Xavier's POV
MULA sa kinatatayuan ko ay nakita ko kung paano bumaba sa mga sasakyan ang ilang kalalakihang nakasuot ng itim. Head master's informed us that there will be a transfer student from Silver Crest Academy and we need to assist this newcomer.
Hindi ko naman maintindihan kung bakit kailangan pa naming gawin iyon. Lahat naman ng transfer dito sa Superno ay hindi namin binigyan ng special treatment.
Pero ngayon ay mukhanh naiintindihan ko na. Madaming bodyguards ang narito at siguradong bigatin ang bagong estudyante mula sa prestihyosong Silver Crest Academy.
"Any idea?" bulong ko kay Calvin na nakatayo din sa gilid ko.
"Nope."
Naghintay kami ng sunod na mangyayari. The men in black then lined up na tila presidente ang darating. Then I saw a black limousine stopped in front of us.
Isang may edad na babae ang unang bumaba kasama ang dalawang babae na tila assistant din. Marahan nilang binuksan ang pintuan ng naturang sasakyan.
Tumayo ako ng tuwid. I wonder who this person is.
Tila naman bumagal ang ikot ng mundo ng makita ko ang napakagandang babae na bumaba ng sasakyan. She got a white long hair and a very elegelant outfit.
"White mage," bulong ni Calvin.
Iyon ang kagandahan sa rank ni Calvin. He can feel the aura of a gifted by just looking.
"Ang ganda nya," wala sa sariling naibulong ko.
"Yes," sang-ayon naman nya.
Woah! This is the first time Calvin complimented a girl. Napalingon muli ako sa kanya. I saw an unknown emotion in his eyes. Maging ang labi nya ay bahagyang nakaawang.
"Thank you," isang malamyos na boses ang nagpalingon sa akin.
Damn! Even her voice is so angelic!
Bumilis ang tibok ng puso ko nang naglakad sya palapit sa pwesto namin ni Calvin. Kumunot din ang noo ko nang mapansin ang kanyang mga mata.
Isang tao lang ang pumasok sa isip ko. Si Zed!
She also got an eye like Zed's. Her right eye is white while the other looks normal.
"Kayo ba ang tour guide ko ngayon?" nakangiti nyang bati sa amin.
Napatikhim naman agad ako. "O-oo, ako nga pala si Xavier, ang bishop ng academy na ito. And this is Calvin, our current king."
Mas lalong kumabog ang dibdib ko nang ngumiti ulit sya. "It is an honor to be assisted by the academy's royal members. Naalala ko tuloy ang status ko sa Silver Crest."
"Status?"
"You know, I am the previous queen of Silver Crest. My name is Luna Weiss," bahagya pa syang nag-bow. "Nice to meet you."
***
Ava's POV
HINDI ko mapigilang mapasimangot nang ipakilala sa amin ni head master ang babae sa harapan namin. She's the transfer student from the well known Silver Crest Academy who received a special treatment from us.

BINABASA MO ANG
Superno Academy: Wolf in Disguise (COMPLETED)
FantasySuperno Academy: Shadow Prince SEASON 3 Started: April 2022 Ended: September 2022