Calvin's POV
MULA sa kinauupuan ko ay matatanaw ang mga estudyante na nagsisimula nang magsidating. Today is the official opening of Superno Academy where we will welcome the freshmans and will proceed on the element grading for juniors.
"I am so excited!" bulalas naman ni Amelia na nasa hanay namin.
"Ikaw lang yata ang excited," maktol naman ni Dylan.
"Manonood din ba ang mortales?" tanong naman ni Xavier.
Dumako sa kanya ang mata ko. I know he's waiting for someone, so am I.
"There's a spot designated for mortales," si Ava ang sumagot saka itinuro ang tatlong bench na nasa kaliwang bahagi. "But they don't look interested on today's ceremony."
I know what she's saying. Mabibilang lang kasi sa kamay ang mga mortale na nakaupo doon. Well, hindi naman require sa kanila na um-attend since they will be on a different curriculum. But headmaster, as a nice head, still gave them a spot to watch.
"Hindi yata sya pupunta," bulong naman sakin ni Xavier.
Napaismid ako. "Masyado naman yatang mataas ang tingin nya sa sarili."
Ilang minuto ang lumipas at napuno na ang venue. Kapagkuwa'y tumayo ka si headmaster sa gitna ng entablado.
"Welcome back our dear students! Isa na namang taon ang ating haharapin magkakasama, sana ay mas maging maganda ang kalalabasan ng school year na ito. Lalo na sa mga bagong estudyante, we are looking forward to your growth."
Ibinaling ko na lang ang paningin ko sa mga kapwa ko estudyante. Siguradong mahaba na naman ang speech ni headmaster. Ilang pares ng mga mukha ang aking nakita nang mapansin ko ang isang pamilyar na pigura.
He's there. Standing at the very end of the crowd while his bored eyes are watching the ceremony. May subo din syang lollipop sa bibig.
"He's there!" bulong ulit ni Xavier.
"Yeah, finally showed up."
"He look... a bit different."
I can also see that. Zed Williams, tarantado ka talaga, ano naman ang palabas mo ngayon? Tila narinig naman nya ang nasa isip kong iyon dahil nagtama ang mga mata namin. Hindi din nakaligtas sa akin ang ngisi nya.
He didn't even bother to change his appearance. Kung gaano sya kabangis noong gabi na nakita ko sya, ganoon din ang hitsura nga ngayon. Although he's still wearing that stupid glass!
"Asshole," I mouthed to him.
Same to you. He mouthed back.
Naikuyom ko naman ang aking kamao na ikinatawa naman nya. Bago tumalikod ay ngumisi ulit sya sa akin. Damn that asshole!
"Calvin," ang boses ni Ava ang aking narinig.
"Why?"
Mataman naman syang tumitig. "The headmaster is calling you for your welcome speech," pagkatapos ay sumulyap naman sya sa gawi ni Zed kanina.
Huminga muna ako ng malalim bago naglakad papunta sa gitna ng entablado.
***
NANG matapos ang ceremony ay kaagad akong umalis sa pwesto ko. I immediately went to Zed's room and didn't even bother to knock. He's pissing me! Ano ba ang gusto nyang patunayan?!

BINABASA MO ANG
Superno Academy: Wolf in Disguise (COMPLETED)
FantasíaSuperno Academy: Shadow Prince SEASON 3 Started: April 2022 Ended: September 2022