"ARE YOU SERIOUSLY TESTING my patience? Or you're just really stupid?" Iritadong saad ng katabi ko. Pinag patuloy ko naman ang pag lalaro sa mga daliri ko na para bang 'yon ang pinaka importanteng bagay sa mundo.
"I know that you're aware that Morfer is one of my greatest enemy! And yet you convinced Duke Dalore to propose and engagement to them?! Are you really out of your stupid mind?!" Puno ng galit na sigaw nya. Napa pitlag naman ako sa gulat dahil sa ginawa nya. Inaano ko ba 'to?
Sa totoo lang wala naman akong kaalam alam sa pinag sasasabi nya. Nagulat na nga lang ako nang sumulpot sya bigla sa chikahan namin ng mga noble ladies. At nagulat nalang din ako nang tawagin nya 'ko kanina. Nag muka tuloy akong tanga na basta nalang sumunod sa kanya. Hindi naman kasi ako na-inform na sya pala ang kapatid ko. Kaya imbis na sumagot sagot sa mga sermon nya na di ko naman maintindihan ang pinag dada-dada ay pinili ko nalang na tahimik na mag luksa. Tangina! Ang gwapo nya tapos kapatid ko sya?! Katarungan para kay Rynaira Carpio!
"Stop acting like a brat and grow up!" At mas lumakas pa nga ang speaker sa lalamunan nya. Hinayaan ko lang sya na mag sermon pero napa daing nalang ako nang hawakan nya ng mahigpit ang braso ko kaya napa lingon ako at sumalubong sakin ang galit na muka ng kuya ni Rynaira.
"B-brother—"
"I'm not your brother bitch! Listen! Convince the duke to cancel your engagement right after we arrived to the mansion!" Sigaw nya sa mismong harapan ko. Napa pikit naman ako dahil sa lakas ng boses nya. Hindi ko na tuloy napigilan na sagutin nya.
"Hoy! Alam kong galit ka! Pero pag galit, galit lang! Walang pigaan ng braso!" Inis kong saad. Akala nya ata sya lang ang marunong sumigaw. Wala na! Turn off na ko sa kanya.
"What—"
"Watawat!" Pambabara ko sa kanya at hindi na pinatapos ang kanyang sasabihin at pwersahan kong kinuha mula sa pagkakahawak nya ng mahigpit ang braso ko. Tinaasan ko naman sya ng kilay nang bigyan nya ako ng nag tatakang tingin na para bang isa akong alien na napadpad sa mundo nila.
Nang maka bawi sya ay inismiran nya ako at inirapan. Aba! Attitude 'to!
Namayani muli ang katahimikan sa paligid ngunit ramdam ko parin ang masamang tingin sa pinupungkol sa'kin ng katabi ko. Ka-lalaking tao napaka ma-attitude! Bakla ba 'to?
Nag bunyi ang kalooban ko nang maka rating kami sa gate ng mansyon. Agad naman kaming pinag buksan ng dalawang knight. Hindi parin kami bumaba dahil ilang metro pa ang lawak ng bakuran ng Dalore mansion kaya sa may tapat ng main door huminto ang carriage.
Naunang bumaba si Dolphin—Delfin pala. At ang ungas ay nag tuloy tuloy lang sa pag lalakad at hindi man lang ako inalalayan na maka baba.
"Ang pangit mong ka-bonding." Inis ko bulong ko habang bumababa sa carriage. Huli na nang mapansin ko na naka lahad pala ang kamay ng Coachman. Mukang dahil sa ka-bad tripan ko ay hindi ko na napansin.
Pero bago pa man ako maka pasok sa mansion ay napa taas ang kilay ko ng harangan ako ni Delfin.
"I know what's your plotting bitch." Puno ng disgustong saad nya bago umalis sa harapan ko. Napa irap ako sa ka-maldituhan nya. Mukang hindi talaga ata maganda ang relasyon nila ni Rynaira. Mukang kailangan ko syang iwasan bukas palang ng umaga kung ayaw kong maka pag almusal ng sama ng loob.
NAGISING AKO na mabigat ang pakiramdam. Ramdam ko rin ang bigat ng katawan ko. Parang lalagnatin din ako dahil sa sakit ng ulo ko at para bang lahat ng nakikita ko ay umiikot. At mukang hindi ko rin kayang bumangon.
"Merilla." Pag tawag ko sa personal maid ko. Masakit ang lalamunan ko at paos din ako kaya maliit ang boses ko kaya hindi ako sigurado kung narinig ba nya 'ko.
BINABASA MO ANG
REFLECTION |COMPLETED|✓
FantasyDEVIOUS DOULOGY I "My eyes glimmer as I look into that mysterious mirror. But as soon as I looked at my reflection my eyes widened in shock." Because of a mysterious antic mirror. Rynaira's world suddenly turned upside down when she was suddenly bro...