PROLOGUE

118 10 0
                                    

ILANG araw na lang at magsisimula na ulit ang klase. Kinakailangan ko na ulit bumalik sa Superno para tapusin ang natitirang dalawang taon ko sa kolehiyo.

Matapos isara ang zipper ng huli kong maleta ay sumulyap ako sa salamin sa di kalayuan. Ilang araw na din ang lumipas mula nang natanggal ang selyo ng aking nakaraan. Kasabay ay ang pagbalik ng lahat ng aking abilities na ilang buwan din na natulog. Isang tanong pa din ang paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko.

Ano ang susunod?

Wala pa din alam si Papa sa nangyari sa akin. Although alam kong nagtataka sya sa kakaibang kilos ko mula nang umuwi ako sa mansion ngunit alam kong pinili na lang nyang sarilinin ang mga katanungan.

Marahang naglakad ako palapit sa salamin. I can no longer see the old me. Zed or not, I can feel that I am now facing a different reflection. My eyes are sharp and I can't even smile.

Hinaplos ko ang may kahabaan kong buhok. Kahapon ay may napansin akong kakaiba sa akin. Itinaas ko ang buhok ko sa may parteng batok. May ilang hibla doon na kulay pilak. Bagaman hindi mahahalata dahil natatakpan, hindi pa din mawala ang pag-aalala ko na baka mas kumalat pa iyon.

Sunod naman ay itinaas ko ang suot kong t-shirt. Hinaplos ko naman ang aking dibdib. Mula sa repleksyon ay nakita ko ang ilang itim na ugat na nagsisimulang kumalat din.

What's going on with me?

Naputol ang pag-iisip ko nang may mahihinang katok ang aking narinig. "Sir, nasa labas na po ang sasakyan na maghahatid aa inyo."

Isa pa muling sulyap ang ginawa ko. Mabilis na isinuot ko ang aking hikaw at salamin saka bitbit ang dalawang maleta na naglakad palabas.

"Didiretso na po ba tayo sa academy?" tanong ng driver.

"Dumaan muna tayo sa Haseh," tukoy ko sa isang liblib na lugar na balitang pinamumugaran ng mga demon at witches.

"M-masusunod po," bakas sa boses nya ang nerbyos.
    
    
    
    
   
    
    
    
    
    
    
   
    
    
    
    
    
    
   
    
    
    
    
    
    
   
    
    
    
    
    
    
   
    
    
    
    
    
    
   
    
  

    
***

NAKANGISING inabot sa akin ng babaeng may naninilaw na ngipin ang isang libro at isang botelya na naglalaman ng itim na likido.

"Sundin mo lang ang mga sinabi ko sa'yo," aniya. "At walang ibang mangyayari sa'yo."

Walang imik na isinilid ko naman iyon sa aking backpack. "Ano ang kabayaran?"

Mas lumapad ang kanyang ngisi. "Simple lang, tatlong patak ng iyong dugo."

Walang pagdadalawang isip na kinagat ko ang aking hintuturo saka iyon pinadugo. Tatawa-tawa pa din ang babae habang iniaabot sa akin ang isang maliit na tube.

Doon ay pinatak ko ang aking dugo. "Nakakapagtaka naman at dugo ang gusto mo, hindi ka naman bampira."

"Ang dugo mo ay isa sa makapangyarihang dugo bukod sa devil king."

Nagkibit balikat na lang ako saka lumabas ng kanyang kubo. Paglabas ko ay ang mga grupo ng kakaibang nilalang ang aking nakita. Iyong tipong sa palabas lang makikita.

Hindi ko alam kung paano ko nalaman ang lugar na ito, marahil ay mula sa alaala ko noong bata pa ako. Marahil ay nagawi na din ako dito noong tumatakbo ako palayo sa mga tauhan ng light vatican.

Napatingala naman ako sa kabundukan na nasa di kalayuan. I was curious at the small shrine standing on it.

"Aalis na ba tayo sir?" untag sa akin ng driver.

Isa pang sulyap ang ginawa ko aa naturang bundok saka sumakay sa kotse.
  
  
Ipagpapatuloy...

Superno Academy: Wolf in Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon