure to choose the best quality and brand." Utos nya. Napa yuko naman ang matanda bago nag salita.

"As you wish, Grand Duke." Magalang na saad ng matanda. Pero bago pa man sya maka labas sa opisina ng kanyang amo ay narinig nya uli ang kanyang pangalan.

"And hire a lots of servants to clean this whole mansion. Make sure to clean every spot of this place. Order them to clean this whole mansion every three days." Dagdag na utos nya.

"Do they need to stay in here?" Tanong ni Butler Furge. Ipinakli ng binata ang dokumentong hawak bago nag salita.

"No. Enemies may find this opportunity to send some spies. And I want them to clean this mansion quickly. I hate people wandering inside my abode." Mababakas ang disgusto sa tono ng pag sasalita ng Grand Duke.

Hindi na nagulat ang matandang butler dahil alam nya at kabisado nya na may ganitong ugali ang Grand Duke. Ayaw nya ng crowded na lugar at mas lalong ayaw nya ng mga taong basta nalang pumapasok sa kanyang tahanan kaya isang beses sa isang linggo lang ito kung mag upa ng mga katulong na mag lilinis ng kanyang malaking mansion. Mahigpit din ito sa mga tao at ang lahat ng mga nagpupunta ni sa bakuran ng Mansion ay agad na pinapatay kahit pa ito ay naliligaw lamang.

"As you command." Tugon ni Butler Furge bago tuluyang lumabas sa opisina ng Grand Duke.

Kahit na gustong gusto nyang kuwestyunin ang mga disisyon ng Grand Duke ay alam nyang wala sya sa posisyon para gawin ang bagay na 'yon. Namulat syang pinag lilingkuran ang pamilyang Valtasian. At ipinangako nyang mag sisilbi sya sa kanila hanggang sa kanyang huling hininga.

"Doctor Wigour, why are you in hurry?" Usisa ng matanda nang biglang maka salubong ang doktor na sumusuri sa kalagayan ni Rynaira.

"Butler Furge. The young miss is finally awake."

HER POV

    "HERE YOUNG LADY. This would make you feel better. I'm sure that you're hungry." Naka ngiting saad sa 'kin ng babae at iniumag sa 'kin ang iaang kutsara na may sabaw at—hindi ako pamilyar sa iba pero mukang soup iyon.

"I-I can manage." Pag tanggi ko. Anong tingin nya sa 'kin? Bata?

Kinuha ko ang dala nyang mangkok at kutsara. Bigla tuloy akong naka ramdam ng gutom, teka ilang araw naman kaya akong tulog?

Gustuhin ko mang mag tanong sa babaeng nasa harapan ko pero minabuti ko munang kumain dahil gutom na gutom na talaga ko. Letche kasing Demtri 'yon at ginutom ako.

"Do feel any pain? Headache and such?" Tanong nya. Nilunok ko naman ng kinakain ko bago sya sinagot.

"My body felt sore." Sagot ko. Masakit ang buong katawan ko nang magising ako. Para ngang binugbog ng ilang tao ang katawan ko. Mukang na sobrahan talaga ang katawan ko sa mga pinag gagawa ko. Hindi naman kasi sanay ang katawan na 'to na mag trabaho at bumuhat ng mga mabibigat na bagay.

REFLECTION |COMPLETED|✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon