NAKA TITIG AKO SA REPLEKSYON na nasa harapan ko. Napaka gara at napaka ganda ng suot kong trahedeboda. Kumikinang-kinang ito dahil sa mga mamahaling bato na naka disenyo rito. Napaka ganda rin ng pag kakaayos ng buhok ko at may disenyo ring mga dyamante rito.
"Napaka ganda nyo po la—princess Rynaira!" Papuri sa 'kin ng isang maid na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan.
Binigyan ko nalang sya ng isang pilit na ngiti at muling humarap sa salamin. Hindi ko alam pero hindi ko magawang ngumiti. Mukang sa lahat lang ata ng ikakasal sa isang prinsipe, ako lang ang hindi masaya.
"Naka titiyak akong mag niningning ang mga mata ng crown prince kapag nasilayan nya kayo." Gantong pa ng isang maid na nasa likuran ko na inaayos ang suot kong damit.
Dahil sa mga naka palibot sa 'kin na panay ang puri ay hindi ko tuloy maiwasang hindi mapa isip. Napaka ganda ng suot kong wedding gown at maski ang venue ng kasal ay alam kong pinaghandaan at napaka ganda, mula sa mga kumikinang na mamahaling dyamante hanggang sa mga makukulay at sariwang bulaklak ay talagang masasabi na ganitong wedding set up ang pinapangarap ng lahat ng mga kababaihan.
Pero habang iniisip ko kung gaano ako ka-swerte ay hindi ko parin makapa ang pakiramdam na maging masaya sa mismong kasal. Parang kailan lang nang hihinayang ako dahil ni-hindi ko man lang naranasan ang mala fairy tale na kasal na pinapangarap ko no'ng bata pa ko. Sa halip ay ikinasal pa ko ng tulog at ni-walang kamalay malay na nasuotan na pala ako ng singsing. Pero sa mga panahong iyon ay para akong naka higa sa cloud nine habang pinag mamasdan ko ang napangasawa ko. Kakaiba at hinding hindi matatawaran ang kaligayahan ko.
Siguro nga ay tama sila. Walang makakapantay na materyal na bagay sa iyong sariling kaligayahan. Hindi makikita ang espirito ng kasal sa kung gaano ka-engrande ang isang kasal, kundi sa kung gaano ka kasayang pakasalan ang lalaking haharapin mo sa altar.
"Princess, the Duke Dalore is already here." Nabalik ako sa realidad nang biglang pumasok ang isang maid at inimporma ako. Tinanguan ko sya at sinenyasan na papasukin ang Duke.
Nang makita ko ang Duke ay tipid ko syang nginitian. At nang makalapit sya sa 'kin ay napa ngiti ako nang yakapin nya ako.
"Time really flies fast. It seems like a blink and you suddenly turned into a grown up and gorgeous lady." Saad ng Duke. Lumawak naman ang ngiti ko dahil sa sinabi nya. "And soon you will have your own baby."
"Dad, no matter what happens. I'm still your baby. And no one can replace me." Naka ngising saad ko. Napa buntong hininga naman sya bago ngumiti.
"I really can't believe at you're finally getting married." Gusto ko mang sabihin sa kanya na 'matagal na pong kasal ang anak nyo' pero pinigilan ko nalang ang sarili ko dahil ayaw ko namang sirain ang pag e-emote nya. Pero ano naman kaya ang magiging reaksyon nya kung sakaling malaman nya na ni-hindi man pang nasaksihan ang 'tunay' na kasal ng kanyang unica hija.
NAPA LUNOK AKO BAGO MAG simulang humakbang sa red carpet. Napa higpit ang pag kakahawak ko sa bulaklak na nasa kamay ko.
Habang nag lalakad papalapit sa aisle ay hindi ko mapigilang hindi pasimpleng igala ang paningin ko sa paligid. Ayoko mang aminin ngunit kanina ko pa hinahanap ang presensya nya.
FLASHBACK
"It's me, my duchess." Kumabog ng malakas ang dibdib ko nang marinig ko ang pamilyar na boses ng lalaking nasa likuran ko.
Nang mapansin nyang kumalma na ako ay ramdam kong dahan dahan nyang tinanggal ang pag kakatakip ng kanyang kamay sa bibig ko.
"D-Demtri." Mahinang usal ko. Pinilit kong lingunin sya pero napa singhap ako nang bigla nya akong yinakap patalikod.
BINABASA MO ANG
REFLECTION |COMPLETED|✓
FantastikDEVIOUS DOULOGY I "My eyes glimmer as I look into that mysterious mirror. But as soon as I looked at my reflection my eyes widened in shock." Because of a mysterious antic mirror. Rynaira's world suddenly turned upside down when she was suddenly bro...