CHAPTER 25

386 22 0
                                    

    NAPA BUNTONG HININGA AKO HABANG naka titig sa dokumentong hawak ko. Napa tingin uli ako sa naka sulat sa pinaka ibabaw.

CLYDEL DENTRIUS DALORE DEVIOUS

Hanggang ngayon ay hindi parin ako maka paniwala na ibinigay ni Demtri ang apilyido nya kay Clydel at dinagdagan pa nya 'to ng pangalan. Maski ako ay wala ring ideya kung ano ang nasa utak nya. Sa pag kakatanda ko naman kasi ay 'medyo' mainit ang dugo nya sa bata. Ewan ko lang kung ano na namang espirito ang sumanib sa kanya.

"The Grand Duke processed that paper himself." Napa lingon ako kay Butler Furge dahil sa sinabi nya. Binigyan ko sya ng hindi maka paniwalang tingin.

"Weh?" Dahil narin nakakapagduda ang sinabi nya kaya hindi ko tuloy magawang maniwala sa kanya. Nakakapag duda naman kasi.

"It's true, that's actually the reason why he's been busy in this past few days." Dagdag nya. Bigla tuloy akong napa isip kung bakit naman nya gagawin ang bagay na 'yon. At ano naman kaya nag makukuha nya ro'n. Kilalang kilala at kabisadong kabisado ko ang bituka ng Demtri na 'yon! At alam kong may binabalak sya.

"Lady Rynaira, the Grand Duke has a very complicated life since he was born. I hope that you can chance him into a better person someday." Makahulugang saad nya at agad na umalis.

Naiwan naman akong magkasalubong ang kilay dahil sa sinabi nya. Pero bigla ko uling naalala ang sinabi ni Butler Furge. Sa totoo lang ay malapit na talaga akong maniwala sa hinala ko na may bipolar disorder ang matandang iyon.

Pero ang pinaka na-oobserbahan ko sa kanya ay para bang sobra sobra ang pag aalala nya kay Demtri. Pero habang naka tingin ako sa dokumentong hawal hawak ko ay hindi ko mapigilang hindi mapa isip.

"B-Baka hindi naman talaga sya gano'n ka sama. Baka nga tama si Butler Furge. Baka may posibilidad pa syang mag bago. Baka nga maging kasang-kapan pa 'ko para mabago sya."

    "BUTLER FURGE, nakita mo ba si Clydel?" Nag aalalang tanong ko nang maka salubong ko sya. Kanina pa talaga ako natataranta at hindi mapa lagay. Pag-kagising ko lang naman kanina ay hindi ko na mahagilap ang batang iyon. Saan ba naman kasi nag gala ang isang iyon?!

"Actually he's with the Grand Duke." Halos mahulog na ang panga ko sa pagkabigla.

"W-What?!" Bulalas ko. T-Teka—m-magkasama sila?!

"N-Nasa'n sila?!" Lintik! Hindi ko rin alam kung bakit hindi pa rin humuhupa ang pagkataranta ko. Potaena! Bakit naman kaya sila magkasama?! Tyaka baka kung ano na ang ginawa ng hinayupak na 'yon sa bulilit na si Clydel.

Itinuro naman ni Butler Furge ang likuran ko at napa lingon kaagad ako sa likuran ko at nakita ko ang pasilyo papunta sa dungeon. D-Dungeon?!

"Dungeon?! Nasa dungeon sila?!" Mas lalo akong nataranta dahil sa namumuong kon-klusyon sa isipan ko. P-pano kapag—

"That's not what I mean lady Rynaira." Pag papakalma nya sa'kin. Pero hindi ko magawang kumalma!

Iginayak nya ko papunta sa dungeon. Pero bago pa man kami tuluyang maka baba sa underground ay biglang lumiko si Butler Furge at binuksan ang malaking pinto na mukang gawa sa napaka tibay na bakal.

Nang tuluyan na nyang mabuksan ang pintuan ay agad na sumalubong sa 'kin ang nakakasilaw na liwanag. Santa maria! Para naman ata kaming tatawid nito sa kabilang buhay dahil sa sobrang liwanag!

Napa kurap ako ng ilang beses. Hindi naman kasi sanay ang mga mata ko sa sobrang liwanag dahil mukang nasasanay na ko sa mga dim lights dahil sa ilang araw—linggo—baka nga buwan nang pananatili ko rito.

Nang tuluyan nang makapag adjust ang paningin ko sa liwanag ay agad na sumalubong sa 'kin ang mga iba't ibang uri ng sandata na naka sabit sa dingding. At halos masilaw pa ko sa kintab ng mga 'yon. Inilibot ko pa ang paningin ko sa paligid at agad na napa hinto ang paningin ko sa dalawang taong may hawak na sandata.

REFLECTION |COMPLETED|✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon