02.

61 8 0
                                    

MADILIM pa ang kalangitan nang magising ako. It's already 5 in the morning when I looked at my phone's screen. Sinulyapan ko ang bago kong roommate na bahagyang nasisinagan ng malamlam na lamp shade. He's still sleeping soundly.

Marahan akong tumayo para kunin ang backpack ko na nasa cabinet. I walk silently, trying notto wake him up. Nang makuha ang kailangan ay agad akong nagtungo sa banyo. Ni-lock ko din iyon.

"Okay," huminga pa ako ng malalim bago ko itinaas ang suot kong shirt. Sinipat ko ang maiitim na ugat na naroon kung may pinagbago ba.

"Mabuti naman," I feel relieved. Binuksan ko na lang ang backpack at kinuha doon ang maliit na botelya.

"Ipahid mo lang ang nilalaman nyan isang beses sa isang araw," nakangising saad ng babae. "Pipigilan nyan ang pagkalat ng itim na ugat-"

"Pagkalat?" putol ko. "Ano ba ito?"

Nawala naman ang ngisi nya. "Nababasa ko lang ang tungkol dyan sa nasa dibdib mo. Ngunit ayon sa nabasa ko, maaaring kumalat iyan sa buo mong katawan."

Nakaramdam ako ng kaba. "Hindi mo ba alam kung ano ito?! Hindi ba at witch ka? Dapat ay alam mo ang bagay na ito!"

"Hijo, matagal na akong hindi nakakasalamuha ng shadow rank. Basahin mo na lang ang libro na ibinigay ko sa'yo. kung may tanong ka man, ang nakasulat doon ang tanging makakasagot."

Sinulyapan ko naman ang libro.

"Sino'ng nakakaalam?" muli ay ngumisi sya. "Baka higit pa sa gusto mo ang malaman mo."

Ilang segundo na tinitigan ko muna ang botelya saka iyon binuksan. Inaasahan kong may masamang amoy ang likido mula doon ngunit wala itong amoy. Naglagay ako ng kaunti sa palad saka ipinahid iyon sa aking dibdib.

"Ugh!" kaagad akong napahawak sa sink. Bigla ang pagsigid ng kirot sa parteng iyon. Napaupo ako sa sahig habang nakangiwing sapo ang aking dibdib.

"Shit..." maging ang paghinga ko ay mabilis. Ano itong nangyayari sa akin? Did that witch just scammed me?!

Pinilit kong tumayo saka muling sumulyap sa salamin. Nahihirapan man ay itinaas ko muli ang aking tshirt. Sa pagkagulat ko ay kamuntikan na akong mapaurong. My skin is absorbing the black liquid!

Minutes passed, unti-unting humupa ang sakit doon. Wala na din bakas ng likido sa aking balat. Mababakas pa din ang mga ugat ngunit mas maputla na iyon kumpara kanina.

Napabuga na lang ako ng hangin saka mabilis na naghilamos. Ibinalik ko na din sa backpack ang maliit na botelya. Naagaw naman ng itim na libro ang pansin ko.

"Lahat ng katanungan ko ay masasagot nito," bulong ko saka binuklat buklat iyon. "Anak ng tinapa! Bakit Latin ang nakasulat dito?!"

Kamuntikan ko nang maibato iyon. Paano ko mababasa ang bagay na iyon?! Nabibwisit na ibinalik ko na lang iyon sa bag saka lumabas.










































***

SUBO ang isang lollipop nang mapagdesisyonan kong maglakad-lakad sa campus. Ang sabi ni Sky, sa west side na ng campus ang magiging room namin. I've never been there that's why I decided to familiarize myself. Bahagya pa akong napangiti nang mapansin kong habang palapit ako sa naturang gusali ay kumokonti na ang mga gifted.

A place dedicated for mortals to study. Siguro naman ay matatapos ko ang nalalabi kong taon dito nang mapayapa. No more gifted who will bully me, no more hierarchy... at least for couple of hours. Muntik ko nang malimutan na iisa pa din ang lugar kung saan kami kumakain at sa dorm pa din ako ng mga gifted umuuwi.

Superno Academy: Wolf in Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon