NAPA YAKAP AKO SA TUHOD KO at isinandal ko ang baba ko sa tuhod ko. Muli kong nilibot ang paningin ko sa paligid at hindi ko mapigilang hindi mapa ngiwi dahil sa nakakasulasok na amoy sa paligid. Napaka lansa at naaamoy ko rin maski ang amoy ng kinakalawang na bakal.
Hindi ko alam kung saang lupalop ako napunta. Basta nagising nalang ako kanina sa mabahong lugar na 'to. At napaka dilim din ng paligid kaya hindi ko man lang matukoy kung nasa'n na ba talaga ko.
Bigla ko namang naalala ang nang yari bago ako mawalan ng malay. May isang lalaki na kulay asul ang mata. At talagang dahil sa katangahan ko ay napagkamalan ko pa syang si Demtri. Pero akala ko talaga sya si Demtri dahil halos pati ang tangkad at hulma ng katawan nila ay halos magkapareho. Idagdag mo pa ang kulay asul nyang mata.
But speaking of Demtri—ang hayop na 'yon! Alam kaya nya na na-kidnap ako? Subukan nya lang talagang mag tago at hindi panagutan 'tong dinadala ko!
Bigla akong napa singhot nang may ideyang biglang pumasok sa isipan ko. H-Hindi naman kaya—hindi naman kaya may kalantari sya ngayon kaya hindi ko sya mahagilap?!
"B-Baby. Ang landi ng tatay mo. S-Sana hindi ka tumulad sa malantod na 'yon." Humihikbing saad ko habang hinihimas ang tiyan ko. Hindi ko na rin napigilan ang mga luha kong nang gigilid at ngayon ay nag uunahan nang tumulo.
Gusto ko mang pigilan ang sarili ko pero hindi ko alam kung bakit mas napa hagulhol pa ko. Biglang pumasok sa isipan ko ang mga panglalandi sa 'kin ni Demtri kaya napa tigil ako sa pag palahaw.
"No way. Hinding hindi magagawa sa 'kin iyon ni Demtri. I'm such a bad wife for thinking that." Mas lalo akong naiyak. Pero pano nalang pag nag sawa sya sa 'kin—
"Subukan nya lang talagang mag hanap ng iba! Mapuputulan ko talaga sya ng kaligayahan." Gigil na saad ko.
"Baby. Mukang pag labas mo magiging iyakin ka." Usal ko habang hinihimas ang tiyan ko. Mukang alam ko na ang dahilan kung bakit bigla nalang akong nahawa sa pagiging bipolar ng lintik na Sean na 'yon. Ganito ba talaga pag buntis?
Napa tigil ako sa pag singhot nang bigla akong maka kita ng liwanag. At nang tuluyan na ngang nagkaroon ng liwanag sa kinalalagyan ko ay napa kurap ako ng ilang beses. At nang mapagtanto ko ang kinaroroonan ko ay agad na nag salubong ang kilay ko.
"Deja vu." Mahinang usal ko. Parang bumalik sa isipan ko ang nakaraan kung saan nagising din ako sa isang selda. Ang pinagkaibahan lang ay walang nag buhos sa 'kin ng tubig at hindi rin ako naka tali.
"You're finally awake." Napa kunot ang noo ko nang mapansing pamilyar ang boses na narinig ko. Agad akong napa angat ng tingin—nanlaki ang mga mata ko nang sumalubong sa paningin ko ang pamilyar na kulay lupang mga mata.
"T-Tyndareus." Gulat na usal ko. Pero bumagsak ang balikat ko nang bigla nya kong balingan ng malamig na tingin.
"T-Teka. Tyndareus. K-Kung gano'n nandito rin ba si Demtri?" Agad na tanong ko. Hindi ako makapaniwala na makikita ko pa sya rito. Hindi rin ako nakatulog ng payapa kakaisip kung winakasan na ba sya ni Demtri. Akala ko talaga—
Pero natigilan ako nang bigyan nya ako ng tingin na para bang hindi nya ako kilala. At nang makarinig ako ng kalansing ng bakal ay doon lang ako napa tingin sa bakal na rehas na kinakalawang. Napa ngiwi pa ako nang marinig ko ang masakit sa tengang tunog na nilikha ng rehas nang buksan iyon ni Tyndareus.
"Follow me." Malamig na saad nya at biglang tumalikod sa 'kin. Agad naman akong nataranta at agad na napa tayo.
"T-Teka." Pag awat ko sa kanya dahil sa bilis ng pag lalakad nya. Pero hindi man lang sya lumingon ni-tumigil para hintayin ako. Napa irap ako sa inis. Hello! Hindi nya ba alam na may buntis rito?
BINABASA MO ANG
REFLECTION |COMPLETED|✓
FantasyDEVIOUS DOULOGY I "My eyes glimmer as I look into that mysterious mirror. But as soon as I looked at my reflection my eyes widened in shock." Because of a mysterious antic mirror. Rynaira's world suddenly turned upside down when she was suddenly bro...