10.

52 8 0
                                    

Randolph's POV

PABAGSAK na ibinaba ko ang report na dinala sa akin ng isa sa mga tauhan ko. According to the report, nabawasan ang pagkawala ng mga low ranks gifted sa iba't ibang parte ng South Alegria. Hindi ko naman maiwasang mapaisip at kabahan.

"Commander," I saw Zara entered the room. "Have you seen the report we've conducted for the past weeks?"

"Yes."

"Any comments?"

Huminga ako ng malalim saka nagtungo sa bintana para tumanaw sa papalubog na araw. "I can't help but feel uneasy with what's happening."

"Just what I'm expecting. Malakas ang kutob ko na may ibang plano na ngayon ang Black Council."

"Iyon din ang iniisip ko," I answered. Is this the calm before the storm? Napailing ako saka humarap sa kanya.

"I receive another report from one of our people assigned on the west part of Alegria. There is a wierd event happening there."

"I also saw the report Commander," she said. "Hindi normal na sa isang lugar maglungga ang iba't ibang klase ng halimaw. Gusto kong isipin na nasa ilalim na din sila ng kontrol ng konseho."

"I doubt that," kontra ko. "Black council is powerful, yes. But there is no way for them to have this kind of control. Not unless.." sinadya kong putulin ang mga katagang iyon saka mataman na tinitigan si Zara.

Nanatili namang blangko ang kanyang ekspresyon. Muli ay napailing ako. "Just send a memo to our soldiers out there and tell them to withdraw from their post."

"C-commander! Bakit mo paalisin ang mga sundalo na naroon?! Hindi ba at lalong mas makakapaminsala ang mga halimaw na naroon!"

"I'm afraid that that place is no longer under our protection," I walk toward my secret vault.

"Hindi ko maintindihan Commander."

"Here," iniabot ko sa kanya ang isang puting envelope na kinuha ko pa mula sa vault.

Nakita ko naman ang pagbakas ng gulat sa mukha nya nang makita ang logo na nasa harapan ng folder. "I-ito ang..."

"Yes, they already stepped in and I'm sure that even the Light Vatican will not interfer with their business."

Hindi pa din mawala sa mukha ni Zara ang pagkagulat habang nakatitig sa folder. Naiintindihan ko naman sya. We barely hear any news from them as they are the type of people who stay quiet. But since they sent us an order to leave that place to them, we'll have no power to oppose.

"The Church of Justice is already stepping on it. Kung may crisis ang mage world, siguradong nagkakaroon na din ng problema ang bansa nila."

"Pero Commander, ang lugar na iyon ay parte pa din ng South Alegria! Kalapit na bansa lang sila, who are them to interfer with our nation's business?!"

I get her point. But there's nothing we can do. Sigurado akong nagkaroon na din ng usapan sa pagitan ng dalawang bansa tungkol sa bagay na iyon. All we need to do is follow the order.

"I have an assignment for you," pag-iiba ko ng usapan. "Investigate Muhan and the cities next to it. I want you to find more clues about the Black Council. We need to find their hideouts as soon as possible to prevent a bigger problem."

"Masusunod Commander."

Muli ay napatanaw ako sa bintana. Hindi ko alam kung matutuwa ako o matatakot dahil sa panahon ko pa nangyayari ito. I've been to several meetings with Ministry of Mages and some Light Vatican representative, and as per the talk we had, they are currently on edge since the Black Council starts to make their move.

I just feel terrified knowing that sooner or later, a war between two powerful forces might ignite. A war that can cost thousands of lives. For the last time, I shook my head and dismiss that thoughts.
    
     
    
    
    
    
    
     
    
    
    
    
    
     
    
    
    
    
    
     
    
    
    
    
    
     
    
    
    
    
    
     
    
    
    
    
    
     
    
    
    
    

***

Zed's POV

MALAKAS na humihip ang hangin dahilan para lumikha ng mahinang ingay ang mga sanga ng naglalakihang puno. Ava is just standing six feet away from me with a serious face.

Nang sinabi nyang kailangan naming mag-usap ay dito kami dumiretso sa lugar kung saan naganap ang laban sa pagitan namin ni Xavier. The place was still a mess, may mga bakas pa din ng pangyayari.

Hindi ko alam kung bakit dito nya ako dinala. But knowing na dito kami naglaban ni Xavier, I am pretty sure that this is also a safe place to talk.

Naupo naman ako sa damuhan. "Ang sabi mo ay mag-uusap tayo. Magtititigan na lang ba tayo hanggang gabi?"

Hindi sya umimik, bagkus ay naupo din sya.

Pinakiramdaman ko naman ang paligid. Mahirap na, baka may kasama pa syang iba.

"Kung iniisip mo na dinala kita dito para i-ambush, nagkakamali ka." aniya na tila nabasa ang nasa isip ko.

Ngumisi naman ako. "Hindi mo ako masisisi, after all iyon ang ginawa sa akin ni Xavier at maging si Calvin ay nagbalak na din." Naalala ko ang araw na sinundan ako ni Calvin sa North Alegria. I know he's there because he's planning something against me.

"Si Calvin?!" bakas naman sa mukha nya ang pagkagulat.

Natawa naman ako. "Ava, ava. Hindi mo alam? Hanggang ngayon ay wala ka pa din alam?"

Nakita ko naman ang pagkunot ng kamao nya.

"Cut the sarcasm Zed! Hindi ganyan ang pagkakakilala ko sa'yo!"

Natigilan naman ako sa sinabi nya. Maging ang ngisi ko ay nabura.

"I am here to clarify things with you! Alam kong alam mo na mali pa din ang ginawa mo, pero naniniwala ako na hindi mo iyon ginusto!"

Napayuko naman ako. Ayaw ko man ay biglang bumalik sa alaala ko lahat ng sinapit ko sa mga gifted na narito. Maging ang pag-ambush ni Xavier at ang pagalam nina Dylan at Calvin sa nakaraan ko.

"Zed," her voice is full of emotions. "Nang sinabi ko sa'yo na gusto kitang maging kaibigan, bukal iyon sa kalooban ko. So please, help me understand. Ano'ng nangyari?"

"Wala ka talagang alam?" mahina kong saad.

"Wala! Bukod sa lihim mong isa kang gifted, wala na! Ano ba ang nangyari ng araw na iyon!"

Napangiti naman ako ng mapait. "Huh," naiiling na tumayo ako saka humarap sa kanya.

A pain strike my chest when I saw some tears on her eyes. Totoo ba ito? The queen is shedding her tears on me?

Iniiwas ko ang mata ko sa kanya. "Hindi na mahalaga kung ano ang nangyari noon. Wala din namang magbabago kahit malaman mo. But one thing's for sure, sooner or later I will settle the score between me and Calvin. And who knows," muli ay ngumisi ako sa kanya. "I might dethrone him and be your new king, Queen Ava."

Her mouth opened. Hindi ko na hinintay na magsalita pa sya. Mabilis na tumalon ako sa sanga ng malaking puno at iniwan sya.
  
   
Ipagpapatuloy...

Superno Academy: Wolf in Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon