"BATID MO BANG ANG pinadala ko'y isa sa pinaka magaling kong tauhan. Kung kaya't maski ako ay lubos na nag tataka kung paano ka naka ligtas sa kamay nya, binibining Rynaira."
Nabitawan ko ang hawak kong kubyertos nang tuluyan nang ma-proseso sa isipan ko. Agad na nanlamig ang mga kamay ko at agad na napa tayo mula sa kinauupuan ko. K-Kung gano'n-shit! Sya 'yon! Sya ang nag tangka sa buhay ko. Sya ang puma-nag padala ng taong pumana sa 'kin noong patakas ako sa gubat.
"Paumanhin. Nahihinuha kong hindi mo nagustuhan ang mga pagkaing nasa hapag. Nais mo bang ipag handa kita ng iba pang putahe?" Naka ngising saad nya at muling pinag laruan ang likido na nasa kopitang hawak nya. Napa hakbang naman ako paatras dahil sa takot.
Ngayon ay kinakailangan ko na talagang iwasan sya. Kinakailangan kong maka alis rito.
Nang tinungga nya ang laman ng kopita ay agad kong tinangkang damputin ang knife bread na nasa mesa. Pero bago ko pa man ito mahawakan ay nanigas na ako nang bigla kong maramdaman ang isang kamay na naka hawak sa kamay ko.
"Paumanhin, binibini. Ngunit ang kagaya mong dilag ay hindi nararapat na gamitin ang patalim na ito sa maling paraan." Napa singhap ako nang maramdaman ko ang kanyang presensya sa likuran ko. P-Pero pano? P-papano sya naka rating sa likuran ko ng gano'n kabilis?
Dahil sa pagkagulat ay hindi ko na namalayan na nakuha na nya pala ang kutsilyo at inilayo 'yon sa 'kin.
Nang matauhan ako ay agad ko syang nilingon. Nilabanan ko ang takot ko kahit na hanggang ngayon ay naka plaster pa rin sa labi nya ang mapa-nuyang tingin habang hindi pa rin nawawala ang ngisi sa labi nya.
"Binibini, ikinalulungkot ko't mukang hindi mo naibigan ang munting salo-salong inihanda ko. Ngunit kung iyong mamarapatin. Maaari ko bang malaman kung may iba ka pang nais hilingin?" Pinantayan ko ang titig nya.
"I want to go home." Mariin na saad ko. Umangat naman ang sulok ng labi nya.
"Kung iyan ang iyong nais." Agad akong na-alerto nang pumalakpak sya ng tatlong beses. Parang gusto kong bawiin ang katangahang ginawa ko. Bakit ko nga ba sinabi 'yon sa harap nya! Stupid! Dapat ay nag isip man lang ako. Hindi katiwa-tiwala ang makatang lalaking ito. At paniguradong pinag lalaruan nya 'ko.
Kahit na inaasahan ko na na lilitaw muli ang babae ay hindi ko pa rin napigilan ang sarili kong makaramdam ng takot.
"Huwag kang mabahala, binibini. Mapag kakatiwalaan at tapat ang aking mga tagapagsilbi. Kung kaya't ligtas ka sa kanilang kamay. Sumunod ka sa kanya at ihahatid ka nya sa iyong tunay na tahanan." Nag simula nang humakbang ang babae pero hindi ko magawang sundan ang babaeng naka lutang.
Ngunit napa tili nalang ako nang bigla akong naka ramdam ng malamig na kamay na humawak sa braso ko at sapilitan akong kinakaladkad. At hindi ko magang pumalag dahil hanggang ngayon ay nangingilabot pa rin ako lalo na kapag naiisip ko na may multong naka hawak sa braso ko.
Nang tuluyan kaming maka alis sa dining room ay mas lalo akong inatake ng takot nang tahakin namin ang isang madilim na pasilyo.
Hindi ko na masundan ang direksyon na tinatahak namin dahil ilang beses na kaming lumiko. At ang akala ko ay wala ng katapusan ang paglalakad namin ay tyaka naman kami napa tigil sa tapat ng isang pinto sa pinaka dulo ng pasilyo.
"T-Teka-" Naputol ang pag sasalita ko nang biglang mawala sa harap ko ang babae.
Napa lunok ako at napa linga linga sa paligid. Napa yakap ako sa sarili ko. Napaka dilim ng paligid at tanging ang maliit na bintana lang na pinapasukan ng sinag ng buwan ang nag sisilbing ilaw sa paligid.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. At hindi ko rin alam kung ano ang pina-plano ng hayop na makatang lalaking iyon na walang ibang ginawa kundi ang magsalita ng malalim. Akala nya siguro mag mumukha syang ma-ginoo dahil lang sa pananalita nya. Pwes! Ngayon ko lang din nalaman na may iba pa palang language ang mga demonyo!
BINABASA MO ANG
REFLECTION |COMPLETED|✓
FantasyDEVIOUS DOULOGY I "My eyes glimmer as I look into that mysterious mirror. But as soon as I looked at my reflection my eyes widened in shock." Because of a mysterious antic mirror. Rynaira's world suddenly turned upside down when she was suddenly bro...