CHAPTER 37

341 14 3
                                    

    "DELFIN! DON'T STRESS HER OUT! For pete's sake your sister is pregnant!"

Natigagal ako sa kinauupuan ko dahil sa narinig. P-Pregnant?

Wala sa sariling napa hawak ako sa puson ko habang prino-proseso pa rin sa isipan ko ang rebelasyon na narinig. B-Buntis ako?!

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Fudge! Pero p-pano—that jerk!

Biglang bumalik sa isipan ko ang sinabi ng hayop na Grand Duke. Assurance—tangina! Ngayon ko lang na-intindihan ang ibig nyang sabihin no'n! That cunning bastard! Eto pala ang ibig nyang sabihin sa assurance! Kaya pala hindi sya nakuntento sa isang gabi at nag extend pa sya ng isang linggo at talagang sinigurado nya na magkakalaman ang matris ko! Ang walang hiya!

Kaya pala hindi nag tangkang mang gulo sa kasal ang gago! Mukang alam nya talagang wala akong kawala sa kanya! Eto pala ang 'gift'na sinasabi nya!

"Duke. Pardon for my intrusion b-but the C-Crown Prince is here." Napa hilot ako sa sintido ko. At bakit naman dumagdag pa sa problema ang letcheng prinsipeng iyon!

Nag katinginan naman ang Duke at si Delfin. At mukang kagaya ko ay hindi rin nila alam kung pa'no pa malulusutan ang bagong dating na bwisita.

"Don't worry. We will handle him, just rest. Too much stress can bring no good for you and for the baby." Mahinahong saad ni Delfin. At nang maka alis sila ng Duke ay nang hihinang napa sandal ako sa headboard ng kama. Hindi ko maiwasang hindi makonsensya. Ang rami ko nang binigay na problema sa Duke at pati na rin kay Delfin.

Napa buntong hininga ako nang muli kong naalala ang binunyag kanina ng Duke. At bumalik sa isipan ko ang mga araw na palagi akong nasusuka at iritado. Napaka sensitive rin ng pang amoy ko. Pero biglang sumama ang timpla ng mukha ko nang may maalala. Shuta! Inis na inis pa naman ako parati kay Sean at maski ang pabango nya ang halos ika-suka ko. Lintik! Mukang pinag lilihian ko pa ang hayop!

"Baby. 'Wag ka sanang matulad sa gag—sa prinsipeng iyon. Paniguradong pag pipira-pirasuhin iyon ng tatay mo kapag lumabas kang kamukha sya." Nag aalalang saad ko habang marahang hinihimas ang tiyan ko. Wala sa sariling napa ngiti ako. Kahit hindi pa malaki ang tiyan ko ay nararamdaman ko na sya—nararamdaman ko nang may buhay sa sinapupunan ko na kinakailangan kong alagaan at protektahan.

Bumalik sa isipan ko ang paraan ng pag hawak at pag haplos ng ama nya sa puson ko. Puno 'yon ng pag iingat. Sigurado akong magiging mabuting ama si Demtri sa kanya. At sigurado rin akong matutuwa si Clydel kapag nalaman nya na magkakaroon na sya ng kapatid. Mukang nakikita ko na na-magiging protective ang tatay at kuya nya sa kanya.

Biglang bumukas ang pinto at napa angat ako ng tingin at bigla sumalubong sa 'kin si Merilla at may dala pa syang mga panlinis kaya do'n ko lang naalala na ang mga kalat at bubog na ginawa ni Delfin kanina dahil sa pag wawala nya. Nang makita nya ako ay agad syang lumapit sa kama.

"Princess Rynaira. I heard what happened." Aniya. Gusto ko sanang itama ang pag tawag nya sa 'kin kaso naalintana ang balak ko nang bigyan nya ako ng nag aalalang tingin.

"P-Princess Rynaira. Huwag po sana kayong pang hinaan ng loob. Sana po ay hindi nyo ituloy ang binabalak nyong pag papa-abort." Nag salubong ang kilay ko dahil sa sinabi nya.

"Abort?" Takang saad ko. The fudge! "Merilla hindi ako baliw para ipa-laglag itong dinadala ko." Giit ko. Nanlaki namna ang mga mata nya at biglang lumuhod.

"F-Forgive me Princess. Hindi ko po intensyong sabihin ang bagay na 'yon." Naka yukong saad nya.

"P-Pero 'yon po kasi ang mga kumakalat na balita ngayon sa Dalore Duchy. At halos ang lahat ng maids ay iyan ang bukang bibig." Napa singhap ako. Those bitches!

REFLECTION |COMPLETED|✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon