CHAPTER 33

336 13 0
                                    

    TAHIMIK KONG NILUNOK ANG KINAKAIN ko habang nag mamatyag at nakikiramdam. At mukang sa kabutihang palad ay wala namang mag tatalo sa harap ng pagkain.

"Delfin." Kahit na hindi ang pangalan ko ang tinawag ay napa lingon pa rin ako sa Duke na naka upo sa kabisera.

"Yes Duke?" Hindi ko maiwasang hindi palihim na mapa ngiwin dahil sa pagiging pormal ni Delfin. Sabagay, mukang hindi naman sya papa's boy.

"How's your mission? Did you find her?" Napa kunot ang noo ko dahil sa sinabi ng Duke. Her?

Narinig ko ang pag buntong hininga ni Delfin at mukang alam ko na ang sasabihin nya dahil batay sa lalim ng pag buntong hininga nya ay mukang bigo yata sya.

"Lorthus Empire is clear. She's not there." Gustuhin ko mang maki-sawsaw at maki-usyuso sa usapan nila pero mukang napaka seryoso ng kanilang usapan.

"If she doesn't want to show up then we shouldn't force her. I just hope that she's safe." Sino ba kasing her?

"But I really can't understand why mother need to stay away from us." Napantig ang tenga ko dahil sa narinig. Ows, kung gano'n ang ina pala nila ang pinag uusapan.

"I also don't understand, but I trust her." Hanga talaga ako sa Duke. Masyadong malaki ang tiwala nya sa asawa nya. Ni-hindi nga nila mahagilap. Tyaka malay nya baka nga may ibang pamilya na 'yon.

Namayani ang katahimikan sa paligid at tanging tunog lang ng kubyertos ang maririnig kaya ako na ang nag tangkang bumasag ng katahimikan. Napa tikhim ako bago nag salita.

"Du—Dad. You should eat a lot. I heard that one of the reason why you were sick because you always skip your meals." Paalala ko sa kanya. Nginitian naman nya ako.

"You should also eat a lot." Paalala nya. Bigla ko namang narinig ang pag tikhim ng nasa harapan ko.

"Yes?" Naka taas kilay na tanong ko. Hindi naman naka ligtas sa 'kin ang kanyang pag irap at pag ismid. Kaya bilang kapalit at inismiran ko rin sya. Hobby talaga ng huwaran kong kapatid na inisin at pakuluin ang dugo ko. Pero langya! Ayoko mang aminin pero na-miss ko rin ang bargulan session namin!

"You should also eat big brother." Naka ngising saad ko habang may tonong nag aalala. Pinigilan ko naman ang sarili kong mapa halakhak nang makita ko ang kanyang reaksyon. Binigyan naman nya ako ng nakakadiring tingin na para bang sukang-suka sya sa buo kong pagkatao.

"And you should also take care of yourself." Napa taas ang kilay ko dahil sa sinabi nya. Halata namang hindi sya sincere. Pero kung plastikan ang habol nya—pwes! Hindi ako papatalo!

"How sweet of you. Don't worry dear brother, I won't make you feel worried." Pang aasar ko.

"I'm not worried at you. I'm worried by the fact you will scare our maids. You're too pale that you even looked Iike a ghost." Napa awang ang bibig ko at hindi kaagad naka pag salita.

"Delfin, that's your sister." Seryosong saad ng Duke. Palihim ko namang nginisihan ang nasa harapan ko na napaka sama ng tingin sa 'kin.

"If your mother is here, you both wouldn't have any idea how brutal she will scold me specially if she witness this scene. She will probably question how I raised the both of you." Naiiling na saad nya. Natahimik naman kami pareho at nagkatinginan.

Napa iling nalang ako sa isipan ko. Ayoko mang aminin pero na-miss ko rin ang ganitong senaryo. Kahit na nakaka-bwisit ang pag mu-mukha ni Delfin. Pero alam kong deep inside ay nag aalala rin sya sa kapatid nya at may pakialam pa rin sya. Ano kayang gagawin nya kapag nalaman nya ang totoo. Na hindi naman talaga ako ang kapatid nya?

REFLECTION |COMPLETED|✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon