CHAPTER 22

346 13 0
                                    

    MALAKAS KONG sinarado ang pintuan. Mahigpit na naka yukom ang kamay ko habang ramdam na ramdam ko ang pang gigilid ng luha ko. Hayop sya! Napaka hayop nya!

"Hell—woman! Don't you know how to kno—"

Tumabingi ang mukha nya ng malakas ko syang sinampal. Napa hawak sya sa kanyang pisnging sinampal ko at tinignan ako ng matalim.

"What the fuck is your fucking problem?!" Napa ismid ako sa sinabi nya. Problem?

"Problem? Fuck you! Napaka hayop mo Demtri! P-pano mo nagawa 'yon?!" Pumatak na ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Gulong gulo naman nya kong tinignan na para bang wala syang alam sa mga pinag sasasabi ko.

"H-Hayop ka! Walang hiya ka! Napaka sama mo!" Dahil sa galit ay nagawa kong hilain ang kanyang kuwelyo at pinatayo sya. Paulit ulit kong hinampas at sinuntok ang kanyang dibdib. Iniilagan nya ang mga hampas ko at hinawakan nya ang magkabilang palapulsuhan ko para mapatigil ako sa pag hampas sa kanya. Pero hindi ako nag patalo sa kanya at ginamit ko naman ang mga paa ko para masipa sya.

"Heck—stop!" Nang tuluyan akong maka ramdam ng pang hihina ay binigyan ko nalang sya ng nanlilisik na tingin. Wala syang puso!

"Ang sama sama mo! Y-you're are devil Demtri!" Halos bumigay ang na tuhod ko dahil sa sobra sobrang emosyon na nilalabas ko.

"P-pano mo n-nagawa 'yon sa inosenteng kagaya nya! Napaka bata pa nya!" Mas lalong rumagasa ang luha ko nang maalala ko ang duguang katawan ng batang nasa dungeon. Kitang kita at rinig na rinig ko ang kanyang mga daing. Napaka bata pa nya para maranasan ang gano'n!

"Can you explain what your spouting." Iritadong tanong nya kaya napa ismid ako. Parang wala talaga syang alam ah!

"'Wag ka nang mag panggap! Alam kong alam mo kungg ano ang sinasabi ko! 'Yong bata sa dungeon! Ring a bell?" Pero naputol ang panunuya ko nang biglang nyang hawakan ng mahigpit ang magkabilang braso ko at tinignan nya ko ng mariin.

"You went there?!" Napa pikit ako dahil sa biglaang pag sigaw nya habang nanlilisik ang mga matang naka tingin sa 'kin.

"Why Demtri?! Galit ka?! Galit ka na nag punta ako do'n dahil nadiskubre ko na may ikasasama ka pa?" Tinapatan ko rin ang kanyang nanlilisik na mga tingin at nag pupumiglas ako sa pag kakahawak nya.

Nang tuluyan na akong naka wala sa kanya ay pinuntahan ko ang kanyang mesang punong puno ng mga dokumento. Dahil sa galit ko ay kinalat ko ang mga nandoon at hinanap kung nandito man ang susi ro'n da dungeon. Kailangan kong mahanap 'yon! Shit! Nag aagaw buhay na ang bata!

"Fuck! Stop that! Damn it!" Napa daing ako nang hawakan nya ng mahigpit ang braso ko.

"Let me go! Ibigay mo sa 'kin ang susi!" Kinapkapan ko sya gamit ang malaya kong kamay at panay ilag naman sya.

"Calm down!"

"Hindi! Ibigay mo sa 'kin iyon!" Pag pupumilit ko. "I need to save him!" Dagdag ko pa. Tangina! Baka kung ano nang nangyari sa bata! Sya talaga ang sisisihin ko kapag nahuli ako!

"Damn! Rynaira!" Dahil sa bilis ng pang yayari ay hindi ko na namalayan kung paano nya nagawang mapunta sa likuran ko at naramdaman kong may pinisil sya ro'n. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit hindi ako maka galaw at nanlabo bigla ang paningin ko hanggang sa tuluyang nag dilim ang paningin ko at unti unti akong nawalan ng lakas.

    NAPA DILAT AKO at agad na sumalubong sa 'kin ang pamilyar na kulay ng kisame. Teka nakatulog ako—

"Shit! 'Yung bata!" Bulalas ko nang maalala ko ang senaryo bago ako mawalan ng malay. Shit talaga!

Agad akong napa tayo at agad akong nag punta sa puntuan. Nag diwang ang kaloob looban ko nang mapihit ng tuluyan ang door knob. Buti nalang at hindi naka lock!

REFLECTION |COMPLETED|✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon