CHAPTER 13

378 18 0
                                    

    "RYNAIRA CARPIO!" Nang gigigil na sigaw ni Sabel habang naka hawak sa magkabilang bewang nya.

"Lintek kang gaga ka! Ano naman ang pumasok sa kukote mo at lumabas ka!" Grabe! Na-miss ko ang mala armalite nyang bunganga!

"Ysa, calm down—"

"Calm down?! Alam mo ba ang sinasabi mo Demtri?! Sige nga! Sabihin mo sa 'kin kung bakit ako kakalma?!" Ramdam na ramdam ko talaga ang galit nya dahil hindi naman ganito ang pag kakakilala ko sa kanya, ni hindi nga nya magawang maka pagsalita ng maayos kapag kaharap nya si Demtri rati.

"Bruha ka! Alam mo ba kung pano kami nakipag-patintero sa mga sasakyan kanina mahabol ka lang?!" Napa lingon ako sa ginigisa nya ngayon. Kaya naman pala halos lumuwa na ang mga mata ni Sabel sa kakasigaw eh wala parin syang nakukuhang sagot dahil hindi lang naman naka tingin sa kanya ang pinag sasabihan nya. Naka tingin lang ito sa bintana na para bang iyon ang pinaka importanteng bagay sa buong kalawakan.

"Hoy! Naira! Nakikinig ka ba—"

"I told you to stop calling me names! My name is Rynaira Dalore. And could you please shut your mouth?" Bakas ang iritasyon sa kanyang boses. Halos mapa palakpak pa ako sa paraan ng kanyang pag sasalita, eleganteng elegante ang dating nya.

"Lintik! Ayan na naman tayo!" Napa hilot si Sabel sa kanyang sintido. Bigla syang nag walk out at nag punta sa kusina. Nagpalipat lipat naman ng tingin si Demtri pero sa huli ay napa upo nalang ito sa sofa. Mukang pinili nyang bantayan ang babaeng kamukha ko.

Akala ko kanina ay nakikita nya ko pero mukang akala ko lang 'yun dahil parang hangin lang naman ako sa kanya uli. Bigla ko namang naalala ang sinabi nya kanina. Rynaira Dalore? Kung ganon ay sya ang tunay na Rynaira Dalore. At unti unti ko naring napag tatagpi ang katotohanan. Na napunta sya sa mundo ko habang napunta naman ako sa mundo nya.

"Naira. Pag pasensyahan mo na sana si Ysabelle. Nag aalala lang sya sa 'yo." Ani ni Demtri. Tinaasan naman sya ng kilay ng babae at inismiran.

"She's worried? Just admit it! I know that you're plotting something behind my back!" Napa pitlag ako sa gulat nang bigla syang sumigaw. Napa yukom sya ng kamao at biglang nag marsta paalis sa sala.

"Hindi ko talaga alam kung sya pa ba talaga ang best friend ko." Napa lingon ako sa kararating lang na si Sabel at bakas na bakas sa mukha nya ang pag aalala. Gusto ko sana syang tapikin para i-comfort pero nakakapang hinayang lang dahil alam kong tatagos lang ako.

"Ang laki talaga ng pinag bago nya mag mula nang magising sya." Magising?

"Hindi ko talaga alam kung anong nang yayari sa kanya. Hindi ako naniniwala sa mga paranormal pero—iba talaga ngayon!" Dagdag pa nya. Maski ako ay hindi rin maka paniwala at kapag ako ang nasa sitwasyon nya ay aakalain ko rin na na-nunu o di kaya ay nasaniban sya.

"Demtri, siguro ka bang walang naninirahang ligaw na kaluluwa sa inyo—I mean noong nag punta kami sa bahay nyo may nararamdaman na talaga 'kong kakaiba." Napa sang ayon naman ako sa sinabi ni Sabel!

"Kakaiba talaga! At mas lalo pang tatayo at mawiwindang ang bangs mo kapag nalaman mo na katabi mo lang naman ang kaluluwa ng best friend mo." Dagdag ko pa.

"Actually. May nararamdaman ding akong kakaiba, kaya nga minsan lang akong umuwi ro'n." Gusto ko sanang pag gugulpihin sa inis dahil isa lang naman sya sa mga dahilan kung bakit ako napunta sa alanganin at hindi maipaliwanag na sitwasyon kaso kapag tumutingin ako sa kanya ay biglang humuhupa ang inis ko.

"Jusko! Ano ba talaga ang nang yayari kay Naira!" Problemadong saad ni Sabel. Hindi ko tuloy mapigilang hindi mapa luha dahil sa pag aalala ni Sabel. Naalala ko tuloy ang babaeng kamukha nya. Talagang alter sya ni Sabel dahil kahit na loka-loka 'to ay hindi naman mapapantayan ang kabaitan nito kahit na may-sa bano ang isang 'to.

REFLECTION |COMPLETED|✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon