Calvin's POV
"THIS place looks like hell!" wika ni Dylan habang sinisipat ang isang nayon na nadaanan namin.
When we left the academy, we went straight to North Algeria using some portal that only the headmaster could operate. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na may ganoong bagay ang nakatago sa aming school.
Nilingon ko naman si Xavier na kasalukuyan pa din sumusuka. Mukhang hindi nya nagustuhan ang paggamit namin ng portal.
"Napakalaki ng lugar na ito," humarap sa akin si Dylan. "Saan tayo magsisimulang maghanap?"
"We'll go straight to his house," sagot ko.
"Saan ba nakatira ang gagong iyon?"
"Headmaster gave Calvin Zed's address," Xavier answered. Naka-recover na yata sya sa pagkahilo.
Mabuti na lang at nagsalita si Xavier, kung hindi ay baka naibuking ko na ang sarili ko. I can't tell them that I went here last summer. Wala pa din silang alam na nakapunta na ako sa bahay nina Zed.
"Papalubog na ang araw," ibinaba ko ang malaking bag na pasan ko. "Xavier, scout the area and see if it's safe to camp here."
"Okay," aniya. He then activated his ability and duplicated himself.
Nagsimula na din si Dylan ilabas ang tent na baon nya. Inilibot ko naman ang mata ko sa paligid para humanap ng mga kahoy.
"Hindi ko akalaing magkakaroon tayo ng camping sa ganitong sitwasyon," wika ni Dylan sa kalagitnaan ng pagbuo ng tent.
"It's part of our responsibility."
"Hay, iyon ang hindi nalalaman ng mga schoolmates natin. They're too busy attacking us not knowing that there's a great responsibility on our shoulders."
Hindi ako umimik. Nagsimula na lang ako mag-ipon ng mga kahoy saka iyon inapuyan.
Tumingala ako sa kalangitan. Ilang sandali na lang at mababalot na ng kadiliman ang paligid.
"Royals..." naibulong ko sa kawalan.
Para siguro sa iba, napakasimple lang ng posisyon namin. We spent the last school year managing our academy. Little did they know, if there's a problem outside the academy, we are required to help.
Lalo na ngayon, nagsisimula na ang ikalawang digmaan sa pagitan ng Light Vatican at Black Council. The students of Superno are still unaware of it.
Ngunit sa nakalipas na tatlong araw na pagtutok ni Dylan sa nangyayari sa labas, lumalala na pala ang kaganapang iyon. The council attacked almost half of North Alegria's land. Madami na din casualties ang naiulat sa nakatataas.
This job sucks.
We're here to witness what war really is all about. And I don't know if I am prepared for that.
Sinulyapan ko si Dylan na katatapos lang magkabit ng tent. Hindi pa din siguro tuluyang nagsi-sink in sa kanya ang nangyayari. He still joke around and complains a lot.
I wonder if he can stomach what he's about to see. If the war already began, then there's a high chance that we'll meet danger sooner or later.
"Bakit nga pala hindi natin isinama sina Ava at Amelia?" narinig kong tanong ni Dylan.
"Amelia was sent to the evacuation camp together with the other healers."
"Evacuation camp?"
"Alam mo naman ang tunay na nagyayari Dylan," nauubod ang pasensya na binalingan ko sya. "Bakit ka nagbubulag-bulagan?"
Hindi naman nakaligtas sa akin ang pagkuyom ng mga kamao nya. Yumuko din sya na tila iniiwasan ang mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Superno Academy: Wolf in Disguise (COMPLETED)
خيال (فانتازيا)Superno Academy: Shadow Prince SEASON 3 Started: April 2022 Ended: September 2022