CHAPTER 5

510 29 0
                                    

DAMIEN MORFER. Bakit ko naman kasi makakalimutan ang pangalan ng gagong yun.

Sya lang naman kasi ang gagong ex ko! Napakayabang na bwitreng yung! Hindi ko nga mapigilang hindi masuka kapag nakikita ko ang muka nya!

Grade nine ko no'n at grade eleven naman sya. Kahit pa 'tirador ng mga junior' ang bansag sa kanya ay sinantabi ko parin ang katotohanan dahil nga na-gwa-gwapuhan ako—pwe!

At dahil nga sa katangahan days ko no'n ay palagi ko syang binibigyan ng love letters. Hindi ko nga mapigilang hindi mapa duwal sa tuwing naaalala ko ang mga kahihiyang ginawa ko para lang magpa-pansin sa kanya. At halos mag lumpasay na ako sa kilig no'n nang ipakilala nya ako sa mga hambog at manyak nyang mga kaibigan na parang mga batang hamog na ang lalakas ng loob na mag hubad ng pag itaas kapag nag ba-basketball sila. Eh mga buto buto naman at bakat na bakat na ang ribs. At no'ng una kong makitang naka hubad ng pang itaas si Damien ay halos mahimatay ako dahil hindi gaya ng mga kaibigan nyang 'kinulang sa laman pati aruga' ay nakikita ko ang kanyang anim na mga bundok bundok sa tyan.

At dahil nga maaga akong kumerengkeng kaya no'ng alukin nya ako na maging jowa nya ay hindi na ako nag dalawang isip na sagutin sya. Pero nung maging kami ay hindi pa nga natatapos ang isang buwan ay nag break na kami dahil nahuli ko syang may kalampungang babaeng grade seven!

Kapag nga naaalala ko kung pano ako naging desperada na mag hanap ng mang kukulam para lang ipakulam ang mga talipandas ay hindi ko mapigilang hindi mang hinayang. Pano ba naman kasi, dahil sa pagiging 'oh so called' broken hearted ko ay hindi ko tuloy nagawang maka hanap ni-albularyo dahil busy ako sa pag kukulong sa kwarto ko. At habang nag mu-mukmok ako ay doon ko lang na-realize ang katangahan ko. Pero hindi kagaya ng iba na kapag nakikita ang ex nila ay nag ta-tago o 'di kaya naman ay nag iiwas ng tingin, iba naman ako. Automatic na tumataas ang gitnang daliri ko at winawagayway sa kanya yun.

"Hah! Hindi ko na nga maalala kung ano bang nagustuhan ko sa gagong yun!"

"'M-mi lady?" Napa tikhim ako ng marinig ko ang nag tatakang boses ni Merilla. Bigla tuloy akong nabalik sa kasalukuyan dahil sa kanya.

"Don't mind me. Nasobrahan lang ako sa kape." Napa ngiting saad ko. Napa tango naman sya kahit na nag tataka parin sa inasal ko.

"We're already done young lady. You can now wear your dress." Pag i-imporma nya. Napa tingin naman ako sa salamin. Muntikan pa akong mapa tili sa gulat nang makita ko ang repleksyon ko. Napaka kinis ng muka ko at nag tataka ka tuloy ako kung katawan ko pa ba talaga 'to dahil sa pag kakatanda ko ay hindi naman ako ganito kakinis noon. Pero kakaiba talaga ang routine ko ngayon kaysa sa routine ko noon. Tatlong bathtubs lang naman kasi ang liniliguan ko. Una ay ang bathtub na puno ng gatas, sunod ay ang buble bath, tapos yung bathtubs na puno ng rose petals. At may mga scented candles pa sa paligid. Señorita na talaga ang role ko dito 'di gaya ng dati na talaga sana oll lang.

MATAPOS KONG mag bihis ay muli kong tinignan ang itsura ko sa salamin. Buti naman at hindi na kulay green ang suot ko dahil talagang muka akong Christmas tree kapag kulay green ang suot ko. Idagdag mo pang palagi akong nag su-suot na mga makukulay at kumikinang na mga bato at anik anik.

""Mi lady you really look like a goddess!" Kumikinang na matang kumento ni Merilla. Napa bungisngis naman ako.

"I know right." Taas noong sagot ko. Sino nga ba ako para mag-pahumble kung nag mumura na ang ebidensya!

NAKA RATING KAMI sa gate ng mansyon at sumalubong sa'min ang isang magarang carriage na may crest pa ng pamilyang Dalore. Dahil na rin sa tagal ko rito ay maski ito ay nalaman ko na.

REFLECTION |COMPLETED|✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon