12.

53 8 0
                                    

Xavier's POV

TAHIMIK na pinagmasdan ko si Ava habang paulit-ulit na nagpapakawala ng atake. She's surely training hard nowadays.

For unknown reason, she called me this morning para samahan ko sya sa training ground. Dahil weekend naman at wala akong gagawin ay sumama na lang ako. Akala ko ay makakapagsanay din ako pero nang makita si Ava na walang habas na magpakawala ng atake sa target ay naupo na lang ako.

Hindi man kami palaging nag-uusap ni Ava ay alam ko kapag ganito na ang kinikilos nya. May malalim syang iniisip.

Napabuntong hininga na lang ako. "Hoy!" sigaw ko na nagpatigil naman sa kanya.

Hinihingal na humarap naman sya sa akin. Tumayo ako sa pakakaupo saka naglakad papunta sa kinatatayuan nya.

"Bakit ba ako ang napili mong isama dito? Alam kong may problema ka, pero sana si Amelia na lang ang isinama mo."

"I just want to vent out my frustrations," mababa ang boses na sagot nya.

"I see. At dahil tahimik akong tao, alam mong safe sa akin ang anumang sasabihin mo, tama ba?"

Tumango naman sya. Nagkibit balikat naman ako saka minasdan ang mga target dummies sa di kalayuan. Nababalutan na iyon ng yelo.

"It's fascinating to see that you already reached the high tier," kumento ko.

"Nakausap ko si Zed."

My body froze.

"I..." tila nagdadalawang isip pa nyang saad. "I tried to ask him why he did those horrible things to you and Xavier."

"Let me guess, wala kang nakuhang matinong sagot?"

"Oo."

"Yumabang na sya masyado," nagbabaga kong wika. "I swear, balang araw ay makakabawi ako sa kanya."

"Iyon lang ba ang gusto nyong gawin?!"

Natigilan ako sa pagsigaw ni Ava. I looked at her in disbelief. Di yata't kaibigan pa din ang turing nya sa huwad na iyon?

"Gaganti ka, tapos gaganti din sya. Kailan matatapos ang alitan nyong lahat!"

Shit. Mukhang galit si Ava.

I cleared my throat and took a step backward. "I'm just saying."

"Hindi ko maintindihan Xavier kung bakit nya nagawa iyon kay Dylan. Gusto kong maintindihan! Lahat kayo ay tila naglilihim sa akin!"

Double shit. Nasa lugar ba ako para sabihin sa kanya ang nangyari?

"Uhm Ava," panimula ko. "I don't know if I have the right to tell you this-"

"Sinasabi ko na nga ba! May alam ka din!"

"Teka bakit ka sa akin nagagalit? Ang tanging nagawa ko lang naman ay ang iganti si Dylan!"

"Dylan! Si Dylan," she hissed. "Sya ang unang inatake ni Zed. Ano na namang kalokohan ang ginawa ng kaibigan mong iyon!"

Muli ay napaurong ako. I've known Ava for years. Typically, she is a person with cold personality. She's like the female version of me na bihira magsalita. But of course, just like me, whenever someone triggered me, nagwawala din ako.

"Okay," pagsuko ko. "Calvin was the person behind this mess."

"Si Calvin?"

"Yes."

Superno Academy: Wolf in Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon