35.

40 8 0
                                    

Xavier's POV

HINDI ko man aminin ay hindi ko na talaga nagugustuhan ang naririnig ko sa paligid. Mula sa headquarter ay nagtungo ako sa susunod kong klase. It's the fourth day since this mess started. Palaging may nakakalat na basura at banner sa labas ng aming headquarters. Habang naglalakad ay ramdam ko naman ang mga mata na sumusunod sa bawat kilos ko.

I just ignored them. Like I always do. Marami kaming problema na kailangang ayusin, at iyon ang hindi alam ng mga estudyante dito. They were too focused on judging us and spreading rumors of how incapable we are. Little did they know, hindi lang bullying ang nakaatang sa balikat naman.

I felt my phone vibrate. Mula sa bulsa ay kinuha ko iyon. Dylan js calling. Huminto muna ako sa paglalakad at sinagot iyon.

"Hey," bungad ko.

"I received the report already."

"What is it?"

"May inatasan si head master na magpatrolya sa bungad ng dark forest."

"Hindi naman nawawalan ng nagbabantay sa lugar na iyon," saad ko.

That place is strictly forbidden to visit. But with the news that we received last week, mas pinalawig ni head master ang pagbabantay sa paligid ng academy. While us, we keep our eyes inside the campus to make sure everyone is safe.

"Dalawang bayan na ang sinugod ng mga rebelde," wika ni Dylan. "May paaralan din doon na napasok na at kasalukuyang natutupok ng apoy."

Napapikit na lang ako habang hinihilot ang aking sentido. Head master sent us a report about the attacks outside the academy. Ayon sa kanya, may mga bayan na sa South Alegria ang sinusugod ng mga di kilalang gifted. Naghahasik sila ng gulo at takot sa mga mamamayan.

"Sooner or later, kakalat na din sa balita ang mga nangyayari. Nahihirapan ang nakakataas kontrolin ang kaguluhang nangyayari. Lalo na ngayon, tumataas na naman ang kaso ng mga nawawalang gifted."

"Hindi maganda ito, malakas ang kutob ko na may balak silang sakupin ang buong South Alegria."

"But that is not my main concern why I called you Xavier."

Napatingin naman ako sa grupo ng mga estudyante na naglalakad patungo sa kinatatayuan ko. Nagbubulungan pa sila habang nakatingin sa akin. Naramdaman ko din ang pagbangga sa akin ng isa sa kanila. Again, I chose to ignore them.

"What?" tanong ko na lang saka naglakad ng mabagal.

"One of the patrollers reported that there is always a weird vibrations coming from the dark forest."

Naalarma naman ako. "Could it be that the monsters are already near?"

"Sa tingin ko hindi. Dahil kung mga halimaw iyon, dapat ay namataan na sila sa paligid ng campus. Pero ang sabi nila ay sa gabi lang nangyayari iyon at tumitigil sa umaga."

Napahinga na lang ako ng malalim. "I will ask some of our senior to help me check the place."

"Teka, hindi ba at delikado—"

"I already talked to head master. Inaprubahan naman nya ang plano kong magpatrolya sa loob ng dark forest kasama ang iba nating senior na nasa intermediate level na."

"Sasama ako."

"Hindi. You must stay here. Ikaw ang inaasahan namin pagdating sa mga impormasyon sa labas. Kailangan natin ng mas maraming impormasyon para mapaghandaan natin ang mga darating na kaguluhan, kung mayroon man."

Superno Academy: Wolf in Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon