"THE GRAND DUKE together with the young master and the lady of Devious Duchy from the Adamantine Kingdom is now entering!"
Nang mabuksan ang engrande at napakalaking pintuan ay sumalubong sa 'kin ang liwanag na nag mumula sa dambuhalang chandelier.
Napa higpit ang pag kakakapit ko sa braso ni Demtri nang marinig ko ang bulong-bulungan at mga tingin na pinupungkol sa amin.
"The Grand Duke of Adamantine kingdom?"
"This is the first time that he attended in this kind banquet."
"He's already married?"
"Is that his son? How come we didn't even knew about that."
"Who's that lady beside him?"
Iyan ang maririnig sa apat na sulok ng napaka engrande at napaka lawak na Banquet hall. Parang gusto ko tuloy balikan si kuyang-kawal at ipabawi ang sinabi nya kanina. Hindi naman kasi ako aware na ako na daw ang lady ng Devious Duchy. Ayan tuloy hindi pa nga ako nakakatatlong hakbang dito na-issue na agad ako.
"D-Demtri baka pwede naman ata tayong umuwi na." Bulong ko sa kanya pero wala akong natanggap na sagot mula sa kanya at sa halip ay hinapit nya lang ang bewang ko at dahil sa lapit namin ay nararamdaman ko tuloy ang kanyang mainit na hininga sa batok ko dahil naka messy bun ang buhok ko. At kanina pa ako nabibigatan sa mga abubot na naka lagay sa buhok ko na hula ko ay mga tunay na ginto at dyamante dahil sa bigat ng mga 'to. Sana nga lang ay hindi uso rito ang mga mag nanakaw dahil baka makalbo ako ng wala sa oras.
Hindi ko rin alam kung nasaang panig na kami ng universe o kung nasa parte pa ba kami ng universe. Halos mahimatay na nga ako nang maka kita ako ng kabayong may pakpak at lumilipad na may hila hilang lumilipad na carriage. At halos mapa tili ako sa takot kanina nang maka kita ako ng mga taong mahahaba at matutulis ang tenga-ewan ko ba kung tao pa sila!
Dagil sa pagiging okopado ng isipan ko ay hindi ko na namalayan na naka rating na pala kami sa isang mesang may tatlong upuan. Napansin ko rin na nasa pinaka sulok kami. At ano pa ba ang aasahan ko sa isang 'to. Ayaw na ayaw nya ng atensyon pero kahit na nasa pinaka madilim at sulok na kami ay ramdam na ramdam ko parin ang mga tingin na pinupungkol ng mga tao sa 'kin.
"I hate the way the stare at you. Should I pluck their eyes?" Napa lunok ako dahil sa bulong nya sa 'kin. Sinamaan ko sya ng tingin at hindi ko alam kung nakikita ba nya kung gaano ka talim ang tingin ko sa kanya. Lalo pa dahil may kadiliman ang kinalalagyan namin at idagdag mo pa ang suot kong kulay pilak na maskara habang sya naman ay naka suot ng pamilyar na kulay gintong maskara na tumatakip sa kalahati ng mukha nya.
"Mama I hate this place. They keep on murmuring and staring at us." Nabaling ang atensyon ko kay Clydel na nasa tabi ko. At kagaya nga ng inaasahan ko ay mag ta-trantums na naman ang batang ito. At ang cute ng suot nyang formal attire at naka maskara pa sya ng kulay ginto at ang kalahati ay silver.
"You should endure this and you should get use to this kind of gatherings from now on, brat." Sermon sa kanya ni Demtri at hindi naman naka ligtas sa pandinig ko ang pag ismid ni Clydel.
Ilang araw na rin silang ganito at unti unti na rin akong nasasanay sa bargulan nila. Nag aalala nga lang ako ng konti kay Clydek dahil aminado naman akong may katulisan ang dila ng batang 'to at idagdag mo pa na napaka iksi lang ng pasensya ni Demtri. Pero nakakatuwa parin silang pag masdan dahil kagaya nga ng mga bulong bulungan dito ay talagang mapag kakamalang silang mag ama.
"Why are we here anyway?" Naka ngusong tanong ni Clydel. Napa baling naman ako sa kanilang dalawa dahil maski ako ay gusto rin iyang itanong kay Demtri.
BINABASA MO ANG
REFLECTION |COMPLETED|✓
FantasyDEVIOUS DOULOGY I "My eyes glimmer as I look into that mysterious mirror. But as soon as I looked at my reflection my eyes widened in shock." Because of a mysterious antic mirror. Rynaira's world suddenly turned upside down when she was suddenly bro...