CHAPTER 26

347 20 0
                                    

    NAPA TIGAGAL AKO dahil sa nagjng reaksyon nya. Nanlilisik ang mga mata nya habang mariin na naka tingin sa 'kin.

"D-Demtri."  Nauutal na saad ko. Pero bigla akong napa sigaw nang tabigin nya ang cake na hawak hawak ko.

"Clean this mess." Malamig na saad nya at tinalikuran ako.

Habang tinatanaw ko ang kanyang papaalis na bulto ay naramdaman ko nalang ang pag patak ng mga luha ko. Hindi ko rin alam kung bakit ako naiiyak ng ganito. Hindi naman ako ganito kadaling umiyak pero bakit hindi ko maawat ang mga luha kong nag uunahan sa pag tulo. Ramdam na ramadam ko rin ang pag sikip ng dibdib ko na para bang tinutusok ng karayom ang puso ko. Pero nakakatawa lang na imbis na intindihin ko ang nararamdaman ko ay mas napapaisip pa 'ko kung bakit ganoon nalang ang baging reaksyon nya kanina.

Napa ngiti nalang ako ng mapakla. Bakit ko nga ba nakalimutan. Hindi nga pala sya ang Demtring nakilala ko, hindi sya ang Demtring hinahangaan ko, at mas lalong hindi sya ang Demtring minahal ko. Alter lang sya Naira, kaya hindi ka dapat maka ramdam ng ganito sa kanya.

THIRD PERSON'S POV

    AGAD NA NAPA takbo papalapit kay Naira ang batang si Clydel nang makita nya ang ginawa ng Grand Duke sa kanyang kinikilalang ina. Agad nya itong niyakap nang tuluyan na syang maka lapit pero para bang hindi 'yon naramdaman ni Rynaira.

"Mama, are you okay?".nag aalalang tanong ni Clydel. Pero mukang hindi sya narinig nito. Napa kunot naman ang noo ng paslit nang makita ang basang pisngi ng dalaga.

"He made you cry." He mumbled. I really hate him! He made my mama cry!

    "DID YOU ALREADY clean that mess?" Agad na tanong ni Demtri nang marinig nya ang pag bukas ng pintuan ng kanyang opisina.

Hindi na sya nagabalang mag angat ng tingin dahil alam naman nya na ang kanyang personal maid lang ang may kakayahang pumasok sa kanyang opisina na hindi man lang kumakatok. Bigla tuloy sumagi sa isipan nya ang pangyayari kanina. Talaga ngang nakakapagduda at pano naman kaya nalaman ng magaling na personal maid nya ang tungkol sa bagay na 'yon, maski nga ang kanyang personal butler na si Butler Furge ay hindi alam kung kailan sya pinanganak, kaya surely, may tinatago nga ang kanyang personal maid at iyon ang bagay na kailangan nyang malaman.

Hinintay nya ang pag bati sa kanya ng dalaga pero napa kunot ang noo nya nang marinig nya ang yabag na mahina. Para bang bata ang nag lalakad. Agad syang napa angat ng tingin at sumalubong sa kanya ang masamang tingin ni Clydel. Napa taas naman ang kilay nya.

"Brat what are you doing here?" Agad na tanong ni Demtri. Pero hindi sya naka tanggap ng sagot mula rito at sa halip ay nag lakad ito papalapit sa direksyon nya at napa awang ang bibig nya nang bigla nitong sinipa ang kanyang paa at pinag susuntok nito ang kanyang mga binti gamit ang kanyang maliliit na mga kamao.

"I hate you! You're a monster!" Mas binilisan at nilakasan pa nito ang pag suntok kay Demtri. Nag salubong naman ang makakapal na kilay ni Demtri dahil mukang talagang malalim ang galit ng isang 'to sa kanya. At kahit naman hindi nya aminin ay nakararamdam parin sya ng kaunting sakit dahil sa ginagawa ng paslit sa paa nya. Agad syang naka ramdam ng iritasyon at biglang inilayo si Clydel upang mapigil ito sa pambubugbog sa kanya.

Gusto nya mang pag buhatan ito ng kamay pero alam naman nya na hindi rin nya kakayanin ang mga sermong makukuha nya kay Rynaira. Kaya naman kapag nakikita nya ang batang 'to ay talagang palaging nasusubok ang kanyang pasensya rito.

"Brat! What the hell is your problem this time?!" Inis na saad nya. Hindi na rin sya naka pag timpi ay nagawa na nyang sigawan ito.

Mas lalo namang tumalim ang tingin sa kanya ni Clydel at dahil hindi nya magawang maka lapit sa Grand Duke kaya dinampit nalang nya kung ako ang kanyang madadampot at binato sa direksyon ni Demtri.

REFLECTION |COMPLETED|✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon