AMELIA'S POV
NATUTOP ko na lang ang bibig ko nang may panibagong grupo ang dumating dito sa evacuation camp. May dala silang sugatan na mga sibilyan. Hindi makapaniwalang inilibot ko sa paligid ang mga mata ko.
It's been two days since we arrived here. Magmula nang dumating ako dito ay halos wala pa akong matinong pahinga. Maging ang suot ko na damit ay nanlilimahid na din sa natuyong dugo.
"We need healers here!!!" sigaw mula sa di kalayuan.
Napalingon naman ako. I then saw a man being carried by one of our seniors. Naliligo ito ng dugo habang may malaking tipak ng yelo na nakatarak sa balikat nito.
Akmang hahakbang ako nang biglang nanlabo ang paningin ko. Napahawak ako sa poste ng tent habang pilit na ibinabalik sa focus ang aking paningin.
My body is tired. But we can't stop with our jobs. As a healer, we need to be alert at all times.
"Okay ka lang ba Amelia?" isang tapik ang naramdaman ko.
Nilingon ko naman kung sino iyon. It was Vyn, one of the senior healers from Silver Crest Academy.
"O-okay lang ako..."
Hinaplos naman ang noo ko. "You look pale. Mabuti pa, bumalik ka muna sa tent nyo. Take a rest."
"P-pero kailangan kong tumulong dito—"
"It's fine," nakangiti nyang putol. "Paparating na ang tulong mula sa iba't ibang parte ng North and South Alegria. The doctors are already on it's way so it's fine if you take a break for a while."
Nagdadalawang isip pa din ako. Mula kasi sa kinatatayuan ko ay natatanaw ko ang paparating na mga military truck at alam kong naglalaman iyon ng mga sugatang mortale.
"Come on," bahagya nya akong itinulak. "Mas mahirap kapag ang healer ang nagkaproblema. I'll call you if ever we are short on people."
Tumango na lang ako. "S-salamat senior..."
"Don't mention it," muli ay tinapik nya ang balikat ko saka tuluyang naglakad palayo.
Sinunod ko na lang ang utos nya. Bumalik na lang ako sa tent na laan para sa mga healer mula sa Superno Academy.
Nang makapasok ako ay kaagad akong humiga sa matigas na kama. Hay! What a tiring day! Ngayon ko lang lubusang naramdaman ang pagod. Kumikirot din ang ilang parte ng katawan ko.
Napatitig naman ako sa kawalan.
Is this really happening? As a student, my worries are just about my grades and trainings. Ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na makakaranas kami ng ganito.
Three days ago, headmaster called us in his office. He broke the news about what's really happening outside the academy. I was a bit surprised because we never heard or saw any news about it. Iyon pala ay dahil limitado na ang access ng mga estudyante sa balita.
He told us that the Black Council started to make its move. North Alegria became their battlefield. Hindi ko lubos maisip kung bakit nangyayari ito. Madaming inosente ang nadamay sa kaguluhang ito.
Naramdaman ko naman na may paparating kaya mabilis akong tumagilid at nagpanggap na tulog.
"Finally, makakapahinga na tayo."
I know that voice. It was Solina's. She's also a healer from the fifth year department. Isa din sya sa iniidolo ko dahil halos lahat ng healing spells nya ay nasa intermediate at advance tier na. Madalas din sya ang isama sa mga mahihirap na missions na tanging fourth at fifth year students lang ang ipinapadala.
BINABASA MO ANG
Superno Academy: Wolf in Disguise (COMPLETED)
FantasySuperno Academy: Shadow Prince SEASON 3 Started: April 2022 Ended: September 2022