Zed's POV
MADILIM na nang nakabalik ako ng dorm. Nanlalata ang katawan na naupo ako sa kama saka ibinato sa sahig ang dala kong bag. What a day! Sunod-sunod ang mga quizzes at practice exam! Nanlulumo na napasabunot na lang ako. Paano ko ipapaliwanag kay papa ang grades ko?
"First grading pa lang pero mukhang tataob na agad ang grades ko," nanlulumo kong bulong.
Napakahirap ng sitwasyon ko. Nag-eensayo pa din ako ng palihim, at the same time ay nag-aaral. Ang hirap ibalanse ng mga ginagawa ko, sa totoo lang.
Tinatamad na nagtanggal na lang ako ng sapatos. Sunod na hinubad ko ay ang aking polo saka isinabit iyon sa hanger.
Napasulyap naman ako sa kabilang kama. Hindi pa din bumabalik si Skyler. Hmm. Kung humingi na lang kaya ako ng panibagong room mate tutal naman ay ayaw ko talaga sa lalaking iyon?
Nagkibit balikat na lang ako. Tinungo ko ang aking cabinet at mula doon ay inilabas ko ang isa ko pang bag. I then entered the bathroom.
"Now," inilabas ko mula sa bag ang maliit na botelya saka iyon ininspeksyon. "Paubos na pala. Mukhang kailangan ko nang bumili ng isa pa."
Hinubad ko na lang ang suot kong sando saka ko pinagmasdan ang aking repleksyon sa salamin. Naniningkit ang mga mata na tinitigan ko pa ang aking dibdib.
"Bakit mas lalong kumakalat ang mga ugat?!" I touched the black nerves on my chest.
Malaki na ang nasasakop noon sa aking dibdib. Halos gumapang na iyon sa buo kong dibdib pababa sa aking tiyan.
"What the hell is happening to me?" bulong ko.
Palaisipan pa din sa akin ang nangyayari sa aking katawan. Noong unang beses na dumating ako dito, maliit pa lang ang ugat na iyon. Hindi ko alam kung bakit pa din iyon kumakalat kahit nilalagyan ko naman ng likido na binili ko pa sa Haseh.
Hindi kaya napeke ako ng lintik na mangkukulam na iyon? Hay! Kung sana ay pwede kong ipa-check up ito sa infirmary. Ngunit alam kong magiging kwestyon lang ang nangyayari sa akin. Alam ko sa sarili ko na hindi ito normal.
I just let a huge sigh before grabbing the bottle in front of me. Pumaibabaw na naman ang kirot na palagi kong nararamdaman sa tuwing inilalagay ko iyon. At kagaya ng dati, nagiging maputla ang kulay noon.
"Ubos na," itinaktak ko pa ang botelya.
I might go to that place again this weekend. Balewalang ibinato ko na lang sa basurahan ang botelya saka lumabas ng banyo bitbit muli ang aking bag.
"Kuya Zed—"
Napatigil ako sa paglalakad nang makita na naroon na naman si Hywell. His face looked surprise while looking at me. Nanlalaki din ang mga mata nya na akala mo ay nakakita ng multo.
Ano na namang drama ito?
Napasulyap naman ako sa hubad kong katawan. Doon ko lang napagtanto na naiwan ko pala sa banyo ang aking sando!
Mabilis na itinakip ko naman ang hawak kong bag sa aking katawan. "Nandito ka na naman?"
Tila doon lang sya nakabawi sa pagkabigla. Agad syang ngumiti saka naupo sa kama ni Skyler. "Dito ulit ako matutulog."
"Hindi," angil ko. "Nawiwili ka na. Bumalik ka na sa sarili mong kwarto."
"Pero—"
Kumuha ako ng isang tshirt saka iyon isinuot. Matapos itabi din ang hawak kong bag ay doon ko lang sya binalingan.
"Mangungulit ka lang naman."

BINABASA MO ANG
Superno Academy: Wolf in Disguise (COMPLETED)
FantasiaSuperno Academy: Shadow Prince SEASON 3 Started: April 2022 Ended: September 2022