CHAPTER 35

330 20 0
                                    

    NANG MABUKSAN ANG NAPAKA laking tarangkahan ay sumalubong sa 'kin ang bulungan ng mga tao. Napa hinga akong malalim bago inihakbang ang mga paa ko papasok sa napaka engrandeng banquet hall.

"I can see envy on those men while staring at us. I'm so lucky to have you at my side." Ramdam ko ang pag mamayabang sa boses ni Sean kaya pinigilan ko ang sarili kong sapakin sya.

Kahit na isang araw ko palang syang nakakasama ay hindi ko alam kung matatagalan ko pa ba sya. Nararamdaman ko na magiging trophy wife ang peg ko kapag natuloy ang 'kasal' namin BUKAS! Letcheng buhay ito!

Nag lakad kami papunta sa entablado at ramdam ko pa rin ang mga mapanuring tingin na pumungkol sa 'min at mas lalong hindi nakakaligtas sa tenga ko ang bulung-bulungan ng mga tao dito sa banquet hall ng palasyo.

Ngunit bago pa man kami maka akyat ay napa tigil kami at yumuko.

"Glory to the the sun and moon of the Empire. Emperor and Empress of Adamantine Empire." Magkasabay naming bati.

"You may rise." Napa angat naman kami ng tingin. At muli ko namang naramdaman ang kamay ng lintik sa bewang ko. Tangina. Kapag talaga hindi ako makapag pigil talagang masaspak ko na 'to. Kanina pa ko nakakahalata sa pasimpleng pag tyansing nito.

Nang maka akyat kami sa entablado ay mas lalong lumakas ang bulungan ng mga marites na parang mga bubuyog—buti pa nga ang bubuyog may silbe sa kalikasan samantalang 'tong mga 'to—aba. Ewan ko nalang.

"Silence." Seryoso't ma-otoridad na saad ng Emperor. Para namang nalagyan ng tig iisang tape ang bunganga ng mga bubuyog at bigla silang napa tikom ng bibig.

"My dear people of Adamantine Empire." Paunang saad ng Emperor. "I am proud to announce the engagement between the Crown Prince Sean and the lady Rynaira Dalore from the house of Dalore."

"L-Lady Rynaira Dalore?"

"Is she's the fiance of the young master of Morfer?"

"H-How come?"

"I also heard that the went missing a months ago."

"Silence!" Agad na nag laho ang bulungan nang mag salita ang Emperor. "Any one who object with my words shall beheaded." Maski ako ay napa lunok dahil sa narinig. Shuta! Nakakatakot naman pala mag salita sa harapan ng Emperor. Baka mamalayan ko nalang humiwalay na ang ulo ko sa leeg ko.

"The marriage between them will be heald tomorrow. And all people of the Empire are invited to witness the notable event in the history of the Adamantine Empire." Nabalot na naman ng bulungan ang paligid na mukang kagaya ko ay hindi rin maka paniwala. Hindi ko rin naman sila masisisi dahil maski ako ay halos mahulog na ang panga sa sahig nang marinig ko 'yun kahapon.

Nang maka baba kami sa hagdan ay doon lang umayos ang pag hinga ko. Pano ba naman, maski hangin ata do'n nakakasakal.

"Ry—Princess Rynaira. May I have a word with you?" Napa lingon ako sa nag salita.

"Delfin." Usal ko. Pero doon ko lang naalala na may kasama pa pala ko na parang tuko kung maka kapit sa bewang ko. Napa lingon naman ako sa katabi ko.

"Fine, just a minute okay?" Napa tango nalang ako mas maganda na ang ilang minuto para maka layo ako sa kanya. Kahapon ko pa gustong maka layo sa kanya pero para syang tuko kung maka kapit sa 'kin na kulang nalang ay pati sa CR sumama.

Nang maka wala ako sa kuku ng agila—este nang maka alis sa tabi ko ang bugok na crown prince ay doon lang ako naka hinga ng maluwag.

"Where's dad?" Tanong ko kay Delfin. Hindi naman kasi ako sigurado kung nandito ang Duke dahil maski nga sya ay hindi ko kanina napansin dahil sa pagiging okopado ng isipan ko.

REFLECTION |COMPLETED|✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon