CHAPTER 39

349 22 1
                                    

    NABULABOG ANG BUONG Dalore Duchy nang mapansin ng lahat na nawawala ang nag iisang young lady ng pamilya.

"We deserve death, your grace!" Sabay sabay na saad ng mga maids at knights na naka talagang mag bantay sa young lady.

Nanginginig ang lahat habang naka tingin sa madilim na mukha ng young master. At halos atakehin naman sa puso ang Duke nang malaman ang masamang balita. Muli na namang nawala ang kanyang pinaka-mamahal na anak.

"I will fucking kill you all if you didn't find her. Get out of my sight!" Galit na sigaw ni Delfin.

Agad namang tumayo mula sa pag kakaluhod ang mga maids at knights at agad na umalis sa harapan nya.

Napa hilot sa kanyang sintido si Delfin. Maski sya ay hindi na rin alam kung ano pang gagawin. Nag patong patong na ang mga problemang alalahanin nya, ngayon naman ay nagkaroon pa ng panibagong dagok sa kanilang pamilya.

"Rynaira Dalore. Where the heck are you?" He mumbled.

"D-Delfin. You must find your sister at all cost—argh!" Dumaig ng malakas ang Duke habang sapo-sapo ang kanyang dibdib. Agad namang napa takbo papunta sa kinaroroonan ng ama si Delfin.

"F-Fath—Duke. Are you alright?" Nag aalalang tanong ni Delfin. Pero mas lalo pang nadagdagan ang kanyang pag aalala nang mapansin nyang nahihirapan ng huminga ang Duke.

"Call the physician!" Utos nya.

"Duke? Duke—"

"F-Find her. Find your s-sister D-Del—Delfin." Nahihirapang saad ng Duke. Pero naputol ang usapan nila nang may pumasok na maid. At batay sa galaw nitong nanginginig ay agad na nahulaan ni Delfin na masamang balita na naman ang maririnig nya.

"Young master. H-His highness Crown Prince Sean already arrived. He's waiting downstairs." Pag iimporma nito. Napa pikit naman ng mariin sa inis si Delfin. Kung kailan na nga nag patong-patong ang problema ay dumagdag pa ang Crown Prince.

"Damn it. Bakit ba kasi hindi nalang nya tigilan ang kapatid ko." Inis na bulong ni Delfin. At kahit na labag sa loob ay napilitan nalang syang harapin ang prinsipe.

Nang maka rating sya tapat ng silid na kinaroroonan ng prinsipe ay mapa hinga muna sya ng malalim bago sya pumasok.

Sumalubong sa kanya ay inip na inip na mukha ng Crown Prince batay na rin sa pag kakasalubong ng kilay nito. At doon ay napag-tanto nya na mukang mahihirapan sya sa Crown Prince.

"Glory to the star of this Empire. Crown Prince Sean—"

"Where's my fiancee?" Tanong ni Sean at hindi na pinatapos ang pag bati sa kanya ng kapatid ng hinahanap nya.

Napa lunok naman si Delfin bago nag salita dahil alam nyang hindi magugustuhan ng kaharap ang kanyang sasabihin.

"Your majesty. I'm afraid to say this but... My sister is missing." Naka yukong saad ni Delfin.

Agad namang nag dilim ang mukha ng Crown Prince dahil sa narinig. Umalingawngaw sa apat na sulok ng silid ang pagkabasag ng tea cup nang ibato nito sa pader ni Sean dahil sa galit.

"What?! How did this happened?!" Galit na sigaw nya. At nang wala syang nakuhang sagot mula sa kaharap ay inis syang napa tayo at sinipa ang maliit na mesa sa harapan nya.

Halos masira ang mesa nang tumama ito sa pader. Napa yukom naman ang kamao ni Delfin. Kahit na gustong-gusto nyang patulan ang respetadong kaharap ay mariin nya pa ring pinipigilan ang sarili. Napaka rami ng suliranin na kailangan nyang ayusin at ayaw na nyang madagdagan pa ito.

"You!" Dinuro ng Crown Prince si Delfin. "I know that you're just hidding your sister, am I right?" Naka ngising saad ng Crown Prince. At bigla itong tumawa ng pagka-lakas lakas na para bang nababaliw ito.

REFLECTION |COMPLETED|✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon