Zed's POV
NAIHARANG ko pa ang aking braso sa aking mga mata nang tumalsik sa direksyon ko ang ilang tipak ng lupa at kahoy. Bahagya din akong napaubo sa makapal na usok na nilikha ng pagsabog na iyon.
Nang mawala ang makapal na usok ay nilapitan ko ang bato at puno na nagsilbing target ko. Ganoon na lang ang tuwa ko nang makita ang malaking damage doon.
"Mukhang effective ang eksperimento ko," napatingin ako sa magkabila kong kamay.
I just thought of an idea earlier. I always wanted to try it to confirm if that will work. Napangisi naman ako. Playing with my abilities and power is really surprising. Siguradong hindi pa ito nadi-discuss sa mga lower year. It's just too advanced to handle!
"Hmm," I create another whirlwind around my body. Kagaya ng nakita ko kanina, I also combined some wind blades to it. I then closed my eyes. I imagined my aura flowing out of my body. Makalipas ang ilang sandali ay nagmulat ako.
Muli ay napangisi ako nang makita na napapalibutan din ng aura ko ang wind blades na pumapalibot sa aking katawan. Although naramdaman ko na malaki ang ibinawas noon sa mana ko, hindi ko na lang iyon pinansin. I can always train to increase my mana to its limit.
Huminga ako ng malalim saka itinuon ang aking mata sa isang malaking tipak ng bato sa di kalayuan. I then raised my left hand. Mabilis na tumama sa bato ang whirlwind na nilikha ko. Lumikha din ng malalaking hiwa ang wind blades na kasama noon.
This is good!
Nilapitan ko ulit ang naging target ko. I compared it to my previous attack. Hmm. Mas malaki ang damage nito.
I mentally noted my discoveries. Mas malaki ang damage kapag mas malaking aura ang ilalagay ko. Not bad.
"Hay!" nanlalambot na napaupo ako sa damuhan. "Nakakapagod!"
Ramdam ko din ang pagtulo ng pawis sa aking mukha pababa sa leeg. Maging ang tibok ng puso ko ay mabilis din. This is the most tiring training I've ever had. Hindi katulad nang combat at weapon skills na tanging lakas ko lang ang kinukunsumo, masasabi kong mas madali akong napagod ngayon. Using both of my strength and mana made me so tired.
Tumingala naman ako sa madilim na kalangitan. Ilang oras na akong nagsasanay dito at sa tingin ko ay madaling araw na.
"Makabalik na nga," tumayo na ako saka pinagpag ang aking pantalon. May natitira pa akong oras para matulog. Kung aabusuhin ko ang katawan ko, baka sa klase na naman ako matulog.
Nang masiguro na wala ni isang bakas na maiiwan ay doon ko lang napagdesisyunan na maglakad na pabalik. I hate to say it but I'm walking back to my dorm since I already used so much energy.
Isang ingay naman ang nagpatigil sa akin. Tila may mga tuyong dahon at sanga ang nabali! Awtomatikong hinawakan ko naman ang aking hunting knife na nakasuksok lang sa aking bulsa. Pinalakas ko din ang aking pakiramdam.
I'm not alone. That I'm sure of.
Pinakiramdaman ko ang paligid. Wala naman akong maramdamang aura. Hindi kaya may naligaw ditong halimaw? Aish! Dapat kanina pa sya lumitaw para naman mas nasagad ko ang aking pag-eensayo! Hindi ngayon na halos wala na akong lakas lumaban.
Lumikha ulit ng ingay ang bagay na iyon. Mabilis na humarap ako sa kaliwang parte ko. Doon nagmumula ang ingay! Palapit ng palapit sa direksyon ko.
Inihanda ko ang aking sarili. Kung may halimaw nga na paparating sa direksyon ko, wala akong choice kundi lumaban. Its not that I can just run dahil siguradong hahabulin lang ako noon.

BINABASA MO ANG
Superno Academy: Wolf in Disguise (COMPLETED)
FantasySuperno Academy: Shadow Prince SEASON 3 Started: April 2022 Ended: September 2022